CHAPTER 3: Ang Desisyon ng Taong Bayan

1466 Words
LONDON'S POV May hindi pala sinasabi sa amin si Kapitana kaya napatanong ang aming mga kasamahan dito sa barangay hall nang lumabas siya mula sa kaniyang opisina matapos siyang bisitahin ng mayamang lalake. May dalang megaphone si Kapitana at kaniya itong ginamit. "Ang mga katanungan niyo po ay sasagutin ko ngayon. Kaya ako'y naririto sa harapan ninyo upang ipaalam na rin sa inyo. Kung maari po na wala munang nagsasalita at hayaan niyo akong magsalita at kayo ay makinig muna sa aking sasabihin dahil napakahalaga nitong usapin." Kita sa kaniyang wangis na seryoso si Kapitana. Nagsitahimik muna ang mga kasamahan ko dito para pakinggan ang mahalagang sasabihin sa amin. "Kanina, ang bisita natin ay si Sir Dandelino E. konbarsyon siya ay isang anak mayaman mula sa bayan. Nakaraang linggo pa siya nagpupunta rito upang kausapin ako sa kaniyang inaalok. Nais niya pong bilhin ang ating lupain dito sa baryong Maligaya. Gagawin niya raw itong tourist spot para sa kaniyang business. Ang alok niya sa atin ay nagkakahalaga ng limang milyon at siya raw ay babalik bukas kaya kailangan niyong magdesisyon kung papayag kayong lahat kasi bilang Kapitana ninyo ay Hindi ako nararapat ang mag decide nito mag-isa dahil iniisip ko ang kapakanan nating lahat." Nabigla kaming lahat sa aming nalaman, nagkatinginan ang bawat isa sa aming mga nalaman. May iilang hindi pumapayag sa alok na ibenta ang baryong Maligaya. "Tatay.. nanay, aalis na po ba tayo dito sa lugar natin? Papayag din po ba kayo na ibenta ang lupa natin?" Tanong ng aming anak na si Jordan na sampung taong gulang pa lamang. Kung ako man tatanungin ay hindi ako papayag dahil simula ng isilang si Jordan ay dito na kami nanirahan sa baryong ito. Umiling ang aking asawa bilang tugon Kay Jordan na hindi papayag ang ina niya. Tumingin naman sa akin si Jordan at ang sagot ko "Hindi anak, wala tayong malilipatan." Napagkasunduan ni Kapitana na magbotohan kami at binigyan kami ng kalahating oras para makapag-isip sa desisyon na ito. "Ngayon po ay kailangan na natin magboto. May dala po akong Isang box, bibigyan po namin kayo ng papel at isulat ang inyong desisyon. Huwag lagyan ng pangalan dahil bawat papel ay may number at bilang. Ilagay ang "YES" kung kayo ay papayag at "NO" naman kung hindi. Pagkatapos ay ihuhulog niyo rito at ating bibilangin mamayang alas sais ng gabi." Ang instructions sa amin ni Kapitana para sa botohan. Matapos kaming maghulog sa box ng aking asawa ay may halong kaba para sa amin para sa magiging resulta. Nagpasya kami na magdasal ng aking pamilya para sa sitwasyon namin ngayon. Hiniling namin na kung ano man ang maging resulta ay huwag niya kaming pabayaan at kami gabayan sa kung ano man mangyari sa aming baryo. Nakita ko ang papel ng aking kumpare na si Krisanto na nakalagay ay YES Bago niya ito ihulog sa box. Ilang sandali pa ay natapos na Ang lahat maglagay sa box at sinimulan na ni Kapitana magbilang sa aming Harapan. Upang walang dugaan na maganap, nagtawag siya ng isang babae at lalake para tumulong magbilang. Hindi lang Basta pumili si Kapitana sapagkat pinili niya isang Pumapayag at hindi pumayag. "Isa para sa Yes" wika ng babae "Isa para sa Yes" Sabi ng lalake "Isa para sa No" saad ng babae Hanggang sa itinuloy nila ang pagbibilang, napapansin ko na tahimik ang lahat at kita sa mga itsura nila na kabado rin sila kagaya namin. May napapadasal na rin at napapayuko sa kaba. Matapos ang bilangan, nalaman na nila Kapitana ang resulta. Hindi na pinatagal ni Kapitana na sabihin ang resulta sa botohang naganap. "Hawak ko na ang resulta, ang mas maraming boto mga kabaryo ay ang botong NO. Ibigsabihin hindi natin tatanggapin ang alok ni Sir Dandelino na bilhin ang ating lugar." Napasigaw na lang ang karaamihan sa tuwa maski ang aking pamilya. "Salamat, Panginoon." mahinang dasal ng aking asawa habang ako tumingin sa itaas at ngumiti bilang pasasalamat sa Panginoon. "Ang bilang ng Yes na boto ay nasa 140 at ang bilang ng NO ay nasa 360 kaya panalo ang pagtanggi na hindi ipagbibili ang ating lupain." Sumikat na ang araw, ang iba ay tulog pa kami ng asawa ko ay gising na. Nasa barangay pa kami at dito na nga nagpalipas ng gabi dahil hindi pa rin nawawala ang baha at may konting ambon pa sa labas. Kinuha ko ang dalawang mug na dinala ng asawa ko dito kasama ng mga unan at kumot para magtimpla na ako ng kape naming mag-asawa. Hinugasan ko muna at kumuha na ako ng mainit na tubig mula sa dispenser namin dito na pinalagay ni Kapitana kahapon para may tubig kaming iimumin. Nagkape na kami ng aking asawa at Kumain na rin ng biscuits na galing sa ayuda ni Kap. Kapitana Ellen's POV Umaga ng alas siyete ay nasa opisina na ako. Doon na ako nag-almusal uminok ng kape at Kumain ng tinapay. Nakaupo sa aking upuan at nagre-relax muna bago simulan ang aking tungkulin bilang Kapitana sa baryong Maligaya. "Good morning, Kap. Ellen!" Bumalik ako sa wisyo nang marinig ko ang bati mula sa isang tanod ko. "Kap. Tulala ka may problema po ba?" Tanong nito sa akin na hindi ko namalayan nakatulala na ako. Iniisip ko kasi paano ko masosolusyunan ang problema ng aming baryo sa matinding baha. Wala akong mahingan ng tulong dahil ako lamang ang namumuno rito. Hirap pala kapag mag-isa. Saka sakto lang ang budget namin dito at madalang lang magbigay ng tulong ang aming Mayor dahil sobrang layo namin sa Bayan at wala pang signal dito. Aakyat ka pa sa bundok para magkasignal at pinapaldahan lang ako ng sulat galing kay Mayor kaya nalalaman namin kung may kalamidad tulad ng bagyo na dapat naming paghandaan. "Wala, ito. Nakapagkape ka na ba?" Tugon ko sa kaniya na may ngiti "Tapos na Kap. pumasok na lang ako agad dito sa opisina ninyo kasi nakailang katok na po ako at hindi naman nakasarado. May sulat po pala galing kay Mayor Ramsay." wika niya Binuksan ko ang sulat at nais ko siya (Tanod) ang magbasa nito upang hindi lang ako nakakaalam sa sulat. Message from Mayor Ramsay: Dear Kapitana Ellen, kamusta na kayo diyan sa baryong Maligaya? Dalangin ko na nasa mabuting kalagayan kayo. Pasensya na kung hindi ako nakarating diyan sa kadahilanan na medyo busy ako dito sa bayan. Maraming inaasikaso na mga papel. Huwag kayong mag-alala, ipapadala ko na lang kay Sir Dandelino dahil nagkausap na kami na pupunta raw siya diyan. Alam ko na rin na gusto bilhin niya ang lupain diyan. Inyong pag-isipan ng mabuti ang desisyon at ipaalam niyo sa akin para kayo ay aking matulungan sa abot ng aking makakaya. Ayon lamang at asahan niyo na makakapunta ako diyan hindi man sa ngayon para i-visit kayo at matingnan ang inyong na kalagayan. Ang inyong Mayor na nagmamahal sa inyo, Ramsay. Nakita ko ang date kung kailan niya isinulat ang mensahe ni Mayor ay noong nakaraang araw pa at ngayon lang ito nakarating sa amin. Ibigsabihin, naibigay na sa kaniya (Sir Dandelino) ang pera na galing kay Mayor. "May inabot ba si Sir Dandelino sa inyo?" Tanong ko sa kasama kong tanod ngayon "Wala po Kap." Maikling sagot nito Bigla kong naalala nang nagpunta si Sir Dandelino nang iwanan ko siya sa opisina kaya naisip ko ay baka iniwan niya lang dito sa opisina ko. Agad kong hinanap, nakita ko naman agad dahil una kong binuksan ang table ko na may drawer. Tama nga ako kasi nahuli lang Ang pagdating ng sulat. Naka-envelope ito at makapal. May nakasulat na one hundred thousand pesos at may pangalang mayor Ramsay. Napakasaya ko at ang aking tanod dahil nang buksan ko ay tunay na pera nga at sa wakas may budget na ako para malagyan ulit ng matibay na harang ang tubig sa karagatan upang hindi na bahain. Agad akong nag-utos sa aking tanod na tumawid sa kabilang Isla sa Islang Magarang na may kalayuan rin kung saan may mga bilihan Doon ng mga materyales para maumpisahan na. "Gamitin mo ang limang malalaking bangka natin at magsama ka ng apat pang tanod para sa pagpunta roon at huwag niyong kalimutan ang resibo." Nagbigay ako ng pera para sa materyales at agad na silang lumarga. Kung malaki lang sana ang Islang Magarang ay doon na lang muna kami mananatili pansamantala ng aking mga kabaryo. Mas malaki kasi Ang baryo namin kaysa sa kabilang Isla. Napakaliit lang Kasi nito kumpara sa baryong Maligaya kaya limit lang ang naninirahan doon pero doon lang malapit na pamilihan namin. Makalipas ang isa't kalahating oras ay nakarating na ang mga tanod na inutusan ko. Dala na nila ang mga materyales tulad ng dati. Ang mga sako-sakong buhangin at lupa, mga bakal na yero. kalahating oras kasi ang pagpunta doon at pagbalik dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD