CHAPTER 5: Ang mga Dayuhan

1518 Words
Kapitana Ellen's POV Pilit kong pinapakalma ang aking sarili dahil may tungkulin na dapat akong gawin bilang Kapitana sa baryong ito. Hindi ko maiwasan na matakot ng sobra dahil ngayon lang nangyare ito sa amin na may ganitong kalalakas na pagputok ng mga baril. Pinikit ko ang aking mga mata at nagdasal mula sa aking isipan. "Panginoon, tulungan niyo po akong pakalmahin ang aking sarili at bigyan niyo po ako ng gabay para matulungan Ang aking mga nasasakupan. Bigyan niyo po ako ng kalakasan at malinaw na kaisipan para magawa ko ang aking katungkulan bilang isang Kapitana na dapat ay may gawin ako para sa kanila." Minulat ko na ang aking mga mata at pinagmasdan ang mga kagaya ko na sobrang takot din. Naaawa ako sa kanilang lahat dahil kahit ako ay walang magawa bilang Kapitana nila. "Kapitana, ano po gagawin natin?" "Kapitana, kailangan may gawin tayo. Lakasan mo ang loob mo." Ang iba pang tanod ay nakayuko at pinapalipat ang iba na lumayo sa mga bintana. "Yuko po Tayo at dahan-dahang lumipat sa kabila." "Dito po tayo, umupo at uminahon." ang aking narinig mula sa aking mga tanod at napagtanto ko na walang magagawa kung pati ako ay sasabayan ko sila sa kaba at takot na nararamdaman naming lahat. Nilakasan ko na ang aking loob para sa kapakanan ng nakakarami. Huminga muna ako ng tatlong beses at agad magtungo sa mga taong nasasakupan ko. "Mga kabaryo! sundin po natin ang ating mga tanod para sa kaligtasan nating lahat. Huwag po kayong mag-alala at aayusin ko kung ano ang nangyayare." Malakas kong sinabi sa kanilang lahat. Wala ng masiyadong ingay na naputok sa labas na mga baril. Lumapit ako Kay London para tanungin siya dahil alam ko kaya nagpunta siya siguro sa aking opisina ay para ibalita sa akin na may mga dayuhang nagsipasok. "London, di ba kayo ang nasa labas kanina? may mga dayuhan ba ang pumasok sa baryo natin?" tanong ko sa kaniya "Oo, Kap. marami sila at may mga armas na baril at kutsilyo kaya nga dali-dali akong pumunta rito at pinuntahan ka." Wala na akong ibang paraan na naiisip maliban na lang ako ay lumabas at tingnan para malaman ko anong dahilan at intensyon nila sa panggugulo sa baryo. Naglakad ako at lumapit sa pintuan.. "Kap, ano po gagawin niyo? Delikado na lumabas kayo." Sabi sa akin ng tanod na may pag-aalala. Tiningnan ko siya at sinabi ko sa kaniya "Huwag ka mag-alala, kailangan ko gawin ito. Makikipag-usap ako sa kanila at isara mo ang pintuan at huwag niyo silang papalabasin." Napasign of the cross na lang ako at huminga ng malalim bago buksan ang pinto at lumabas. Pagkalabas ko, may sumunod na tanod sa akin at inabot ang megaphone na galing sa aking opisina. Buti na lang kinuha niya at magagamit ko. "Pakiusap, huwag po muna kayo magpapaputok ng mga armas ninyo. May mga tao pong naninirahan dito at may mga sanggol pa. Maawa kayo sa amin.. Nais ko na mag-usap muna tayo para maayos natin ito. Ako si Kapitana Ellen ang namumuno sa baryong ito. Kung pwede ay huwag niyo munang gamitin ang mga baril ninyo at handa akong makipag-usap para alam ko kung ano ang inyong dahilan sa pagparito." Ang hiling ko sa mga dayuhan. Nakikita ko na nag-uusap ang mga dayuhan at hindi ko sila masiyadong marinig dahil may kalayuan sila sa akin at mahihina ang mga boses. Matapos nilang mag-usap, binaba nila ang kanilang mga armas. Ibigsabihin ay handa silang makipag-usap sa akin. "Gusto niyo ba ako na lang ang lalapit diyan para sa mapayapang pag-uusap?" Tanong ko sa kanila dahil willing naman ako lumapit. Naglakad na ako para lumapit sa kanila ngunit nagsenyas ang isa na tumigil ako sa paglalakad gamit ang kanang kamay niya. Siya siguro ang pinuno nila, tumigil ako sa paglalakad at siya mismo ang naglakad palapit sa akin na siya lang mag-isa. Hawak niya ang kaniyang baril at nakababa lamang ito. Wala silang mga bota sa paa, sila ay walang pakielam sa baha at lumusong sila sa malalim na baha dito sa aming baryo. Nang makalapit na ito sa akin ay nagsenyas siya sa kaniyang mga kasama na sila ay maghintay dahil nag-uusap pa kami. "Ikaw pala ang Kapitana sa baryong ito, hayaan mo muna ako ipakilala ang grupo namin. Ang pangalan ng grupo namin ay Pulang tubig, kami ay mga NPA napadpad kami dito ay dahil gusto namin dito manirahan at kayo ay umalis sa Islang ito." "Hindi pwede ang gusto niyo, dito kami nakatira. Wala kaming malilipatan kung inyo kaming papaalisin. Kung maari ay humanap na lang po muna kayo ng ibang matitirahan." Mahinahon kong sabi na hindi maari ang nais nila. Itinaas niya bigla ang baril niya at tinapat sa aking ulo dahilan ng pagnginig ng aking katawan sa takot na pinipigilan ko na hindi ipahalata sa kanila na natatakot ako. "Kung gano'n mananatili kami na manggulo dito, Kapitana! Kung hindi niyo susundin ang gusto namin. Babalik kami dito at dapat makahanap kayo ng malilipatan niyo kung ayaw niyong may mamatay sa inyong nasasakupan o hindi kaya Ikaw ang unahin kong patayin." Ilang segundo rin na nakatutok ang baril niya sa akin. Binaba niya ito at siya ay lumayo na sa akin. Naglakad na sila paalis at ako ay napabuntong hiningal sa takot na aking naramdaman. Gusto ko man humingi ng tulong mula sa bayan na magsumbong sa mga awtoridad ay hindi ko magawa agad dahil napakalayo sa amin dito sa Isla kaya paano ko masasabi ang kalagayan namin ngayon na kailangan ng Baryong Maligaya ang kanilang tulong. Kapag nagpunta pa doon ay aabutin kami ng ilang araw bago makarating. Nakakatakot na baka malaman nila na may magsumbong kung sakali at kami ay mapapahamak. "Huminga na po tayo ng maluwag, wala na sila at pwede na tayong kumalma lahat. Ang mahaalag sa ngayon ay mag-ingat ang lahat. Tayo'y magpahinga muna." Ang magandang balita ko sa kanila nakangiti. Pinabilin ko sa aking mga tanod na sila na ang bahala sa mga tao at agad akong nagtungo sa opisina. Dalawang oras ang lumipas nang matapos ang mga nakakatakot na pagsalakay ng mga NPA o mas kilalang terorista. Kumalma na ang lahat ng aking mga nasasakupan. Hindi ko pinaalam sa kanila na mga tororista ang mga dayuhan na niyon. Hindi ko binanggit sa kanila na maari Silang bumalik dahil may balak silang angkinin ang lupain ng Baryong Maligaya. Batid ko na dapat malaman nila subalit nangangamba ako na sila ay matakot, mag-alala ng sobra at hindi kumalma. Napaupo na lang ako sa aking upuan sa opisina para huminga ng saglit dahil sa nakakapagod na mga nangyare kanina. "Paano ko sasabihin sa kanila na mga tororista ang mga nagpaputok ng mga baril at nais angkinin ang lupain namin? Kailangan may gawin ako at mahingian ng tulong." ang sabi ko sa aking isipan Kahit ako ay nahihirapan na at nababahala sa kung ano pa mang maaring mangyare. Alam ko na dapat nila malaman ng aking mga kabaryo kung sino ang mga nanggulo at dahilan ng paggulo nila. "Hayaan ko muna siguro sila sa ngayon na kumalma at magpahinga para kahit papaano ay makahinga sila ng maluwag. Hahanap ako ng tamang oras para ipabatid na hindi sila mabibigla." Hindi ako nagtagal sa aking opisina dahil bilang Kapitana ay dapat tingnan ko ang aming paligid matapos ang kaganapan. Para malaman ko rin kung ano ang mga nasira at baka pwede pang gawan ng paraan. Lumabas ako sa opisna, lumapit ang isang tanod sa akin at sinabi niya "Kapitana, ang mga tao po ay nagtatanong sa amin kung sino ang mga dayuhan na nanggulo at ano ang dahilan ng kanilang panggugulo." "Sabihin mo sa kanila, huwag Silang mag-alala at hintayin lamang nila ako na magsabi patungkol diyan. Sa ngayon may kailangan muna akong tingnan sa labas." Dumiretso na ako sa labas, naglakad at naglibot sa paligid. Nalungkot ako sa mga nasilayan ko. Para bang may giyera na naganap. Lubog na nga kami dito sa baha at hindi pa pinglagpas ang aming sitwasyon na mas lalo nilang dinagdagan ang aming Suliranin. Ang daming mga bahay na nagkabutas-butas dahil sa kanilang sunod-sunod na pagbabaril. Buti na lang ay walang mga tao sa bahay na niyon at nasa barangay hall sila lahat. Pinuntahan ko ang malaking harang na aking pinapagawa. Nagulat at nalungkot dahil nagkasira-sira ulit ito na dapat ay patapos na. Napaiyak ako sa aking mga nakita, butas-butas na malalaki ang mga yerong bakal kumpara noon na hindi gaano kalaki ang butas kahit ang mga sako sakong buhangin at lupa. Ang daming tinumba na mga yero na bakal na nakabaon sa buhain ng Isla. "Mga h*y*p kayo! Mga demonyo kayo!" ang galit na lumabas sa aking bibig na hindi ko napigilan dahil wala silang awa sa aming mga mahihirap na lumalaban ng patas. Bumagsak ang aking mga luha dahil hindi ko na kinakaya ang mga pinaggagawa ng mga demonyo na niyon dito sa aming baryo. Hindi sila naaawa sa aming kalagayan bagkus na kami ay tulungan ay mas lalo kaming binababa o pinapahirapan. Ako na awang-awa sa aming lugar sa mga taong naninirahan dito kaya ganito na lang ang aking naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD