bc

LOVE WITH BOUNDARIES

book_age12+
15
FOLLOW
1K
READ
revenge
second chance
friends to lovers
tragedy
twisted
bxg
lighthearted
friendship
school
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Being a poor is a very big issue when it comes to status of life..if you're poor they'll judge you, maltreat you,and make fun of you..if you're rich you're like a queen or king living in a wealthy life, they'll praise you and you'll have many friends

My questions are..

Rich or Poor?

Status or Friends?

Lies or Truth?

and lastly...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Money or Love

chap-preview
Free preview
SIMULA
Hindi ko mapigilang mapa-iyak habang inaalala ang dahilan kung bakit ako tuluyang lumisan sa aming probinsiya kasama ang apat kong kapatid.Ako ang panganay kaya't obligado akong bantayan at alagaan sila tulad nga ng sinabi ni nanay sa akin mula nang pumanaw siya dahil sa sobrang pambubugbog sa kanya ni Itay,wala akong lakas nang loob na magsumbong sa pulis dahil binantaan niya akong papatayin niya rin daw ang mga kapatid ko.Natakot ako sa banta niya dahil alam kong hindi malabong gawin niya iyon sa mga kapatid ko kaya mas pinili kong manahimik na lamang habang paulit-ulit kong sinisisi ang aking sarili sa nangyari sa aming ilaw ng tahanan *FLASHBACK 5 MONTHS AGO* Naglalakad ako papasok nang bahay dala ang mga isda na nabingwit ko sa dagat malapit sa amin.Pagkapasok ko sa bahay narinig kong umiiyak ang mga kapatid ko kaya't dali dali kong ibinaba ang mga dala ko saka ko sila nilapitan at tinanong "Eya,anong nangyari??bakit kayo umiiyak??may masakit ba sa inyo?anong nangyari huh?pakiusap magsalita kayo tsaka..nasaan ang tatay at nanay??" sunod sunod kong tanong habang natataranta kung sino sa kanila ang una kong papatahanin "Bakit mo ako hinahanap?nasaan na ang mga isdang nabingwit mo?lutuin mo na agad nagugutom na ako" nakangising sabi ni Itay habang nagpupunas nang kamay na medyo mamula mula pa na siyang nagdulot sa akin na kakaibang kaba dahil iba din ang dating sa akin ng kanyang ngisi 'Nakakapangilabot ang kanyang ngisi na para bang sinapian siya ng kung anong masamang nilalang' "ANO PANG HINIHINTAY MO DIYAN?!LUTUIN MO NA!" sigaw niya sa akin nang mapansin niyang nakaupo pa rin ako sa sahig dahil sa labus na pagkatulala sa kanyang kamay na may bahid pa ng pulang kulay Dali dali akong naglakad papunta sa likuran nang bahay namin para manguha nang panggatong na gagamitin ko sa pagluluto.Habang naglalakad ako papunta sa likod bahay ay naagaw ng mga patak ng dugo ang pansin ko.Laking pagtatakha ko dahil napakarami nun na tila ba galing sa isang hayop na kinatay. Dahan dahan ko itong sinundan hanggang sa lumitaw sa harapan ko ang nanay ko na puro bugbog at halos naliligo na sa sarili niyang dugo. Halos manlambot ang aking mga tuhod ng makita ko si Inay na nakapikit habang duguan "Inay!!!" sigaw ko tsaka ako tumakbo palapit sa kanya."Inay!!Inay!!gumising ka 'nay!!" niyugyog yugyog ko pa siya nang maraming beses na nagbabakasakaling tumugon ito. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata "A-anak..anak ko" mahinang sabi niya.Pilit niya ding inaabot ang aking pisngi kaya't inabot ko ang kanyang kamay at inihaplos ko ito sa aking pisngi "A-anak huwag mong p-pabayaan mga *ubo* mga kapatid mo..a-alagaan mo sila tsaka b-bantayan mo sila i-ilayo mo *ubo* ilayo mo sila sa tatay niyo a-anak p-pasensya na d-dahil hindi ko*ubo* hindi ko kayo maipagtanggol sa..sa tatay niyo..pasensya na rin kung ganitong uri lamang ng buhay ang kaya naming ibigay sa inyo *ubo* pasensya na rin anak kung ibibigay ko na sa iyo ang aking responsi- bilidad bilang inyong I-ina.. P-patawad anak ko dahil ramdam kong hanggang dito na lamang ang aking buhay" pagkatapos niyang sabihin 'yun umubo siya nang napakaraming dugo na ultimo mukha ko ay natalsikan pero binalewala ko lang ito dahil ang mahalaga sa ngayon ay ang buhay ni Inay " Inay..Inay..Inay!!!!!" sunod sunod na tawag ko sa kanya habang inaalog alog pa siya nagbabakasakaling may buhay pa ang Inay pero hindi na talaga siya tumugon kaya ramdam ko ang biglaang panghihina ng katwan ko dahil doon "Hindi na 'yan magigising" napalingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses nang aking ama.Nakangisi siya habang hawak niya ang isang sako na may mga bahid din ng dugo.Nanlaki ang aking mga mata ng may mapagtanto akong isang bagay na ultimong ako ay hindi ko lubos mapaniwalaan "K-kayo ang m-may gawa nito??Itay,sabihin mong hindi ikaw ang may gawa nito..Itay, nagmamaka- awa ako..sabihin niyong mali ang aking naiisip tungkol sa inyong ginawa" nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko habang nagmamakaawa kay Itay pero nanatiliblamang siyang nakatayo habang nakatingin sa akin at kay Inay na ngayon ay waka ng buhay "Ako nga..ako nga ang may gawa niyan..bakit??anong gagawin mo??magsusumbong ka sa pulis??hahahaha huwag ka nang magtangkang magsumbong dahil hindi ako magdadalawang isip na isunod ang mga kapatid mo dyan sa nanay niyo..kaya mag-isip ka nang mabuti kung ayaw mong madamay ang mga kapatid mo" nakangising sabi niya habang paikot-ikot na naglalakad sa katawan nang aking nanay na ngayon ay nakabulagta na lamang sa sahig "M-masama ka!!ang sama sama mong tao!!hindi ikaw ang tatay ko na dating nakilala ko!!"sumugod ako sa kanya at pinaghahampas ko siya sa kanyang dibdib pero siya..nakangiti na para bang tuwang tuwa habang nakikita akong umiiyak sa sobrang galit na nararamdaman ko **** After 2 days . May kumatok sa pintuan namin kaya dali dali akong binuksan 'yun at tumambad sa akin ang tatlong pulis. Nanlamig ako ng makita ko sila, ramdam kong may hindi magandang mangyayari ngayong araw dahil sa pagpunta nila dito sa bahay "Dito po ba nakatira si Dominic Salazar?" tanong nang pulis na may hawak na papel "Dito nga po..ano pong ka--?" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng magsalita si Itay mula sa aking likuran "Anong kailangan niyo sa'kin?" seryosong tanong ni Itay habang nakatingin sa mga oulis na nakatayo sa harapan namin ngayon "Nakatanggap po kami ng report na may naganap daw pong krimen malapit dito sa bahay niyo..maaari po ba namin kayong imbitahan sa presinto upang mag-embistiga tungkol sa nangyari?" "Sige..magbibihis lang ako" tinalikuran ni Itay 'yung tatlong pulis at saka siya humarap sa akin na may matatalim na tingin"Sinasabi ko na nga ba't magsusumbong ka sa mga pulis..humanda ka sa akin mamaya"bulong niya sa akin bago siya naglakad palapit sa isang karton kung saan nakalagay ang mga damit niya at tsaka siya nagbihis at sumama sa mga pulis 'Tay wala akong ginawa maniwala ka.. Ayoko ring mapahamak ka kaya hindi na ako nagsalita pa kahit labag sa kalooban kong manahimik na lamang' *** *****BLAAAAAGGG***** Halos mapatalon ako nang pabalibag na nagbukas ang pintuan at tumambad sa aking paningin ang mukha nang aking ama na nakangisi habang tinatanggal ang kanyang sinturon at ipinulupot niya ito sa kanyang kamao tsaka siya lumapit sa akin "Itay..w-wala po akong kinalaman sa pagpunta nang mga pulis dito sa atin..h-hindi ako nagsumbong sa kanila..Itay maniwala ka" kinakabahang sabi ko habang patuloy ang pag-atras dahil paabante nang paabante si Itay papunta sa gawi ko "Wala nga ba??hahahaha..hindi mo ako maloloko Elaine..hindi ako tulad nang Inay mo na madaling maloko..ibahin mo ako sa kanya" tumalim ang mga tingin niya sa akin nang ibato ko sa gawi niya ang isang sangkalan na gawa sa makapal na kahoy.Napatigil siya sa paglalakad at pinunasan niya ang kanyang ilong na dumudugo na "Hahaha..tignan mo nga naman..katulad na katulad ka nang nanay mong palaban.. magkaparehong magkapareho kayo sa bawat kilos at hawig na hawig mo siya..hawig na hawig mo ang nanay mong walang kwenta!! kaya itutulad ko sa kanya ang pagkamatay mo ngayon IKAW NA DIN ANG ISUSUNOD KO SA NANAY MO!! HAHAHA PAPATAYIN KITA!" sinugod niya ako at saka pinaghahampas nang sinturon sa aking tagiliran at sa aking mga paa't kamay.Pilit niyang hinahampas sa aking ulo ang bahagi nang kanyang sinturon na gawa sa metal pero hinaharang ko ang aking ulo gamit ang mga braso ko na ngayon ay namamanhid na. "Itay!!tama na po!*sob* huwag niyong sasaktan si ate..maawa po kayo sa kanya..ako..ako na lang po ang saktan niyo..nagmamakaawa po ako Itay" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Joseph..ang pangalawa sa aming limang magkakapatid 'Joseph..huwag!' "Aba!hahaha tignan mo na naman oh!nililigtas ka nang napaka- guwapo kong anak..hahaha" dahan dahan siyang lumapit dito at saka ito lumuhod sa harapan ni Joseph. "Itay huwag!!" sigaw ko nang bigla niyang sakalin si Joseph.Dali dali akong lumapit sa kanila at hinila ko si Joseph palayo kay Itay pero nabigo ako dahil ang paghila ko kay Joseph ang naging tiyempo ni Itay para masuntok ako sa aking tiyan na siyang nagpaatras sa akin dahil namimipilit na ako sa sakit ng tiyan "HUWAG KANG MAKIKIALAM SA MGA GINAGAWA KO!!" bigla siyang lumapit sa akin at sinampal ako nang napakalakas kaya natumba ako.Kahit nahihirapang kumilos dali dali akong naglakad palapit sa apat kong kapatid at tsaka ko sila itinago sa may likuran ko para hindi sila masaktan. Agad siyang humakbang palapit sa akin at saka ako hinila sa buhok. Pakiramdam ko matatanggal na ang anit ko dahil sa sobrang higpit nang pagkakahila niya sa buhok ko. Napasigaw ako nang bigla niya akong kaladkarin sa pamamagitan nang buhok ko.Kinaladkad niya ako nang kinaladkad hanggang sa maikot na namin ang kabuuan nang aming bahay.Ramdam kong namamanhid na ang aking likuran dahil sa halos ilang beses na naming naikot ang kabuuan nang bahay.Pagtingin ko sa mga kapatid ko nagsisi-iyakan sila sa isang sulok habang nakatingin sa akin. Nginitian ko lang silang lahat,isang palatandaan na okay lang ako. Ramdam ko ang sakit sa iba't ibang parte nang katawan ko,medyo hilo na rin ako pero okay lang,kaya ko pa naman. Nang makuntento si Itay sa pagkaladkad sa akin binitawan niya na rin ako at saka siya umalis nang bahay..at doon na rin ako napapikit nang mata *** Nagising ako dahil sa malamig na bagay na dumampi sa aking pisngi.Pagmulat ko nang mata ko lumitaw sa paningin ko ang mukha nang nakababata kong kapatid na si Eya,siya ay walong taong gulang na ngayon.Mababakas sa mukha niya ang labis na pagkatakot na baka maulit muli ang ginawa ni Itay kagabi. "Ate..masakit pa ba mga sugat mo??" naiiyak na tanong niya sa akin "Hindi na nga eh..ayos na ayos na Ang mga sugar ko hehe..ang galing kaya ng doktor ko" nakangiting sabi ko sa kanya para naman hindi na siya mag-alala pa kahit na ang totoo'y nanghihina ang katawan ko dahil sa mga pasa at galos na natamo ko kagabi "Mabuti naman kung ganun ate.. tsaka ate,alam mo ba paglaki ko??gusto kong maging doktor..para ako ang gagamot sayo kapag sinaktan ka ulit ni tatay..pero, hindi na namin hahayaang mangyari 'yun sayo ate..mabait ka kaya tsaka maalaga..huwag mo kaming iiwan ah?" natawa ako ng bahagya ng ngumuso siya na siyang nagpalabas sa dalawang maliliit na biloy (dimples) niya "Bakit ko naman kayo iiwan??diba sabi ko sa inyo walang iwanan??tsaka..pangako ko rin 'yun kay nanay noong nabubuhay pa siya" "ELAINE!!ELAINE!!" napatingin ako sa pinto nang makarinig ako nang sumisigaw.Biglang pumasok sa pinto si Aling Ising,isang mangingisda din tulad ko.Madalas kaming magkasama dahil nga nasa iisang bangka lang kami sa tuwing sasapit ang umaga dahil kailangan na naming pumalaot. "Bakit po Aling Ising?" takhang tanong ko sa kanya.Hindi kasi siya magpupunta dito sa amin kung wala siyang importanteng sasabihin o gagawin kaya nagtatakha ako ngayon. "Elaine.. si Joseph" bigla akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ni Joseph "A-ano pong nangyari kay Joseph??Aling Ising ano pong nangyayari??" sunod sunod na tanong ko dahil kinakabahan na ako nang todo "Nasa ilog siya kasama ang tatay mo..nakita ko silang nasa ilog malapit sa bangin..Ellaine si Joseph sinasak--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil dali dali akong tumakbo papunta sa ilog kahit nakapaa lang ako. 'Isang beses mo pang galawin mga kapatid ko Itay pinapangako ko sayong magkakalimutan tayo' "Itay!!huwag!!" sigaw ko nang makita kong hawak niya ang isang sako kung saan niya isinilid si Joseph. *** To be continued..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy's naughty Princess

read
3.2M
bc

Back and Better

read
877.0K
bc

Desert Nightmare (Book 3 to Desert Series)

read
1.2M
bc

Energy of the Omega

read
276.2K
bc

Loved by Twin Daddies

read
1.7M
bc

Alpha’s Unwanted Mate

read
1.1M
bc

Desert Heat (Complete) (Book 1 to Desert Series)

read
1.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook