(This chapter happened a few days after Leo and his team fought the horde of orcs sa fourth floor.) Narrator’s Point of View “Sonja, wala ng grimrose sa palapag na ito, sinuyod na namin ang buong paligid,” sambit ni Rack pagkarating na pagkarating niya. Si Rack ang lalaking nakasama ni Sonja matapos niyang paslangin si Leo. Ito ang kauna-unahang kasamahang nakita niya matapos nilang mapunta sa loob ng dungeon. Magmula noon ay silang dalawa na ang palaging nagkakasama at nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Hindi mapigilan ng babae ang mapamura. Naikuyom niya ang kanyang kamay sa inis bago binalingan ang ibang kasamahan ni Rack, ang mga god candidate na piniling umanib sa kanila sa kadahilanang wala silang pagpipilian. Kapag hindi sila umanib ay kamatayan ang mapapasakanila. “Kayo, suyuri

