Narrator’s Point of View Nang makarating si Leo sa napag-usapan nilang tagpuan ay naroon na ang dalawa at mukhang nagbabangayan na naman. Natigil lang sila nang mapatingin sa lalaki at sa dala-dala nitong bunga ng prutas. “Leo, ano ‘yan?” tanong ng dungeon guide habang nakatitig sa dalang malaki at kulay berdeng prutas ni Leo. “Buko ‘yan, Amara,” sagot ni Clastine bago ito napangiti at lumapit sa lalaki at hindi napigilang mapadila sa ibabang bahagi ng labi nito dahil sa pagkatakam. “Ito sana ang sasabihin ko sa ‘yo pagkakita na pagkakita natin, kasi may mga namataan din kaming puno ng niyog sa unahang bahagi ng ilog,” dagdag niya bago kinuha sa lalaki ang isang piraso ng buko. “Okay lang ba na biyakin ko na ito?” Umiling si Leo bago niya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang

