Leo’s Point of View Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ko nang kamuntik na akong matamaan ng palakol ni Taro. Sa lakas ng pagkakahampas nito ay lumikha ito ng butas sa lupa. Paulit-ulit akong nagmura lalo na nang makita ko ang impact nito. Paniguradong patay ako kung tinamaan ako ng atakeng ‘yon. Hindi lang basta patay, baka magkalasog-lasog pa ang katawan ko. Habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko alam kung makakaya ko ba ang ito lalo na’t napakalaki ng deperensya namin sa antas ng lakas at sandata. Hindi ko rin alam kung ano ang kayang gawin ng forged weapon nito kaya hindi ako basta-bastang makakaatake na lang. Kailangan ko munang malaman kung paano gumagana ang sandata niya at nang mapaghandaan ko ito. Agad akong napaatras nang makitang bumibwelong muli ang lalaki para

