Cherrybe POV
"Cherrybe,!" pagtawag sa akin ni Grey na syang pumukaw sa mamalim kong pag-iisip.
Agad ko naman pinunasan ang butil butil na luha pumapatak sa akin pisngi.
"Tingin ko pagod kana, gusto mo na bang umuwe?"
"pwede na ba? " sagot ko "inaantok kasi ako sa mga panenermon mo!!" dagdag ko pag- iiba ang usapan, at pilit na humikab upang tuluyan ng kumawala ang nangingilid na luha sa akin mga mata. Hinawi ko ang mga luhang iyon at ngumiti. Ngunit alam kong di ko matatago ang totoo sa kaibigan.
Bumuntong hininga pa si Grey bago sumagot. "okay Sige.. ,hatid na kita sa inyo."
"Hindi na.. anlapit lang ng apartment namin eh! "
"tsss... pailing iling pa ito...kaya nga kita ihahatid ksi malapit lang,.. wag masyadong assuming..do you think pag aaksayahan kita ng panahon ihatid kung sa malayo..? Tara na wag ng matigas ang ulo" pag pigil pa ni Grey sa pag kontra ko.. di pa nakuntento ay pinitik pa ang noo ko..sabay tayo naman nya.
"aray!!" daing ko.
"ang OA mo ang hina lang naman ng pitik ko."
"si Sofie kasi kinatok ang noo ko kanina.. tapos pinangalawahan mo pa"
"serve you right.. asan ba si Sofie ng mapuri ko." sabi pa ni Grey habang malakas na tumatawa.
Pag labas sa coffee shop ay biglang napahinto si Cherrybe. Nagpalinga linga ulit ito ng naramdaman uli nya na tila ba may camerang nagmamasid sa kanila. Isang flash mula sa camera sa di kalayuan.
"Napano ka na naman Che." pagtatakang tanong ni Grey.
"ah.mm para kasing may flash ng camera.. parang nag shoshoot ng pictures" pag amin ni Cherrybe.
Napangisi naman si Grey sabay akbay sa akin.
"Masanay kana sa twing kasama mo ako, di ko sila masisi kumuha ng mga stolen shots ko." mayabang na saad ni Grey.
"ang yabang mo! Tara na nga.. kinikilabutan ako sayo.!" banggit ko pa bago ko siya sikuhin palayo sa akin.
Marahil nga, siguro nga kinukuhaan lang ng stolen shot si Grey, kayang pinagkibit balikat nalamang ni Cherrybe ang nakita.
-----
Sa di kalayuan merong isang nakasout na itim na hoody ang nagmamasid sa kanilang dalawa.
-----
Nang makarating sa tapat ng apartment sina Grey at Cherrybe ay nag paalam na binata
" Sige che.. mauna na ako.. di na ako tutuloy.. sa susunod ko nalang papupurihan si Sofie sa ginawang pagdedesiplina nya sayo."
" tsk.. as if. naman na aayain pa kita sa loob .. nasusuffocate na akong kasama ka" panganganchaw pa nya.
Di na sumagot si Grey dahil alam nyang hahaba lang ang usap.. bukod pa ay kailangan na nyang magdali dahil may mga ipapasa pa syang email Kay Cherrybe.
Tinaasan lamang ng labi ni Grey si Cherrybe, bago may naisip na ibigay sa kaibigan. dumukot ito sa loob ng laptop bag at inabot ang isang libro.
"You have less than a week para mabasa at kabisaduin ang summary ng kwento." bossy -ing tono nito na parang wala syang ibang choice but to do it.
Natulala naman si Cherrybe sa inabot na libro na ngayon ay hawak hawak mha
"So pano.. alis nako.. wag mo kalimutan mag lock ng pinto ha.?" bilin pa nya bago umalis. Tumango lang naman ako biglang pag talima. Nakalayo nasi Grey ng muli ko syang tinawag, at lumingon naman ito. "ingat" tipid ko pagkakasabi ,bago pa mang tuluyan syang makaalis.
-----
"Pasado ala sais na ah...?"
sambit ni Cherrybe ng mapasulyap sa relo nito. Agad naman nyang kinuha ang cellphone nya na nakapatong sa gilid ng center table sa sala nila, at dinial ang numero ni Sofie. Makailang ring pa bago tuluyan sinagot ang kabilang linya.
"Sofie ... asan kana .. anong oras ka makakauwe..? di na hinintay ni cherrybe na mag salita ang kausap at sunod l-sunod na nagtanong ng marining nya ang answer tone ng kabilang linya. Maya maya pa ay narinig nya ang paghikbi ni Sofie.
"hello?? sofie?? asan ka?? bumakas naman ang pagaalala nito sa kaibigan.
Nagmamadali naman na nag tungo si cherrybe sa isang mini stop na napag kaalaman nya kung saan si Sofie. Halos abot abot naman ang pag alala ni Cherrybe para sa kaibiga. Nang matanaw nya sa di kalayuan si Sofie na nakaupo sa waiting table ng mini stop, ay nabawasan naman ang kanyang pag alala. Agad naman nya itong nilapitan. Pagkakitta ni sofie sa kanya ay agad naman syang niyakap nito.
Halos katatapos lamang ng kaibigan ang pag iyak na bakas na bakas sa namumugtog mga mata.
"Anong nangyari..? " muli pang tanong ni Cherrybe ng di na nito mapigilan ang sarili, dahil ayaw na ayaw nyang nakikitang umiiyak ang kaibigan.
-------
SOFIE'S POV
Masayang masaya akong umalis ng bahay dahil ngayon ang fan signing ng iniidolong author. Sa pagkakataong ito ay buo na ang loob ko na ibigay ang love letter na sinulat ko para sa kanya.. winisikan ko pa ito ng pabagong lagi kong gamit.
Nang makarating ako sa mall kung saan gaganapin ang fan signing event ay halos di mahulugan karayom ang event hall sa dami ng mga dumalo. Karamihan ay mga kababaehan gaya ko ay nag hahangad na makita ng malapitan at personal ang manunulat.
Maya maya pa ay umalingawngaw ang tiilian ng mga babae ng umupo ang isang gwapong lalaki sa sign table sa harapan. Kabilat kanan pa ang pagpipicture ng mga taga hanga nito. Hindi naman ako nag karaoon ng pagkakataon makita ang lalaki sa kapal ng mga tao sa paligid , dag dag pa ang katotohan di rin naman ako nabiyayaan ng tangkad.
Isang MC ng event ang lumapit at nag anunsyo na hanggang 500 katao lang ang mapagpapaunlakan ng author dahil lilipad na ito pabalik ng Mainland China.
Nagkagulo naman ang lahat at ang ilan ay halos magbalyahan na sa pila upang makauna... asa maayos na kong pila ng mga sandaling iyon, ng ianounnce na ulit ng MC na huling dalwampo ay agad kung naramdaman ang mga pagsingit at pag tulak sa akin muli akong nalayo mula sa pilang kinalalagyan ko kanina.. kung nag kataon sana ay isa ako sa mga nakapag papirma na sa kanya.. Halos manlumo ako sa aking sarili. Muling nag kagulo at di ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari.. nabitawan ko ang libro at agad ko naman sinubukang kunin ito ngunit nagkakagulo na ang lahat.. Naramdaman ko na may tumulak sakin at dahila upang ako ay bumagsak, sakto naman narorooan ang libro ko, tila nakatulong pa ito sa akin. Wala na nga akong sinayang na pagkakataon at sinunggaban ko iyon kaagad.
Mula sa pagkakasalampak ko ay natanaw ko ang mga binting nakatayo sa harapan ko. Nakauot sya ng silk darkblue pants at leather shoes, at amoy na amoy ko din ang matamis nyang pabago... agad ako napatingala ng makita ko ang isang malambot na kamay na tila ba ay inooffer nya ito sa akin upang makatayo.
Hinding hindi ko naman makakalimutan ang mga sandaling iyon....ang maingay na paligid ay tila ba sa isang kumpas ng mahika ay tumahimik at ang tangi kong naririning ay ang malakas na pagtibok ng puso sa loob ng aking dibdib.. di ko namalayan na kusang humawak ang akin kamay sa lalaking nasa harapan ko, parang tila napako na amg sarili sa kinatatayuan at di ko maalis ang titig sa binatang asa aking harapan.
Ang kanyang malamlam at dark brown eyes, well shaped at makapal na kilay, ang matangos at pointed nitong ilong, manipis na labi,at ang perkpetong hulma ng muka..... idagdag mo pa ang makinis nitong balat.. perpekto.. napakaperpekto.. sambit ng isip ko. Akma ko pang hahawakan ang mga pisngi nito ngunit agad naman na syang tinawag ng isa pang lalaki..
"Mr. Wu .. tayo na po, " turan ng lalaki
Agad naman ng tumalima si Mr. Wu; ang author ng libo libong libro at isa na nga dito ang pinakabagong release nito na " Love that last a thousand years: Haorans First LOVE Chenchen"
Sa isang bigla ay nanumbalik ang ingay ng paligid ng makalayo ang binata. Nanatili padin ako sa kinatatayuan ko bago ko nahagilap ang sarili. Nanlaku ang mga mata ko ng marealize ko na ito author na hinahangaan ko.
Saglit pa ay nakihabol nadin ako sa ibang mga kababaihan na umiidolo rin dito. Nakalabas kami ng mall ngunit patuloy padin kaming hinarangan ng mga guard. Tuluyan ko nga nakita sumakay na sa itim na van si Mr. Wu.
Nangmakitang nakasakay na ang binata ay niluwagan na mga guard and pagpigil sa amin at tagumpay kong naalpasan sila, d ko napigilan ang pag kalampag ko sa sinasakyan nito.
"Mr. Wu .. Mr. wu..!" Sigaw ko pa ngunit mabilis ng umarangkada ang sasakyan.
"Mr. Wu . " mahina ko pang tawag habang pinapanood ko ang likuran ng sasakyang palayo ng palayo.
At sa ganoon nga natapos ang planong kay tagal kong pinaghadaan para makausap ang iniidolo ko.
------
Hawak kamay naman ng naglalakad si Cherrybe at sofie pauwe ng apartment habang kumakain ng icecream.
"look Sofie.. atleast di ka nabokya.. sa dinami dami ng mga tao roon ikaw lang ang nag karoon ng pagkakataon matitigan ng malapitan si... ? sino ba yon?? mr...????"
"Mr. Wu!!!" pagpapaalala ni Sofie
" uh tama si Mr. Wu!! " ..." may kutob ako na di lang yan ang unat huli nyong pagkikita.. i swear!"
pagpapalakas pa ng loob ni che sa kaibigan.