“Leo, siguro maganda kung sa ilalim na lang tayo ng puno magpalipas ng gabi,” suhestiyon ni Clastine dahil halos mag-iisang oras na kaming naghahanap ng magandang lugar upang magpalipas ng gabi. “Hindi maaari,” madiing tanggi ko. “Hindi natin kabisado ang lugar na ito kaya mas mainam pa rin na makahanap tayo ng mas ligtas na lugar kung saan makakatulog tayo nang payapa at ng walang iniisip na banta sa paligid,” dagdag ko upang ipaliwanag sa kanya ang dahilan ng pagtanggi ko. Pilit kong hinagilap ang kalangitan mula sa kumpol ng makakapal na dahon ng mga puno na siyang dahilan kung bakit medyo madilim na sa paligid. At nang makita kong bughaw na bughaw pa ang kalangitan ay muli kong hinarap ang mga kasama ko. “Magpatuloy tayo sa paghahanap. Sigurado akong may kweba rito lalo na’t malapit

