Leo’s Point of View “Anong ibig n’yong sabihin?” tanong ko matapos kong marinig ang sinabi ni Faunn. Hindi sa hindi ko narinig ang sinabi niya, kundi dahil hindi ko maintindihan ang nais niyang puntuhin. “Literal,” sagot ni Faunn sa akin bago siya lumapit. “Katulad ng mga diyos at diyosa ang enerhiyang nagmumula sa ‘yo ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ilang beses ko nang naramdaman ang enerhiyang gaya nito ngayon,” dagdag niya sa akin. “Tama si Faunn, Leo. Katulad ng enerhiya ng mga diyos at diyosa ang nararamdaman ko mula sa ‘yo. Kaya pala pamilyar,” segunda naman ni Yukino. Kumunot ang noo ko bago nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila. “Papaanong nangyari ‘yon, eh, isa lamang akong mortal?” tanong ko sa kanila. Nagkatitigan ang dalawa kaya mas lalo akong naguluhan. Parang

