Tatlong araw na magmula nang mapunta kami rito sa domain ng mga water monsters, at sa loob ng mga araw na ‘yon ay wala kaming ibang nakaharap kundi roaming goblins, stationary goblins, slimes, at iilang water serpents. Marahil ay dahil ito sa kadahilanang hindi pa kami gaanong lumalayo sa kweba kung saan kami namamalagi. Wala rin kaming nakitang kahit na anong bakas na may malapit na Forgery sa paligid o kahit na ang pinkahinahanap namin—ang dimensional port. Kahit anong suyod namin sa lugar ay hindi talaga naman magawang makahagip ng kahit na isang clue na makapagtuturo sa amin kung nasaan ang mga hinahanap namin. Ganito pala talaga kahirap kapag walang kaalam-alam sa lugar. Ngayon ko mas nabibigyang halaga ang tulong na ibinigay sa akin ni Amara noong ako ay nasa mababang palapag pa la

