Habang sumisim-sim ng ice tea si Cherrybe ay inilabas naman ni Grey sa bag ang laptop na dala dala nito.
"So can we proceed to the bussines?" seryoso tanong ni Grey na kinagulat naman ni Cherrybe sa bigla pag iba ng awra ng kaibigan dahilan upang masamidan sya sa ice tea iniinom nito..Saglit pang nagpatikhim tikhim si Cherrybe bago sumagot.
"uhmm...uhmm " dalawang sunod na mahinang pagubo pa ang ginawa nito just to clear her throat. Napagbuntong hininga pa ito ng muli na sya nakapag salita " Okay... game.. let's start " confident na sagot ni Cherrybe.
Cherrybe POV
Grabe naman tong si Grey..bigla bigla na lang nag iiba ang awra ..nasamidan tuloy ako..ilang sandali pa bago ko nabawi ang lalamunan ko mula sa pagkakasamid.. Pero dahil career ko ang paguusapan hindi dapat ako pabagal bagal.
"Okay .. game let's start.!!" saad ko na may buong confident.
" So as for I chatted you awhile ago.. about HAORAN'S FIRST LOVE CHENCHEN"..banggit ni Grey habang binubuksan ang laptop at may mga browser na pinindot pa ito bago nya iniharap sa akin ang screen nito.
Tahimik lang din ako nakikinig at naghihintay sa mga sasabihin ng manager ko. Syempre wala din ako magagawa 60 percent ng decision ay sa kanya nanggagalimg. Para ano pa at may kasunduan kami pinirmahan noon. Noon kasi nasa 2nd year college sila ay nagkaroon pa sila ng kasulatan na nag lalahad ng kasunduan na 60 percent ng plano ay manggagaling Kay Grey.
"so this will be the plan" saad ni Grey.
"in this browser ay makikita mo kung gano ka popular ang librong ito at gayun din ang author nito." dugtong pa nya
May mga ilang picture din at mga screen shot pa itong pinakita patunay ng kasikatan ng libro at ng nasabing author.
Wala din ako halos maintindihan sa mga pinagsasabi nito dahil wala naman ako ka idedeya patungkol sa libro. All I get to understand is, pupunta kami sa China, at hanggang maari ay dapat ako ang kaunaunahang Makakapag interview sa author nito. The rest ... para lang sya nag sasalita daga.
"have you get what i mean?" Grey ask habang nakataas ang isang kilay nito.
"uh..eh.mmm " sagot ko bago ako tuluyan umiling iling sa kanya.
"I've been talking for about 15 minutes and you don't understand a thing?" panenermon neto.
"teka nga teka nga... kelangan ba kapag nanenermon .. ay dapat English speaking?" Pangongontra ko naman sa kanya na sadyang napakalayo sa topic.
Palibhasa laking Australia.. kung English-in ako ganon ganon nalang, nais ko pa sana idugtong ngunit inimpit ko nalang ang sariling dila. "Grey nasa pilipinas tayo.. kelangan nating mahalin at pagyamanin ang sariling wika." sambit ko pa sa kanya, habang tila nanunumpa sa harap ng stage tuwing buwan ng wika.
Napansin ko naman na pilit nyang itinatago ang pag tawa sa mga sinabi ko. Pero he have to be firm ika nga. Lalot aminado ako na may pagkamatigas ang aking ulo.
"Cherrybe..remember why we...no... you always wanted to pursue this dream." seryosong pagkakasabi pa nya sa akin. Buhat noon isang flash back sa kabanata ng buhay ko ang nagbalik sa akin diwa.
----
3 years ago ng umuwe si Grey sa Pilipinas. Kapwa kami papasok ng college ng maga panahong iyon at sa iisang university lang kmi nag enroll.
Si Grey ay isang BS Management students habang ako ay kumukuha ng kursong Information Technology. Sa kabila ng pagiging BS Management student ni Grey ay kumuha din sya ng IT vocational course.. Ito lamang ksi ang hinihiling nya sa kanyang mga magulang noong pinilit sya pag aralin ng management. Paliwanag pa nga nya sa mga magulang ay makakatulong din naman ang matututunan nya sa kursong ito sa lumalago ng negosyo nila noon. Kaya naman ay napapayag niya eto.
Noong mga panahon na iyon ay buhay pa ang ate ni Cherrybe na si Chariz na noon ay ginupo na ng matinding sakit. Si Chariz din ang taong dahilan ng pilit na pag abot ni Cherrybe sa pangarap nito.
Ngunit isang taon lamang ang lumipas ay tuluyan Nang Hindi kinaya ng ate nyan ang karamdaman.
Cherrybe POV (flashback)
"ate !" masiglang pagtawag ni Cherrybe sa Kapatid ng buksan nito ang pinto ng private room ni Chariz sa hospital. Ngunit walang inabutan si Cherrybe sa kwarto.Kapansin pansin din na maayos at maaliwalas ang kwarto at wala ni isang bakas ng kapatid. Pumasok pa ito at nagpalinga linga.. binuksan din nya ang pinto ng cr na nasa loob ng kwarto. Ngunit wala din bakas ng ate nya roon.
Halos pagpawisan na sya sa pagalala ng naisipan na nyang tawagan ang mga magulang. Nakailang ring pa eto ngunit walang sumasagot.
Lumabas naman sya ng kwarto at nagtungo sa nurse desk
"nurse nurse..!" pagtawag nito sa babaeng nakatayo sa counter.Hindi naman sya kaagad pinansin nito dahil may kausap ito sa telepeno. Ilang minuto pang nag hintay si Cherrybe bago sya hinarap ng nurse. "nurse.. asan ang ate ko.. yung nasa room 204?" Hindi ko na hinantay magsalita ang nurse at nag tanong nako.
"ah wait po.. check ko po sa record" talima naman ng nurse.
"ay mam. idinischarge na po sya."
"ha? Kelan pa?" Gulat Kong tanong..
"kaninang umaga lang po.. 10 :30" sagot ulit ng nurse..
Nagtataka naman ako kung pano mangyayari iyon.
"may tanong pa po b akyo?" dagdag pa ng babae.
"sino pong pumirma ng discharge ng ate ko?"
"si... sir. Christian de Ocampo po."
"si Daddy?" ... "Sige salamat po" paalam ko sa nurse bago ako umalis . Nagmamadali naman ako umuwe.
Nang makarating sa bahay ay sinalubong naman ako ng ate ko na nakaupo sa wheelchair. Pansin ko ang manipis na make up sa magandang muka ni ate.
"ate...!" halos takbuhin ko na ang pagitan namin." ate Chariz.. magaling kanaba?, okay nabang pakiramdam mo? wala kana bang nararamdaman sakif?" Sunod Sunod na inosente ko pang tanong sa ate ko. Nginitian lang ako ng ate ko at sa mga panahon iyon ay malaanghel sa ganda si ate Chariz." oo bunso.. kaya dahil dyan ay ipapasyal pa kita "
Nakita ko pa na halos maluha luha sina daddy at mommy. Iniisip ko na lang ay marahil sa sobrang tuwa kaya hindi nila mapigil ang ang pagluha.
"mommy .. daddy?" pagtawag ni ate sa mga magulang namin habang nakangiti ito.
Pakiramdam ko ito na ang pinakamasayang araw ko.. dahil dininig na ng Diyos ang panalangin namin.. at pinagaling nya ang pinakamamahal Kong Kapatid.
"mommy, daddy... mamasyal po tayo. gusto Kong pumunta sa dagat." masayang request ng ate ko.. " syempre ate.. lahat ng I request mo kay mommy at daddy pati natin sakin ay ibibigay namin sayo., I love you ate.!!!"
"I love you too bunso."
"teka lang ate.. kukunin ko ang camera mo sa kwarto, kailangan I blog natin ang ang pagpunta sa dagat. at ang paggaling mo.. ipaalam natin za lahat ng fans mo na magaling kana!" di ko na hinintay pa si ate magsalita at tumakbo na papunta sa kwarto. Kinuha ko ang camera nya. Gayun din pumunta ako sa kwarto ko para mag dala ng gamit.
Excited na ako pababa ng hagdag "mhie , daddy. ready nako!!" masayang sabi ko pa.
"Bunso kanina ka pa namin hinihintay, Dalian mo!" pagmamadali ni ate sakin. Muling nanumbalik ang dating kasiglahan ni ate. At kinatuwa naman ng puso ko.
Sa daan ay masayang masaya kami ni ate nag kkwentohan at sila mommy at daddy ay minsang huminto para bumuli ng makakain.
Nang kaming dalawa nalang ni ate sa kotse ay bigla nyang hinubad ang camera na sinuot ko sa leeg nya, at sinuot naman nya ito sakin. "Bunso.. Hindi na bagay sa akin ang pagbblog ... mas marami kang fans kesa sakin.. kaya mula ngayon, ikaw na ang may ari ng camera na yan." sabi pa nya hawak ang mga kamay ko. "gusto Kong makita kang maging sikat na blogger at ako ang magiging no. 1 Fan mo." nakangiti pa nyang sabi.
Halos palubog na ang araw ng makarating sila sa dagat. Sakto lang ang dating nila upang makita ang magandang sunset.
Ilang minuto pang kinuhanan ng video ni Cherrybe ang paligid.. ang kanilang mga magulang at ang ate nyang si Chariz .
"ate... ano ang nararamdaman mo ngayon?"
saglit pang ngumiti si ate sa lente ng camera. "sobrang saya ko.. at napakapayapa ng Pakiramdam."
inagaw naman ni ate ang camera sa akin at inakbayan ako at itinutok ito sa amin dalawa.
"hello my supportive viewers. kita nyo ang magandang dilag sa tabi ko? " sabi pa nya habang nakangiti at tumitig sa akin "Sya ang pinakamamahal Kong kapatid sa BUONG..... MUNDO!" at dahil dyan ipapasa ko na sa kanya ang korona ko."
Naging sobrang saya ng mga Sandaling iyon para sa pamilya namin. Ilang sandali pa ay palubog na ang araw at masayang masaya si ate pinagmamasdan ito habangg nasa likuran naman namin sila mommy at daddy.
Humikab pa ng malakas si ate at sabing inaantok sya.
"I love you bunso..."
"love you too ate.. pahinga kana ate, mukang napagod ka sa byahe."
"mommy... daddy ... narinig niyo yun ha. magpapahinga lang po ako.. wag nio na po ako gisingin... I love you po" pilit pa syang ngumiti hanggang tuluyan na syang pumikit..
Halos d mapigilan naman ang pagluha ng mga magulang namin ng mga oras na iyon. At lalo pang lumakas ang hagugol nila ng bumagsak ang isang braso ni ate na kanina pang nakahawak sa mga kamay ko...
"mommy daddy.. bakit kayo umiiyak? nagpapahinga lang po si ate.. tara na po at umuwe.. mahaba pa ang byahe.!"
Naalala ko pa ang pagyakap ni mommy sa akin, habang di ko maintindihan lung bakit may luha sa aking mga mata at nakadarama ako ng takot.. Isang pangamba na..pero hindi... namamahinga lang si ate.. yun ang sabi nya.. inaantok lang sya at matutulog panandali.."ate..di ba?"