CHAPTER 2: Ang Pasanin ng Baryong Maligaya

1382 Words
Part 2/3: Ang Pasanin ng Baryong Maligaya Muli kaming pinatawag ni Kapitana sa barangay. Hindi ko alam bakit kami pinapatawag na ang sabi ay dapat my pumunta roon na isang miyembro sa bawat pamilya. Nakarating na nga ako sa barangay, hindi naman kalakihan ang barangay hall namin dito sa baryo dahil simple lamang ito. "Pinatawag ko kayo upang ibigay ko itong papel na pina-xerox ko. Resibo natin niyan sa lahat ng expenses sa mga nabiling handa noong piyesta natin na hindi natapos. Bukod pa diyan, may balita na tayo ay magsipaghanda dahil may darating na bagyo bukas. Hindi muna pwedeng pumalaot o lumangoy sa karagatan na nakapaligid sa baryong ito. Mabuti na tayo ay mag-ingat at huwag nang lumabas ng bahay pa bukas." Pahiwatig ni Kapitana Ellen sa amin na dumalo. Inabot sa amin ang bondpaper na nakalagay roon ang resibo na naka-xerox. Si Kapitana ang nagbibigay sa amin ng mga balita tuwing may kalamidad na darating para aming paghandaan dahil walang masiyadong signal dito sa amin. Subalit, may access naman si Kapitana mula sa bayan na malayo sa islang ito na nagbibigay sa kaniya ng mga balita. "Salamat, Kap' na pinaalam niyo sa amin agad na may bagyong parating." Saad ko sa aming butihing namumuno sa amin. Bago ako nakauwi ng bahay, may binigay sa amin si Kapitana na emergency kit at another ayuda ulit na mga biscuits, noodles, coffee at isang gallon na mineral water. Hindi talaga kami kinakalimutan o pinababayaan ng namumuno sa amin. "Sweetie, ang dami mong dala. 'Yan ba ang galing sa barangay at bakit may emergency kit pa?" wika ng aking asawa Habang inaayos ko ang mga dala ko, sinabi ko sa asawa ko "Oo, sweetie. Bukas daw may bagyo kaya mamaya aakyat ako sa bubong natin para lagyan ng malaking plastic at papatungan ko ng malalaking bato. Saka pakitali na lang ng bubong gamit lubid para hindi lumipad." Tinawag ng aking asawa ang aming anak na lalake "Jordan, tulungan mo ko magtali sa bubong natin may bagyo raw bukas." Tinulungan na siya ng aming anak na itali ang bubong at ako naman nang matapos ko ayusin ang mga ayuda ay agad akong umakyat sa bubong upang maumpisahan ko ang gagawin ko sa taas. Kapitana Ellen's POV Bumisita na naman sa aking opisina ang lalakeng nangungulit sa akin na gustong bilhin ang lupain namin. Siya ay si Dandelino E. konbarsyon. Half Chinese ang kaniyang lahi at isa sa pinakamayaman sa bayan. "Kapitana, magandang tanghali sa inyo. Napag-isipan niyo na ba ang aking inaalok?" Tanong niya sa akin habang nakangiti ito. Hindi pa alam ito ng aking mga nasasakupan ang patungkol rito na may nais bumili sa aming tinitirahan sa baryong ito. "Sir, pwede bang bumalik ka na lang po sa susunod na araw dahil may inaasikaso ako ngayong may bagyo bukas na darating sa amin." Tumayo ako sa aking inuupuan at palabas na sana ako ng opisina pero tumayo rin siya at nagsalita. "Saglit lang, Kapitana may sasabihin pa ako." Agad kong sinabi sa kaniya "Pasensya na po sir Konbarsyon, pakiusap po next time na lang pag-usapan tungkol sa inaalok mo." Hinayaan ko siyang maiwan sa opisina at ako naman ay inaasikaso ang mga kailangan Kong gawin para bukas. Pagsapit ng umaga ng alas siyete, pumasok na ako sa aking trabaho bilang Kapitana sa barangay. Habang abala ako sa paglilinis ng aking lamesa sa opisina ay may dumating na isang tanod ko na may dalang balita. "Kapitana, 'yung harang natin sa tubig ay nasira. Hindi namin alam kung sino ang may gawa nito. Napasok na ang tubig dagat sa baryo natin." Ang ikinagulat kong balita. Hindi kasi maari na masira o matanggal niyon pang proteksiyon sa amin upang hindi kami bahain. Pansamantalang harang lang kasi ang mayroon kami dahil kulang sa budget. Mga sako-sakong buhangin at lupa, nakatayong mga bakal na yero na nagsisilbing harang din. Nag-isip agad ako ng gagawin habang wala pang malakas na alon sa karagatan. Mahina pa ang ulan kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras. Ipinag-utos ko na tanggalin ang mga kalat roon at harangan ng matitibay na kahoy at mga bato para pansamantalang harang muna. Habang ako ay nag-iikot sa mga bahay upang ipaalam. Gamit ko ang isang megaphone. "Mga minamahal kong nasasakupan, magsilikas na po tayo hanggat maaga pa. Ang harang na nagbibigay proteksiyon dulot ng pagkabaha ay nawasak at pinalitan ko ng pansamantalang harang ngunit walang kasiguraduhan na kakayanin ito ng malakas na alon. Magtungo na po tayo sa barangay Hall at dalhin ang mga kailangang dalhin." Ang iba ay kumilos na sa kanila na bitbitin ang mga kailangang gamit para sa maagang paglikas. Ang Barangay Hall namin ay nasa mataas na Lugar kung kaya't mas safe sila roon. London's POV Kahit siksikan kami rito sa barangay hall na mga nagsilikas ang mahalaga ay ligtas kami rito. Ngayon ay malakas na ang hangin at ulan kaya siguradong malakas na ang alon sa karagatan ng Isla. Nagdala ako ng dalawang unan, isang banig at dalawang kumot. Nilalamig kami lahat rito at may mga tubig na tumatalsik sa bintana na pumapasok kaya nababasa kami ng kaonti. "Magandang tanghali po sa ating lahat, tatawagin po namin isa-isa ang pamilya ninyo para kayo ay mabigyan ng lugaw." Saad ni Kapitana Pang-lima kami sa tinawag at ako na lang ang kumuha ng lugaw para sa aking pamilya. Nakalagay naman ito sa tray kaya nadala ko lahat. Kinabukasan... Nakatulog naman kami ng aking pamilya kahit papaano. Napansin ko ang iba na mga hindi sila nakatulog ng maayos dahil sa lamig ng paligid at naiyak na mga sanggol na kanilang dala. Humupa na nga ang malakas na ulan at hangin kaya napasilip ako sa Isang bintana. Nakita ko ang labas, grabe ang baha at ang mga bahay ay lubog na sa baha. Sigurado ako na pati sa bahay namin ay lubog rin sa baha. Pagkatapos kong sumilip sa bintana may isang lalake na suot mayaman ang nakita ko na inihatid ng dalawang barangay sa opisina ni Kapitana. Naka-bota siyang suot pang baha at may dalang payong. Naririnig ko ang mga tao na nag-uusap na baka raw na tutulong sa amin na magbibigay tulong para sa aming naapektuhan ng malakas na bagyo. Kapitana Ellen's POV Nandiyan na naman si Dandelino E. konbarsyon na gustong bilhin ang aming Lugar. "Tanggapin mo na Kapitana ang alok ko na bilhin ko ang inyong lupain. Hindi ka ba naaawa sa nasasakupan mo ngayon? Paano pa kayo makakaahon ngayong sobrang lubog na ang bahay sa baha. Nahirapan pa nga ako makapunta dito sa opisina mo. Matutulungan mo pa sila dahil sa malaking halaga na alok ko." Napapaisip ako sa kaniyang mga sinabi at paano ko ito babanggitin sa mga tao. Binuksan ko ang bintana sa opisina ko at namasdan ko ang nakakaawang baryo namin na hanggang ngayon ay lubog pa sa baha ang mga bahay. "Hindi pa alam nila, Sir ang tungkol dito na nais niyong bilhin ang lupang ito. Hindi kasi madaling desisyon para sa akin ang inaalok ninyo dahil hindi pwede na ako lang Ang nagpasya rito." ang pagtugon ko sa kaniya habang sinasarado ko na ang bintana. Kaya gusto bilhin ni Sir Dandelino ang baryo namin ay dahil gagawin niya itong tourist spot na pagkakakitaan niya. Maganda kasi ang tanawin rito kagaya ng mga ulap, karagatan, at mga halaman. Namamasdan rin ang magandang kabundukan sa islang ito. "Narito naman sila ngayon sa barangay ninyo. Bakit hindi natin ipaalam sa kanila upang malaman nila at baka sakali ay maibenta ninyo ito sa akin." Sabi nito sa akin na may ngiti "Ako na lang po magsasabi sa kanila, Sir. Balitaan ko na lang kayo sa aming desisyon sa inyong inaalok." "O, sige aasahan ko niyan at babalik ako uli rito bukas." Tumayo na siya at lumabas na sa aking opisina. Isang oras ang makalipas, napagpasiyahan ko na lumabas upang ipaalam ko na sa kanila ang patungkol sa inaalok ng mayamang lalake. Dala ko ang megaphone na galing sa aking opisina. Hindi pa nga ako nakakapagsalita at may Tanong na agad ang bumungad sa akin. "Kapitana, may sinabi sa amin yung lalakeng bisita ninyo na may sasabihin raw kayo sa amin." At may isa pang nagsalita "May inaalok daw sa atin. Ano po ba iyon Kapitana Ellen?" Siguro ito na ang pagkakataon para malaman na nila at para mapag-usapan na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD