Kapitana Ellen's POV
Ngayong hapon, isasagawa ang proyekto na aking naisip na makakabuti sa aming baryo. Ito lang kasi ang paraan ko para kahit paano ay mabawasan ang pagkabaha sa aming lugar.
Pagtatanim ng mga halaman, ang proyekto na isasagawa pa lang namin ngayon. Hindi kasi pwede na wala akong gawin para sa ganitong suliranin.
"Mga tanod, siguraduhin na ang lahat ng pamilya ay makakatanggap ng mga sanga at buto ng halaman para makapagsimula na tayong makapagtanim. At huwag niyo ring kalimutan na kailangan ko ng listahan na may pirma ang mga nakatanggap nito." pagbigay utos ko sa mga maasahan kong tanod.
Agad namang umalis sa aking harapan ang tatlong tanod upang isagawa ang aking bilin sa kanila. Pinagmamasdan ko ang mga taong nasasakupan ko. Narito pa rin sila sa barangay hall na nanatili dahil nga baha pa mismo sa labas. Ngunit hindi na gaano ka-baha dahil may ilang parte na humupa at konting tubig na lang ang natira.
Alam ko na may dapat pang asikasuhin na mas mahalaga kaysa sa programang ito. Nangangamba ako na muling bumalik at sumalakay ang mga terorista dahil binantaan kami nito kung hindi namin lilisanin ang baryong ito ay mapipilitan silang gumamit ng dahas laban sa amin.
Ito lang kasi paraan ko dahil maraming pakinabang ang programang ito para sa akin. Una, makakatulong ito para pananggala sa baha dahil wala ng budget para ipaayos ulit ang harang at baka siraain ulit.
Pangalawang kapaki-pakinabang kapag tumubo ito. Makakalanghap ng sariwang hangin at may mga gulay, prutas na pwedeng maging pagkain ng pamilya o 'di kaya maging negosyo nila.
Ang huli at higit sa lahat, ito ang paraan na naiisip ko na mawala panandalian ang pangagamba nila sa mga nagbabanta sa amin. Dahil mas mapopokus ang kanilang mga isipan sa pagtatanim nito at pag-aalaga.
"Kapitana, naibahagi na po namin ang mga sanga at buto sa mga tao." wika ng tanod at inabot sa akin ang listahan "Nandiyan na Kapitana ang listahan ng mga nakatanggap at may pirma. Lahat ay nabigyan namin, may ipag-uutoas pa po ba kayo, Kapitana?"
"Wala na.. Salamat." maikling tugon ko
Ayoko na nahihirapan o nababahala ang mga nasasakupan ko dahil sa anumang oras ay maaring sumalakay ang mga terorista. Mas mabuting may pagkakaabalahan sila habang ako ay mag-iisip ng paraan para maging handa sa anumang panganib na darating.
"Kapitana, kailan po sila mag magtatanim at saan sila pwedeng magtanim?" Tanong ng tanod
"Ngayon mismo sila magtatanim, samahan niyo ako at aking ipapaalam sa kanila." Naglakad na ako papunta para magbigay anunsyo sa lahat na ngayong araw mismo gagawin ang proyekto.
Unang nagsalita ang tanod ko, "Narito si Kapitana at may mahalagang sasabihin sa inyo kaya lahat ay magsitipon."
Ang mga taong nasa loob ng mga tent ay nagsilabasan para makinig sa aking sasabihin.
"Ano po niyon, Kapitana?"
"Para saan po ito, Kapitana mga buto at sanga? Magtatanim ba kami?"
"Oo nga, Kapitana. Delikado po kung lalabas sila para magtanim. Hindi po ba may nagbabanta sa ating baryo?" sambit niya na nag-aalala sa kaligtasan ng lahat.
Kahit na delikado lumabas dahil sa mga dayuhan na biglang dumarating. Pero kung takot na lang ang papairalin ay wala talagang mangyayare sa amin.
"Huwag kayo mag-alala mga tanod, alam ko ang aking ginagawa. Ang programang ito ay malaking pakinabang sa ating lahat. May tiwala ba kayo sa akin?" ang aking tugon sa kanila
"Meron naman po, Kap' kaso-" hindi na Niya natuloy ang nais sabihin nito.
Dahil agad kong sinabi, "Magtiwala lang kayo sa'kin basta makiisa kayo sa layuning ito." tinapik ko ang kaniyang balikat na may ngiti para sila ay magtiwala at ako'y nagsimula na sa aking gagawin.
"Magandang hapon po sa inyong lahat, nakatanggap na po ba ang lahat ng mga buto at sanga na pinamahagi ng libre na aking pinaabot sa ating mga maasahan na tanod?" panimulang bati ko sa kanila
Kanilang itinaas ang mga natanggap nila na itatanim mamaya.
"Dahil nakikita ko na lahat ay mayroon na, kayo po ay inaanyayahan kong magtanim na may layuning pangalagaan ang kapaligiran, solusyon sa pagkabaha at makatulong sa ating kalausugan pangkatawan at pangkaisipan sa pamamagitan ng pagtanim. Isa o dalawang tao lang sa isang pamilya ang Maaring lumabas upang magsimula sa ating programa patungkol sa pagtanim. May limang minuto pa bago magsimula upang makapag-isip kung sino ang pwedeng magtanim sa labas."
Sampung minuto na ang nakalipas, nakapagpasiya na ang lahat kung sino ang magtatanim sa kanilang pamilya. Lumagpas na sa limang minuto pero okay lang dahil siguro hindi kasya ang binigay kong oras sa kanila.
Lumabas na kami ng barangay hall, dala-dala ng mga tanod ang kinakailangang gamit sa pagtatanim: Mga paso, gloves, tubig, timba at fertilizer, maliit na pala, at asarol.
"Sa mga gustong magtanim dito sa lupang ito ay maari nang magsimula. Sa mga nais naman po na kumuha ng lupa na ilalagay sa paso, pwede naman at sa labas ng city hall maaring doon muna ilalagay pansamantala at doon niyo rin ito didiligan," wika ko at binigay ng mga tanod sa kanila ang mga gamit.
Siyempre, pati ang pamilya ng mga tanod ay kasama rin sa pagtatanim at ang ilan sa tanod sila ang magtatanim para sa pamilya nila.
Pinagmamasdan ko ang kanilang ginagawa at ilang sa kanila ay nagsisimula na. Maya-amaya pa may lumapit sa akin.
"Kapitana, may itatanong ako sa inyo. Ano ba gagawin natin sa mga itatanim namin kapag nagbunga na?" diretsong tanong ni Krisanto sa akin.
"Hindi pa pala malinaw sa inyo ang layuning na aking binanggit kanina." saad ko sa kaniya at naisipan ko sabihin ang sagot sa lahat. "Mga kabaryo, itigil muna saglit ang ginagawa at may sasabihin ako. Kapag namunga ang mga tanim ninyo ay mapupunta sa inyong lahat. Mga gulay, prutas at mga halaman ay pagmamay-ari ninyo. Walang anumang kapalit niyan dahil mahalaga niyan sa inyo kaya magalak at magpasalamat sa biyaya na galing sa Panginoon."
Kita ko ang ngiti sa kanilang lahat, ang iba ay nagpasalamat sa akin at sinabi ko na dapat sa Panginoon unang magpasalamat dahil sa kaniya galing ito.
"Maiwan ko muna kayo at kailangan ko na bumalik sa aking opisina," pagpaalam ko at umalis na.
Nandoon naman ang dalawang tanod na nagtatanim kasama nila kaya may nagbabantay pa din sa kanila.
Third Person's POV
Ang mga dayuhan na armado kasama ang kanilang Boss na tinatawag nilang "Sir Dan"
naabutan nila na nagtatanim ang mga tao at wala na roon si Kapitana dahil nasa opisina na ito.
"Mga kasama, kumilos na tayo at puntahan si Kapitana sa kaniyang opisina," mabilis na utos ni Adon sa tauhan niya na kasamahan nito.
Hinarangan ni Sir Dan ang mga ito gamit ang kaliwang kamay para mapahinto sila.
"Saglit, huwag na ituloy. Sigurado ako na proyekto ito ni Kapitana para umunlad ang baryo nila. May naiisip ako ng magandang plano. Wala munang kikilos."
"Anong magandang plano sir Dan ang naiisip mo? Susundin namin ito." saad ni Adon sa kaniyang Boss.
"Malalaman mo din, 'Wag ka munang magmadali." inilabas ni Sir Dan ang kaniyang Cellphone na nasa maliit niyang bag na dala.
Sa bag nito ay nandoon mismo rin ang baril nito at pati kutsilo. Ginamit nito ang cellphone para tawagan ang isang tao.
Habang abala sa pagtatanim si Krisanto, tumunog ang kaniyang Cellphone.
Ring... ring... Ring!
Tumigil muna siya sa pagtatanim para tingnan kung sino ang natawag sa kaniya.
"Sir Dan, bakit napatawag po kayo?" tanong ni Krisanto ng sagutin niya ang cellphone.
"Tumingin ka sa bandang likuran mo nandito ako, puntahan mo ako at may gusto akong malaman."
"Sige po sir Dan, walang problema pupunta agad ako diyan." In-end call na ni Krisanto ang tawag at tumingin sa likuran.
Dahil abala ang lahat sa kanilang pagtatanim, hindi nagdalawang-isip si Krisanto na puntahan si Sir Dan sapagkat kahit isa ay walang makakapansin.
"Krisanto, gusto ko malaman kung para saan ang ginagawa ninyo? Ito ba ay bahagi ng proyekto ni Kapitana sa baryo ninyo?" tanong ni Sir Dan nang makarating si Krisanto sa kanila.
"Programa ni Kapitana ang ginagawa namin, Sir Dan ang magtanim at lahat ng aanihin ay mapupunta sa amin."
"Gano'n pala, hindi muna kayo pupunta kay Kapitana. Hayaan natin silang maisagawa ang pagtatanim. Ikaw, Krisanto babayaran kita ng malaki basta ang mga tanim ng iba ay sirain mo. Gumawa ka ng paraan para hindi mabuhay ang mga tinanim ninyo. Bukas, pupunta ako rito para ibigay ko ang pangunahing bayad na kalahati bago mo simulan."
"Sige, Sir Dan. Kung wala na po kayong kailangan, babalik na ako para magtanim at baka makahalata sila." tugon nito at hinayaan na siyang umalis ni Sir Dan.
Ang isa naman sa tauhan ni Adon ay nababahala kung tapat ba si Krisanto sa kanila dahil ngayon lang niya ito nakita at nakikila.
"Sir Dan, sigurado ka ba doon kay Krisanto? Baka siya ang maging hadlang sa mga binabalak mo."
"Huwag ka nang makialam, alam ni Sir Dan ang ginagawa niya." pagsaway ni Adon sa miyembro niya.
Nagsalita naman si Sir Dan patungkol dito
"Hindi siya gagawa ng anumang kataksilan sa atin dahil kilala niya ako at alam niya ang mangyayare kapag kinalaban niya ako."
Matapos ang pag-uusap nila agad silang umalis at naglakad sa kagubatan para lisanin muna ang baryong Maligaya upang hindi sila makita ninuman.