Chapter 1
Have you heard of Professional tutor? Most of you didn't. Actually very rare ang trabaho na ito especially sa Pilipinas.
Same thing with Phone s*x Operator.
But yes we exits.
At dahil matalino tayo ay ginamit ko ang utak ko to earn money to support my study dahil mahal talagang mag-aral sa College sa Pilipinas tapos law pa.
I'm on my 4th year and almost finish then sa bar exam naman ako mag fofocus.
"Oh anak, magkape ka na." Bungad sakin ni Papa.
Kami lang ni Papa sa buhay.
I didn't know who my mother is or what she looks like dahil baby palang ako ng mamatay sya.
My father didn't have any pictures of her.
Gayunpaman ay busog na busog ako sa pagmamhal at suporta ni Papa. Sya ang tumayo Nanay at Tatay ko na sobrang pinagpapasalamat ko.
Ngumiti ako ng pagkatamis tamis kay Papa. "Salamat po."
At umupo si Papa para makakain na kami ng agahan. "Malapit na pala ang birthday mo Anak, saan mo gusto kumain?"
From my scalding hot coffee ay napaangat ang mata ko sa kanya. "Wag na po Pa."
My father is very hard working, namamasada sya ng Jeepney sa Divisoria at gasak araw araw.
"Anong wag na eh 21st birthday mo yan." Nako po, magsesermon pa ata.
Natawa ako. "Pa.. Magluluto nalang ako ng pansit, para tipid."
"Kelan ba kita tinipid?" Tanong nya sakin.
Never.
Baata sakin never akong tinipid ni Papa, lagi syang all-out.
Hinawakan ko ang kamay ni Papa. "I save nalang po natin ang pera Pa, for emergency or kung may gusto kayong bilhin para sa sarili mo."
"Ikaw lang anak, okay na ako. Makita lang kitang maka graduate ay pwede na akong mamayapa —"
And i immediately stop him because i don't like it when he talk like that. "Pa.."
"Alam ko.." Gets nya ang nasa isip ko. "At matagal pa akong mamatay." At nag flex pa sya ng muscle sa bicep. "Masamang damo to Anak."
He isn't a typical father figure in a story, no — My father isn't old. Nasa 40 plus palang sya at talagang gwapo na gwapo at macho.
Aba kahit busy si Papa ay nag exercise parin sya sa araw araw na ginawa ng Dyos.
Especially sa umaga.
Pang pakondisyon daw.
At dahil bata pa sya, gwapo, macho ay napaisip ako.
" Pa.. "
Kinuha ni Papa ang baso ng kape nya. "Bakit anak?"
"Bakit hindi ka na nag-asawa ulit?" Eto ata ang first time ko na nagtanong si Papa about this.
Hindi agad sya kumibo.
But i know he is thinking hard. "Wala eh, ang Mama mo lang talaga ang minahal ko."
I'm not expert in love but I'm pretty sure that kind of love is once in a lifetime.
"Kahit crush?" I continue to ask.
Natawa si Papa. "Wala." At uminom si Papa. "Ayaw ko ng sakit ng ulo."
To be honest sobrang taas ng respeto ko kay Papa dahil nga sobrang sipag nya at talino.
My eyes look up at him. "Pa.."
"Mm?" Humigop sya ng kape.
"Nakapag tapos ka ng Law right?" I question.
And our eyes met.
"Oo.." Tumango tango si Papa. "Hindi lang nakapasa sa bar."
Now I'm more curious. Like we've been talking about this over and over but i still don't get it. "Bakit hindi ka nag take again?"
"Kasi kailangan kong maghanap ng trabaho non dahil buntis ang Mama mo sayo that time, kayo ang priority ko." Sagot ni Papa. "I have to provide and everything."
But why I have a feeling na it's more than that.
And I'm dying to know.
"Pero ikaw anak." Umupo ng daretso si Papa. "Saan mo balak mag apply kapag nakapasa ka?"
I really think of it, long and deep. "Hindi ko pa po alam Pa pero pangarap ko talaga sa ACCRALAW."
"ACCRALAW?" He repeats.
Why it sounds familiar to him.
Tumango ako. "Opo, ang ACCRALAW po kasi ang pinaka bonggang law firm sa Pilipinas."
Hindi kumibo si Papa.
But anyway, tinapos na namin ang agahan at pumasok na ako sa University.
At naglalakad palang ako sa entrance ng school ay nakakita ko na agad si Rui — tunog lalaki lang pero babae ito.
Sya ang bff ko dito sa University, classmate din kami at parehong nagtatrabaho sa pagtutor.
I smile at her. "Oh bat ang aga mo ata?"
Himala kasi hindi sya late.
"Because i received a mail." Sagot ni Rui.
I'm curious. "What mail?"
Rui sneak her hand around my arm. "A job."
"What job?"
"A proposal job for you." Sagot nya sakin habang naglalakad kami.
At napahinto ako. "Sakin? Eh Bakit sayo ni mail?"
Natawa si Rui. "Ni recommend kasi kita. " Lalo tuloy akong naguluhan. "At na approved —"
"Wait." I quickly cut her off. "Anong work yan?"
"Jeez Ava." Naiiling na sabi ni Rui sakin with the shake of the head. "Natural pag tutor." Umikot pa ang mata nya sakin. "Big fish kasi ang client kaya i recommend you."
"And why me?"
"Well you are the front candidate for summa c*m laude."
"Hays." Napairap ako. "Don't mention it." Baka mausog e. "At sinong client?"
Nagtitigan kami ni Rui.
"The Borbon family." Sagot nya.
"The Borbon?" Kasi hindi ko sila kilala.
"Ay mamaya ko nalang ipapaliwanag."
At pumasok muna kami sa first subject namin ni Rui. Sobrang sarap mag-aral at matuto kapag magaling ang professor.
Well si Miss Liah Rose Cervantes ang Criminal Law review.
This woman is the example of Perfection. Maganda na, sobrang talino pa — kaya sya rin youngest judge in the Philippines.
After class ay naghiwalay kami ni Rui. Sya papunta ng canteen, ako sa comfort room.
Kaya ayaw kong masyadong uminom ng kape sa umaga dahil lagi akong naiihi.
Itinulak ko ang pintuan ng comfort room papasok pero may natamaan ako na lalabas naman — Nalaglag ang hawak nyang bag.
"Ay.." I quickly grab her back. "Oh my, I'm so sorry." Pinagpag ko pa ang bag nya na nadumihan. "Hindi ko sinasadya."
"It's okay.." Ang malumanay ng boses. Sweet and warm
Kaya napaangat mata ako as i met her brown eyes. "Hi. I ah.." She is an middle age beautiful woman. "I'm sorry about your bag."
Ngumiti sya sakin. "No problem Iha, it's just a bag."
Imabot ko sakanya ang bag. "Pasensya na po ulit."
But i can't look away, sobrang ganda nya, sophisticated at kagalang galang.
Lumabas na sya ng tuluyan at naiwanan akong nakatanga.
"Woah.." I'm totally bewitched.
No this isn't love.
It's more than that.
And it's odd, really odd.
But who is she?