“Hanggang saan ba ang kagubatang ito?” pagrereklamo ni Clastine habang nilalagyan ng marka ang iilang kahoy upang hindi kami maligaw sa pagbalik namin mamaya. “Kanina pa tayo lakad nang lakad ngunit hindi tayo makaalis. Kating-kati na ang katawan ko,” dagdag niya pa bago bumaling sa dungeon guide na nasa tabi ko lang. “Gumamit na lang kasi tayo ng water orb para linisin ang mga sarili natin.” Mariing umiling ang dungeon guide. “Hindi natin pwedeng sayangin ang water orbs na mayroon tayo dahil hindi natin alam kailan tayo mauubusan ng items,” tanggi nito sa saad ni Clastine. “At isa pa, panipis na nang panipis ang bilang ng mga kahoy kaya sigurado akong makakalabas na tayo sa gubat na ito.” “Magpatuloy na lang tayo sa paglalakad,” sabat ko sa usapan nila at baka mauwi na naman sa pagtatal

