LONDON'S POV
Napatingin kaming lahat nang marinig namin ang pag-iyak ni Kapitana Ellen sa pagpasok niya dito sa Barangay hall kasama ang dalawang tanod na umalalay sa kaniya.
Sinundan kasi ito ng dalawang tanod si Kapitana nang lumabas siya.
"Hala! Anong nangyare kay Kapitana? Bakit siya umiiyak?" tanong ng aking asawa nang
makita niya si Kapitana.
Hindi ko inaasahan na makita si Kapitana Ellen na umiiyak. Kilala kasi siyang matapang at tapat sa tungkulin kaya kailanman, hindi namin siya nakita na umiiyak.
Diretso lang silang naglakad at inihatid si Kapitana sa opisina nito.
Galit, lungkot, saya, gulat, naawa,
at nag-alala lang kasi ang madalas naming makita sa kaniya kaya ang karamihan sa amin ay gusto malaman ang nangyare kay Kapitana.
"Hindi ko inasahan na makitang umiiyak si Kapitana," tugon ko sa aking asawa na hindi matanggi sa aking mukha na maawa.
Ilang segundo, lumabas ang isang tanod mula sa opisina ni Kapitana. Hindi maiwasan na mag-alala sa aming pinuo kaya may isang tao na nagtanong.
"Kuya tanod, bakit umiiyak si Kapitana? Okay lang ba siya?" Tanong nito sa tanod na lumabas sa opisina.
Ang tanging sagot lang ng tanod, "Hindi namin alam ang dahilan. Naabutan lang namin si Kapitang umiiyak."
"Baka may maitulong kami kay Kapitana Ellen," dagdag nitong sabi.
Sumunod na lumabas ang isang tanod na naiwan sa opisina. "Sa ngayon, kami muna bahala kay Kapitana. Kailangan niya munang mapag-isa para makapag-isip at makapagpahinga."
Gusto ko pa naman itanong kay Kapitana sana kung sino ang mga dayuhan na sumalakay dito sa amin at kung anong balak nila. Tiyak na ayon din ang itatanong ng iba sa aming Kapitana.
Pumasok bigla sa aking isipan ang maaring dahilan ng pag-iyak ni Kapitana ay dahil sa mga dayuhan.
"Siguro ang mga dayuhan ang may gawa kung bakit lubos na umiyak si Kapitana," pahayag ko sa kanila.
"Maari na ang mga dayuhan ang posibleng dahilan. Bigyan muna natin ng oras si Kapitana para ibahagi niya sa atin ang buong kaganapan." Wika nito sa amin at umalis agad kasama ang isang tanod na kumausap din sa amin.
THIRD PERSON POV (Narrator)
Mula sa kabilang isla na tinatawag na Isla Magarang ay naroon ang mga dayuhan na
nanggulo sa Baryong Maligaya na pinamumunuan ni Kapitana Ellen.
Sa kagubatan ng Islang Magarang ay pansamantalang nanatili sila dito upang mag-usap ang grupong "Pulang dugo" na pinangalan nila sa pangkat.
"Boss, kailangan pa ba natin sila balikan doon? Baka mga nagsumbong na niyon at mayayare tayo niyan," sabi ng isa sa kasamahan nila
"Huwag ka mag-alala, protektado tayo ng isang taong mas nakakaangat sa atin. Ginagawa natin ito para sa malaking halagang pera nakapalit," tugon sa kaniya nito.
Dahil madilim na ang paligid, ang kanilang mga dala na tent, unan at kumot na kanilang inihanda.
"Dito tayo magpapalipas ng gabi at bukas tayo maglalakbay papunta sa Baryong Maligaya. Babalik tayo doon para makausap muli ang Kapitana nila. Aalamin natin kung pumayag ba siya sa aming kasunduan," sabi ng lider ng kanilang pangkat at saka na sila nagsipagtulog.
Kapitana Ellen's POV
Kapitana Ellen's POV
Alas singko ng umaga, hindi na pala ako nakauwi sa aking bahay. Nandito pa rin ako sa opisina dahil nakatulog pala ako nang mahimbing. Ang huli ko kasing natandaan ay lubos akong umiyak kahapon. Siguro kaya hindi ko namalayan ang pagtulog ko ay marahil sa sobrang pagod at sa matindi kong pag-iyak.
Ngayon naman ay okay na ako, pero hindi ibig sabihin na babalewalain ang mga suliranin na pilit kaming binabagsak kahit na hindi marangya noon pa ang aming pamumuhay sa baryong ito.
Pagkatayo ko sa aking upuan, nakita ko ang dalawang tanod na nakahiga sa sahig na may latag na banig.
"Dito sila natulog kasama ko... Binantayan nila ako dito," ang hindi ko inaasahan na makita silang nandito sa opisina ko na natutulog.
Naglakad na ako para lumabas ng opisina at hindi ko na nga sila ginising muna. Hinayaan ko lang silang matulog dahil alam kong napagod sila sa pagbabantay sa akin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, balak kong umuwi sa bahay para makapagbihis at makapagluto ng aking kakainin mamaya bago bumalik muli dito.
"Good morning, Kapitana.. Kamusta po kayo?" pagbati sa akin ng asawa ni London, at gising na pala siya at galing siya sa CR.
"Good morning, sa iyo Heylie! Okay na ako ngayon... Kayo, kamusta?" tugon ko kay Heylie sabay ngiti.
"Okay lang naman po, mabuti naman Kapitana na ayos na kayo. Nag-alala po kami sa inyo," sabi niya sa akin.
"Salamat sa pag-aalala ninyo pero ngayon huwag niyo na akong isipin, nasa maayos na ako. Sige, maiwan muna kita at uuwi kasi ako ng bahay." Nginitian ko siya bago umalis.
Pagkarating ko sa bahay, nagbihis muna ako ng pambahay. Naisipan ko na maglinis ng bahay bago magluto ng aking kakainin para hindi na ako mag-almusal sa opisina.
Nang matapos ang paglilinis...
Sinimulan ko nang magsaing ng kanin at naghanap ako ng puwedeng i-ulam.
"Itlog at hotdog, puwede na ito." Iyan ang nakita ko sa aking maliit na refrigerator.
Binati ko na ang dalawang itlog at nilagyan ng asin. Sinunod ko ang hotdog na aking hinugasan at hiniwa. Pagkatapos, sinimulan ko na itong iprito nang matapos maghintay at maluto ang sinaing.
Makalipas ang limang minuto, nakapagluto na ako ng ulam at nagsimula nang kumain para makaligo na pagkatapos.
"Buti may extra pa akong uniform kung hindi wala akong susuotin pangpasok." Kinuha ko sa aking kabinet at isinuot ko na ito.
Ngayon, nakaharap na ako sa salamin habang inaayos ang aking buhok gamit ang suklay. Tamang polbo lang ako sa mukha at lipstick sa lips. Kinuha ko na ang aking bag bago magtungo sa barangay.
Hindi pa nga ako nakakarating sa opisina, biglang lumapit sina London at Krisanto. Siguro, inaabangan nila ang pagpasok ko dahil sila ang unang bungad pagkarating ko dito sa barangay.
"Good morning, Kapitana. May itatanong lang po kami sa inyo tungkol sa trabaho namin," wika ni London nang makita nila ako.
"Sige, ano niyon?"
"Kung itutuloy po ba ang paggawa ng harang?" tanong sa akin nito
Sabay sabi ni Krisanto, "Gusto namin kasi masigurado, Kap' kung sisimulan muli."
"Sasagutin ko niyan, mamaya. Punta lang muna ako sa opisina. Isasabay ko na niyan sa mga sasabihin ko mamaya pagkalabas ko." Tugon ko sa kanila at dumiretso na ako sa opisina.
Hindi ko pa kasi alam kung itutuloy pa ba ang harang na project sa baryo namin. Kailangan ko muna siyang pag-isipan sa opisina dahil kulang sa budget. Kailangan ko pag-isipan mabuti ang mga posibleng tanong ng aking mga kabaryo upang sila ay mabigyan ko ng kasagutan.
"Akala ko nandito pa sila (Dalawang tanod) na natutulog. Mabuti wala na sila..." sabi ko sa sarili ko nang makitang wala na ang dalawang tanod na iniwan kong natutulog kanina dito.
Ayaw ko kasi na may ibang tao rito para makapag-isip ako ng mabuti. Gusto ko walang mang-aabala sa akin habang iniisip pa ang mga dapat kong gawin para mabigyan ng solusyon na kinakaharap namin sa baryong ito.
"Dapat mas pagtuunan ko muna ang posibleng pagbalik ng mga terorista para sa kaligtasan namin. Tama, hindi ko muna ipapagawa muli ang harang na panglaban sa baha."
Kailangan mag-isip agad ako kung ano ang nararapat na gawin bago sumalakay muli ang mga armadong dayuhan na gustong angkinin ang aming lugar. Dapat maging handa kami dahil maari silang bumalik kung nanaisin nila. Kailangan ko maprotekhan ang baryong ito dahil nakasalalay sa akin ang kanilang mga kaligtasan.