London's POV
Kasalukuyan ako nagtatanim dito sa labas, ito ay programa ni Kapitana. Ako ang nagrepresenta na magtanim sa pamilya namin.
Naglalagay muna ako ng lupa sa paso na hawak ko. Tanging kamay lang ang pandakot ko sa lupa. Hirap ako maghukay ng lupa dahil naka-gloves ako. Ang aking itatanim ngayon ang sanga ng kangkong na may ugat kaya tiyak na tutubo ito kung maayos itatanim.
"Gamitin mo itong maliit na pala, bakit hindi ka nanghiram sa amin para hindi ka mahirapan magbungkal ng lupa," sabay inabot ni Rey sa akin ang pala na maliit.
Si Rey ay isa sa tanod namin dito sa baryong maligaya.
"Yun, may pala pala. Balik ko pagkatapos, Rey." saad ko sa kaniya
Hindi na ako masiyadong nahirapan pa kumuha ng lupa. Matapos Kong maglagay ng lupa sa aking paso. Sunod kong inilagay ang sangang may ugat na aking itatanim.
Ibinaon ko ito sa lupa na aking nakuha, nang maayos ko na itong maitanim ay nagsimula na akong diligan ito.
"Rey, salamat... Tapos na ako magtanim." binalik ko na ang pala na pinahiram sa akin.
Pagkaabot ko ng pala, nakita ko si Krisanto na pabalik rito. Siguro may pinuntahan lang itong kumpare ko. Bago siya malapit ang kaniyang Cellphone na hawak, inilagay niya Muna ito sa kaniyang bulsa.
"Pare, natapos mo agad itanim ang sayo? Umalis lang ako saglit at pagbalik ko tapos ka na," sabi nito sa akin dahil nakita niya ang bitbit kong paso na may halaman na.
"Oo, kakatapos lang. Saan ka ba nagpunta?
Babalik na ako sa barangay hall para ilagay doon sa labas."
"Hindi mo naman ako hinintay. Hinanap ko lang ang cellphone. Akala ko nga nawala na at nasa asawa ko lang pala." tugon ni Krisanto sa akin.
Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi dahil kailan siya nagkaroon ng cellphone. Walang nagtitinda dito sa amin ng cellphone saka kahit sa kabilang isla at wala rin.
Nakakapagtaka... Hindi kaya...
Baka mali lang ang iniisip ko, hindi ko dapat siya husgahan dahil kilala ko siya. Siya ang matalik kong kaibigan sa baryo at inaanak niya ang anak ko.
Hindi naman siguro niya ninakaw o may ginawang masama. Kasi alam ko na mayabang siya at mahilig sa kalokohan basta may tiwala ako sa kumpare ko kahit ganiyan siya.
"Okay ka lang, pareng Lando?" tanong niya at saka ako bumalik sa sarili ko.
"Oo, nalutang lang ako. Sige, dalhin ko muna itong tanim ko." pagpaalam ko bago ako umalis
Kinabukasan...
Alas otso ng umaga, sinilip ko ang aking tanim sa labas ng barangay hall. Wala namang problema dahil nandoon pa rin at ayos pa.
Ang bawat tanim o halaman namin ay may mga pangalan kaya hindi ito mawawala.
Bali nasa sampung mga tanim na narito kasama na ang akin.
Tuyo na ang lupa ng tanim kaya nagkuha muna ako ng tubig sa loob at lumabas muli para ito ay diligan.
Matapos ko nga madiligan ang tanim, nag-aalmusal na ako kasama ng aking pamilya. Tinapay at kape sa aming mag-asawa, tinapay at gatas naman sa aming anak na si Jordan.
"Papa, sabi mo noon makakauwi na tayo sa bahay natin. Bakit nandito pa po tayo? Akala ko makakauwi na tayo..." naramdaman ko ang lungkot ng aking anak.
"Baha pa rin banda sa atin, Jordan. Nakita ko kahapon nang magtanim kami sa labas.
hindi pa pwede tayong umalis." mahinahon kong paliwanag sa kaniya
Tinulungan naman ako ng aking asawa na si Heylie, "Anak, gusto mo ba matulog doon kahit baha ang bahay natin? Pwede tayong magkasakit, anak kapag manatili tayo doon."
Hindi na nagsalita pa si Jordan sa mama niya. Takot kasi ito sa mama niya kaysa sa akin. Hahaha!
One p.m.
Medyo mainit nasa labas kami ngayon dahil
gusto makita ni Kapitana ang aming mga tanim kasama kami.
"Dapat mabuhay niyo ang mga halaman niyo para hindi sayang ang pagod natin. Mahusay!" masayang sabi ni Kapitana nang makita niya ang aming mga tanim.
Kinapa ni Krisanto ang kaniyang bulsa sa short at inilabas ang cellphone.
"Kapitana, tumayo po kayo diyan kasama sila at kuhanan ko kayo ng mga larawan. Magandang memory ito sa ating lahat."
Kinuhanan nga kami niya ng litrato kasama si Kapitana katabi ng mga halaman na tinanim namin.
"Isa pang kuha, sasama na ako sa picture." sabi ni Kumpare at nagpicture na kami muli kasama siya.
Nag-enjoy naman kami sa pagpi-picture gamit ang cellphone ng aking kumpare.
"Sayong cellphone niyan, Krisanto? Umaasensyo ka na ha.." saad ni Kapitana na may ngiti
"Hindi naman po, pinaldahan lang ako ng kaibigan ko nito. Nasa bayan Kasi siya para daw may komunikasyon kami."
May bigating kaibigan pala itong si Kumpare sa bayan kaya pala.. Hindi talaga galing sa nakaw o sa kasamaan ang cellphone niya. Buti nagtiwala ako at hindi nanghusga.
"Krisanto, doon naman tayo sa pinagkuhanan niyong lupa kahapon. May mga tanim din ang iba doon. Gusto ko may mga picture tayo sa mga tanim nila." wika ni Kapitana
"Walang problema, Kap."
Nagpunta na nga kami sa pinagkuhanan naming lupa kahapon. Sobrang saya ng mga kasamahan namin at pati si Kapitana sa pagpi-picture nila. Kahit ako nasisiyahan kasi ngayon lang kami nakakapagpicture ng ganito at libre pa.
Third Person's POV
Sa pagsapit ng hapon, ang oras na ito ay walang tao sa labas dahil malapit na maggabi. Ito ang tamang oras ni Sir Dan para ibigay ang paunang bayad para Kay Krisanto sa gagawin nito. Nauna munang ibigay sa kaniya ang mga uod na gagamitin.
"Gusto ko basagin mo ang mga paso na ginamit ninyo. Sige, gawin mo na ang ipinapagawa ko. Huwag kang magpapahuli, aalis na ako agd para walang makakita." Pahayag ni Sir Dan bago siya umalis.
Tiningnan muna ni Krisanto ang bayad na binigay sa kaniya. Binuksan niya ang puting envelope na may lamang pera.
"Tiba-tiba ako nito, unang bayad pa lang." saya ang naramdaman ni Krisanto dahil sa malaking halaga na kaniyang natanggap.
Hindi na nga nag-aksaya ng oras ito, pinagmamasdan niya muna ang paligid kung wala bang tao ang makakita sa kaniya.
Nang makita niya na walang tao sa paligid, kinuha niya ang pagkakataong ito para siraain at patayin ang mga tanim ng kaniyang mga kasamahan.
Ang una niyang pinuntahan ang mga tanim na mula sa pinagkuhanan nilang lupa. Nilagyan Niya ito ng mga uod at gamit ang kamay niya sinira ang mga tanim. Ang mga paso ay binasag ni Krisanto para wala nang mapaglayanan.
Ganoon din ang kaniyang ginawa sa labas ng barangay hall sa mga tanim doon nang makita niya na walang tao o bantay na tanod sa labas.
"Ayos, nagawa ko na at wala nang problema. Tiyak na makukuha ko ang huling bayad sa akin." saad nito sa kaniyang sarili at labis ang tuwa dahil sa perang matatanggap niya.
Ang asawa ni Krisanto ay nagising sa higaan nito. Napansin niya ay wala ang kaniyang asawa sa higaan kaya napagpasiyahan ng babae na tumayo at hanapin ang asawa kung saan naroroon.
"Anong oras na? Nasaan kaya niyong lalakeng 'yon. Tulog na ang mga tao wala pa rin siya." inis na sabi ng babaeng asawa.
Tahimik ang paligid, ang mga tao ay tulog na maliban sa mag-asawang Krisanto at Melani.
"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap. Lagi ka na lang nawawala...
Ikaw, may tinatago ba?" hindi na matiis magalit ni Melani na asawa ni Krisanto.
"psstt.. Mahal, gabi na.. hinaan mo ang boses mo baka magising sila at magalit sa atin. Nagpunta lang ako ng C.R at umihi lang. Ano bang iniisip mo at wala naman akong tinatago."
"Siguraduhin mo lang na totoo sinasabi mo. Ayaw ko na niloloko ako, alam mo niyan.."
"Oo naman, bakit kita lolokohin? Tara na mahal at bumalik na tayo."
Kapitana Ellen's POV
Sa aking opisina habang may ginagawa may pumasok na isang tanod at ito ay si Rey.
"Kapitana, halika po at lumabas kayo may nangyare sa mga pananim natin." nagmamadaling sabi ni Rey
Dali-dali akong tumayo para lumabas ng opisina dahil sa kaniyang kilos at pananalita ay parang may nangyareng hindi maganda.
Pagkalabas pa lang namin sa aking opisina ay sumalubong sa akin sina Lando at Krisanto.
"Kapitana, buti lumabas po kayo ang mga tinatanim namin ay nasira at malabo na tutubo pa." saad ni London sa akin
"Ano? Paanong nasira lahat ng mga pananim ninyo?" ang aking Tanong sa kanila dahil sa hindi inaasahan na balita.
"Totoo, Kapitana mas mabuti pong tingnan niyo."seryosong Sabi ni Krisanto sa'kin
Agad akong lumabas para tingnan at pagkarating namin doon. Nakita ko lahat at totoo nga.. lahat ng mga tinatim ay nasira agad.
"Sinadyang sirain ito at tingnan niyo may mga uod sa mga tanim ninyo," sambit ko nang makita ang mga halaman.
"May mga uod nga, paanong nagkaroon ng uod sa mga tanim natin?" wika ni London na may pagtataka
Nanghinayang ako sa mga tanim ng aking mga kabaryo. Pinaghirapan nila itong itanim at inalagaan pero may nagsira at pinatay ang mga halaman. Binasag din ang mga paso.
"Hindi ba nakakapagtaka na ang lahat ng tanim ay nasira at namatay na lang nang bigla? Sigurado ako mga kabaryo na may taong gumawa nito." pahayag ko
"Kung gano'n, Kapitana kailangan alamin natin kung sino ang may gawa nito," sambit ng isa sa biktima sa nangyareng ito.
"Hayaan niyo, aalamin ko kung sino ang may kagagawan nito. Iimbistigahan ko ang kaganapang ito. Kapag nahuli ko ay pananagutin natin siya." matapang na Sabi ko sa kanilang lahat.
Nagpaalam na ako sa kanila at bumalik muli sa aking opisina.
Kinausap ako ni Rey pagbalik ko sa opisina
"Kapitana, siguro pwedeng simulan ulit natin ang pagtatanim at siguraduhin namin na kaming mga tanod ay magbabantay ng maigi para hindi na ulit mangyare."
"Wala na tayong mga buto o sanga na may ugat para ibigay at simulan muli ang proyekto. Ang budget natin ay hindi na kasya para bumili muli nito pati mga paso ay basag." at hinampas ko ang lamesa ko gamit ang kamay dahil sa galit.
Nanghinayang sa mga tanim, hindi ko napigilan na mainis dahil sa nangyare. Pinag-isipan ko ang programang ito at nabigo na naman ako. Napakawalang hiya ang gumawa nito. Lagi na lang sinisira ang mga nais ko para sa ikakabuti ng aming baryo.