Matapos nilang mag-lunch ay agad na silang nagpaalam ni Lexie kay Nisha, "mauna na kami, Nisha..." ani Lexie sa dalaga. "S-Salamat sa pagpunta. Pasensya na talaga kayo kay Daddy ah?" nahihiyang sabi ni Nisha sa kanila at tumingin sa kanya. "Pasensya ka na rin sa inasta ko kanina, " aniya na napakagat sa labi. Natawa lamang si Nisha sa kanya. "Ayos lang 'yon, baka sakaling makaramdam si Daddy," anito. Matapos ang ilang saglit na paalaman ay umalis na sila ni Lexie. Gumala-gala muna sila ni Lexie at hapon na nang napagpasyahan nilang umuwi, nagtaka siya nang madatnan ang kanyang Kuya Harry na nasa mansion. Nilapitan niya ito, nakahilata ito sa may sofa. "Bakit hindi ka pumasok?" Usisa niya sa kapatid. "Hindi maganda ang pakiramdam ko, si Daddy na lang muna ang nagpunta sa company," anit

