Nang makalapit ako kay Clastine ay pansin ko ang pagtingin niya sa likuran ko. Umiling ako sa kanya para senyasan siyang huwag na ‘yon pansinin, pero dahil likas siyang mapang-asar kay Amara ay hindi niya ito tinigilang tingnan habang pinipigilan ang kanyang tawa. “L-Leo, anong ginawa mo sa dungeon guide?” nagpipigil niyang baling sa akin , ngunit hindi na niya ito napigilan at tuluyan na siyang natawa. Umalingawngaw ang tawa niya sa buong gubat habang nakahawak pa sa kanyang tiyan. Nang tingnan ko ang dungeon guide ay kay talim na ng tingin nito sa babae. At dahil hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Clastine ay nangyari na nga ang inaasahan ko. Tuluyan nang naputol ang pisi ng pasensya ng dungeon guide. Mabilis itong dumukot ng putik mula sa ilalim ng tubig at tinapon sa tumatawang b

