CHAPTER 7: Hindi Pinagkasunduan

1524 Words
LONDON'S POV "Hindi pa rin lumalabas si Kapitana [sa kaniyang opisina], Pare," banggit nito sa akin. Isa't kalahating oras na kasi namin siya hinihintay na lumabas sa kaniyang opisina. Sinabi ko kay Krisanto, "Baka busy lang si Kapitana Ellen. Hintayin na lang natin." Sa aming paghihintay, nakita na namin ang aming pinuno (si Kapitana Ellen) na lumabas sa opisina nito matapos ang matagal naming pag-aantay. Lalapit na sana ang aking kumpare na si Krisanto para magtanong ngunit agad siyang napansin ni Kap' at sinenyasan siya na sandali lang. Tumayo si Kapitana sa harapan namin. Dala nito ang megaphone at siya ay nagsalita "Mga kabaryo, nandito ako ngayon para ang mga katanungan ninyo na nakarating sa akin ay aking masagot. Ang mga dayuhan na nanggulo sa atin noong nakaraan ay mga tororista. Maari silang bumalik at manggulo muli." Dahil sa sinabi ni Kapitana ay nagkaroon ng ingay sa paligid. Hindi namin inaasahan na mga tororista pala ang mga armadong lalake na nagpaputok ng mga bala. "Kaya nga mga kabaryo na hindi ko sinabi agad sa inyo ay dahil sa mga magiging reaksyon niya. Ang iba sa atin ay nababahala o natatakot sa mga posibleng mangyare kaya hindi ko muna pinaalam. Huwag kayong mabahala o matakot dahil walang mangyayare sa atin kung ito ang papairalin. Kailangan nating maging handa, pinapayuhan kong lahat na hangga't may baha pa sa ating lugar at may panganib ay huwag muna kayong lumabas dito sa barangay." Dagdag na sabi ni Kapitana May isang lalake ang biglang nagtanong, "Kapitana, anong dahilan kung bakit sila ay magpupunta muli at guguluhin na naman ang ating baryo?" Nakita ko na huminga ng malalim si Kapitana bago niya ito masagot. "Dahil nais nilang angkinin ang baryong ito, nais nilang manirahan dito at tayo ay pinapaalis nila. Kaya hindi muna natin pagtuunan ng pansin ang harang na ating pinapagawa." "Hindi kami papayag na kunin nila ang baryong ito." pahayag ng isa pang lalake "Huwag tayong papayag na makuha nila basta-basta ito." saad ng babae "Huwag na tayong lumaban pa, wala tayong laban sa kanila" "Makakapayag ba kayo na tatapakan na lang Tayo ng mga tororista na niyon?" "Kailangan nating lumaban! Aapihan na lang lagi tayo kung walang lalaban sa atin." Nagtanong sa akin si Jordan na aking anak dahil sa kaniyang mga narinig, "Tatay, mawawalan ba tayo ng bahay? Lalaban ka po ba sa mga dayuhan?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa aking anak dahil sa mga tanong niya kaya ang kaniyang ina muna ang kumausap. "Anak, hindi niyan mangyayare.. manalig lang tayo sa Diyos. Hindi niya tayo pababayaan," sabay tumingala ang aking asawa at nag sign of the cross. Ganoon din ang ginawa ni Jordan. Hindi matigil ang mga tao sa kanilang pinagtatalunan kung makipaglaban sila o hindi. "Baka mas lalong gumulo kung lalaban tayo. Maraming mapapahamak, 'di ba Kapitana? Lalo na may mga sanggol at mga bata ay madadamay." "Kung hindi tayo lalaban, anong gagawin natin? Hayaan na lang ba natin sila na tapakan na lang nila tayo?" "Pwede naman natin silang kausapin ng mabuti at sigurado na makikinig naman ang mga dayuhan." "Tama, hindi 'yung pakikipaglaban agad ang nais niyo." Si Kapitana Ellen ay naguguluhan na sa pagtatalunan nila kaya siya ay nagsalita, "Sandali! Magsihinahon kayo.." Tumigil muna sila ng saglit at isang tanod ang nagtanong. "Kapitana, ano dapat ang gawin natin? May mga nais na makipaglaban at may mga ayaw." "Nakausap ko na ang mga terorista na nanggulo dito sa baryo natin. Hindi sila mapakiusapan. Gusto talaga nila na tayo ay paalisin at naghanap ng ibang matitirahan." Pahayag ni Kapitana Kahit ako ay naguguluhan kung makikipaglaban sa mga dayuhan kapag nagpunta muli sila sa aming lupain. Nagsimula ulit silang makipagtalunan... "Kay Kapitana mismo nanggagaling, nakausap niya na ang mga terorista. Hindi naman nakinig at sa tingin niyo hindi pa rin ba tayo lalaban?" "Sige nga, hahayaan na lang ba natin sila na ang mga dayuhan ay mas matapang kaysa sa atin na taga-rito?" dagdag pa ng isa pang lalake "Hindi sa gano'n, may paraan pa.. Bakit hindi na lang natin sila isumbong sa mga pulis o kaya iparating kay Mayor Ramsay? Sigurado, matutulungan nila tayo. 'Di ba Kapitana?" saad ng matandang babae na nakasalamin Sumabat naman si Krisanto sa usapan "Nagpapatawa ka ba? Paano natin ipaparating sa mga pulis o kaya kay Mayor ang nangyayare sa atin? Alam mo naman na kung nasaan Tayo ngayon, nasa isla tayo kaya imposible." May lalake naman ang biglang naglakad sa harapan ni Krisanto. Kung hindi ako nagkakamali, kapatid ito ng matandang babae na nakasalamin. "Bakit ang angas mo magsalita sa Kapatid ko? Mas matanda niyan, sayo!" at nabigla ako na sinapak niya agad sa mukha ang aking kumpare. Napahawak si Krisanto sa kaniyang pisngi dahil sa sakit at ngumisi siya sabay bumawe siya ng suntok sa mukha. Taob ang lalake ng masuntok ito. Agad lumapit ang asawa ni Krisanto para awatin siya. Lalapitan pa sana ni Krisanto ang natumbang lalake para suntukin ulit ngunit hindi na natuloy pa ay dahil hinawakan na siya ng dalawang tanod. "Itigil muna natin ang usaping ito, nagkakasakitan na kayo. Mga tanod, dalhin sila sa aking opisina." pahayag ni Kapitana at agad sila nagtungo sa opisina nito kasama ang lalake at si Krisanto. "London, pwedeng iwanan ko muna sayo itong anak ko. Pupuntahan ko lang si Krisanto." Pakiusap sa akin ng asawa ni Kumpare. Hindi naman ako tumanggi at dumiretso na siya sa opisina para puntahan ang asawa niya. Kung ako tatanungin kung tama ba ang ginawa ni Krisanto sa pagsagot sa matanda. Hindi tama ang ginawa niya, dapat ginalang niya lalo na kapag matanda. Medyo may pagkatapang kasi talaga si Kumpare kaya hindi nakakapagtaka na gano'n na lang siya umasta. Matapos ang labing limang minuto, lumabas na si Krisanto at ang kaniyang asawa sa opisina. Tapos na silang kausapin ni Kapitana. "Papa, nagkaayos na po kayo ng nakaaway mo?" Tanong ng anak niya nang makita ang papa niyang si Krisanto. "Okay na anak, punta ka muna sa mama mo." at sumama na ito sa mama niya para iwan muna kami saglit. Agad kong kinausap ang aking kumpare "Pare naman, nabigla ako sa ginawa mo. Dapat hindi mo na pinatulan ang matandang babae." "Hayaan mo na.. saka nagkaayos na kami. Pinag-ayos kami ni Kapitana." ang kaniyang tugon sa akin. Third Person's POV Pagsapit ng hapon... Ang mga nagpakilalang Terorista na sumalakay sa Baryong Maligaya ay muling nagtungo upang manggulo muli. Subalit, hindi sila sa harapan dumaan kung hindi sa likod mismo mula sa kagubatan dumaan ang mga ito. "Boss, bakit dito tayo dumaan sa likod? Hindi ba tayo maliligaw sa kagubatan na ito," tanong ng Isang miyembro sa Pinuno nila. "Dahil hindi muna tayo magpapakita sa kanila. May ipapakilala ako sa inyo kaya nandito tayo sa kagubatan na ito. Hintayin lamang natin dumating," saad ng Pinuno Tumigil sila sa paglalakad dahil may narinig silang tunog na isang hayop na tumatakbo patungo kung saan sila naroroon. "Maging alerto! May tila isang hayop na delikado ang paparating. Huwag kayong magpapaputok," pahayag ng Pinuno nila Sila'y tumahimik at nagmatiyag sa kung ano man ang paparating patungo sa kanila. Isang tigre ang kanilang nakita na tumatakbo patungo sa mga dayuhan. Agad nagsenyas ang Pinuno na ibaba ang kanilang mga baril at huwag silang magpapaputok. "Boss, bakit hindi natin barilin? Hahabulin tayo niyan," wika nito na takot na makain siya ng tigre. Tugon ng Pinuno "Hindi pwede, magsihiwalay lahat at tumakbo!" Sigaw at utos ng kanilang Pinuno. Dahil malapit na sa kanila ang tigre, tumakbo ang lahat at naghiwalay-hiwalay gaya ng sabi ng Pinuno nila. Hindi pa man sila nakakalayo sa pagtakbo ay may bigla na lang sumibat sa Tigre na ikinatumba at ikinahina nito. Nang makita nila ang nangyare sa Tigre ay tumigil sila sa pagtakbo. Ang pinuno ay naglakad patungo sa lalakeng nagsibat sa isang delikadong hayop na humabol sa kanila. "Boss, maraming salamat at dumating ka. Kung hindi sigurado ay isa sa amin ang nalapa ng tigreng niyan," pagpasalamat ng Pinuno sa lalake. "Alam ko na delikado dito ay dahil narito tayo sa kagubatan ng Baryong Maligaya. May mga panganib na hayop, kaya nagdala ako ng mga sibat na maari niyong magamit." Humarap ang Pinuno sa mga miyembro nito at nagbigay ng mahalagang anunsyo, "Tulad ng sinabi ko kanina kaya Tayo nandito sa gubat ay dahil may ipapakilala ako sa inyo. Siya ang ating Boss na magbibigay proteksyon sa atin na mas nakakataas sa atin. Isa siyang mayamang negosyante, si Sir Dan." Binati ng lahat si Sir Dan na kanilang pinakamataas na Pinuno sa kanilang pangkat. "Salamat sa inyong pagbati, narito ako upang ako'y inyong makilala at makilala rin kayo. Gawin niyo ang lahat para makuha ang Baryong ito sa ganoon sila ay umalis. Adon (Pinuno), Muli mong kausapin ang Kapitana at kung hindi sila pumayag ay alam niyo na ang gagawin." "Masusunod, Sir Dan," maikling tugon ni Pinuno. "Maari na kayong magtungo doon.. at ako ay maghihintay lamang sa inyo dito," sambit ni Sir Dan. Tumango ang Pinuno sa sinambit nito at sinabi sa mga miyembro, "Ano pang hinihintay niyo? Magpunta na tayo agad." Naglakad muli ang mga ito para puntahan ang barangay at makausap ang Kapitana ng Baryong Maligaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD