RIYA POV Nagawang maipalabas ni Akeesha ang air element nya. Mahina lang ito pero nagsisimula nang magsugat ang mga braso nya. Agad na nagpalabas ng element ang myembro ng council at pinatama ito sa mga braso ni Akeesha. “Lumayo muna kayong tatlo.”, utos sa amin ni Mr. Davis na agad naming sinunod. Katulad nung una ay ganun din ang ginagawa nila ngayon kay Akeesha. “Aaaahhhhhhhhh” “Just let it go Akeesha para matanggal agad namin ang seal.” Pinanood lang namin sila dahil wala kaming magawa. Hindi namin alam kung paano sila matutulungan. “Mr. Davis, nilalabanan ng seal ang mga element natin.”, nahihirapang sabi ni Ms. Alexa. “Yes pero hindi tayo pwedeng bumitaw. It might harm Akeesha.”, sagot naman ni Mr. Davis. Napasuntok si Ryan sa lupa kaya agad syang nilapitan ni Jethro p

