Chapter 2

1486 Words
After ng last subject namin for today ay pumunta kami sa cafeteria para mag snack. Hindi naman kasi ako masyadong gutom pero si Rui ay parang hindi kumain ng isang linggo. Grabe ang bilis ng subo nya ng kanin at menudo na ulam. "Hey, eat slowly." Bulong na pagsaway ko sa kanya. "Baka mabulunan ka." Lumunok muna sya bago sumagot sakin. "Hindi kasi ako kumain kagabi at kanina." Titig na titig ako kay Rui. "Oh bakit hindi ka naman kumain?" "I was tired." Kibit balikat na sagot nya. "Umaga na ako nagising at darestso na dito." But.. "Wala ka namang tutor kahapon ah?" At napqngiti sya. "Wala nga." Lalo akong nacurious. "Pero umalis kasi ako." I know that kind of look. Kaya medyo nilapit ko ang mukha ko kay Rui. "Nakipag meet up ka na naman ano?" Rui pressed her lips together. "Mm —" "Don't lie." I warned her. "I'm not." And she looks up to me. "But he is a nice guy." Pambihira. Napabuga nalang ako ng hangin. "Rui..." Eto ata hobby ng kaibigan ko sa buhay eh ang makipag meet sa hindi naman nya kilala na kung sino sinong ponsyo pilato. And I'm so concern. "Hindi ka ba natatakot sa ganyan?" "Hindi." She look at me dead in the eyes. "I know my limits Ava —" "Gosh Rui." Sobrang tigas ng ulo ng babae na to. "Napakadelikado ng ginagawa mo." And she hates it kapag yan ang pinag-uusapan namin kaya naman. "But anyway." She is going to change the subject. "Take this." At inabot nya sakin ang cellphone nya. "Forwarded ko na sayo ang Job order." I take her phone and read it. "What —" Kunot noo ako. "Later today na agad to?" Ngumiti sya sakin. "Oo." All i can do is scratch my eyebrow. "It's 2,000 per hour." Oo, nabasa ko nga sa contract. It's obviously high, normally kasi ay 500 per hour kami sa mga client — but the Borbon family offered me 2000 p/h. Sino ang tatanggi dito? Kahit may cut ang management sa sweldo ay malaki parin talaga ang take home pay ko. "Fine." At binibaba ko ang cellphone sa lamesa. "Mine." Natawa si Rui. "Goodluck later." And I'm about to say something when someone sit on our table. Yes the table. Sabay kami ni Rui na patingin kung sino ang talipandas na ito. — And my eyes met hers. "Hi." She smirks at me. "Klea." Ang tabang ng pagkakabanggit ko sa pangalan nya. "Pwede bang umalis ka sa lamesa? Nag-uusap kami eh." But instead of doing what I'm asking for ay dumekwatro pa sya. "I can do that." Her eyes are intensely on me. "But first.." She hold my chin gently and caress my lower lip with her thumb. "Date me." And i feel all the hair on my body raise up. But I'm very composed. So I slap her hand away from my lips. "Don't touch me." Pero mas mukha syang Nachallenge. Giving me a look like oh — I-like- that. "And why not?" Kataleya questioned me. "Eh bakit ako makikipag date sayo?" I even look at her up and down. To be honest, Klea is beautiful — sya ang pinaka muse ng Law Department namin, matalino, galing sa maganda at mayamang pamilya. Pero bully. "Because why not Ava?" Ang feeling ng babae na ito no? Porket maganda. "You are not my type." I simply told her. "At hindi ako bisexual o lesbian —" Klea chuckle. "Sure ka?" Napadaretso ako ng upo. "Mas kilala mo ba ako kaysa sa sarili ko?" "I just know it." Klea laughs as she gracefully stand up. "But if you ever change your mind." At sumenyas sya ng cellphone sign. "Call me." I scoff at her. At naglakad na sya palayo sa table namin. Her hips moves side to side. "Kung ako siguro inaya nya ng date ni Klea ay hindi sya magdadalawang salita sakin." Ngumunguya na sabi ni Rui sakin. I cross my arm. "Bakit tomboy ka ba?" "Hindi." Lumunok si Rui. "Pero kasama sa bucket list ko yang girl to girl sex." "I can't believe you.." Nailing nalang ako sa mga lumalabas sa bibig ni Rui. Natawa sya. "Eh ikaw ba ayaw mo?" "No way." Mabilis pa sa alas otso ko na sagot. "Baka kainin mo yang no way mo ha." Rui reminded me. "Over my dead body." Sure na sure ko na sagot. Kinuha ni Rui ang baso ng juice. "Sure Ava, sure." I just ignore her remark. Pagkatapos namin kumain ay pumunta muna ako sa Dean's office dahil pinatatawag daw ako. Dahil baka may problema ako sa school. Shit. This can't be. I can't disappoint my father. Kakabog kabog ang dibdib na kumatok ako Dean's office bago buksan ang pintuan. "Good afternoon po." Pagbati ko agad kahit hindi ko pa nakikita si Dean. "Oh Ava." Boses ni Dean. I see him standing and talking to someone — with the woman na bangga ko sa comfort room this morning. Oh my? Nireklamo nya ba ako? Lumapit ako sa kanya, i give them an awkward smile. I focus with the lady. "Hello po." And she greet me back the most lovely smile. "Hey, its you again." "Elaine." Boses ni Dean na kuntodo ang ngiti sa tinawag nyang Elaine. "This is Ava, University of the Philippines Summa c*m Laude College of Law batch 2024." Nagulat ako sa sinabi ni Dean. "A- ako po?" "Oo ikaw Iha." Sagot ni Dean sakin. "Ayan ang rason kung bakit kita pinatawag dito." And I'm mixed emotions. I mean, i know I'm one of the candidates for latin honor award pero iba parin pala ang feeling kapag ikaw ang pinaka the best of the best. Kaya medyo nagluha ako. Worth it lahat ng pagod ko sa pag-aaral at ang sacrifices ni Papa. "Thank you po." Pasasalamat ko kay Dean. "Don't thank me Ms. Melendez. It's your hardwork." The Dean reassured me. "You deserved it." "Congratulations Ava." Sambit ng babae sakin. "I wish to work with you in years to come." Oh she's a lawyer too? I smile at her. "Thank you so much po." At excited akong tumawag kay Papa para ibalita na ako ang Summa c*m Laude ng batch namin. Sobrang saya nya. I guess naiyak pa sya, i could hear it through his voice. At ilalabas nya daw ako but I have work later. 2 hours lang naman kaya makakauwi parin ako ng maaga. Tapos si Rui gustong i treat ko sya. Of course, mag kakape kami bukas tapos isawsaw namin ang pandesal. I laugh mentally. Siguradong mag-aalburoto tong si Rui. Nag motor taxi nalang ako papunta sa Borbon residence para mabilis ang byahe. At sobrang nakakalula ang Mansion nila. Ang laki. Lumapit ako sa security guard ng Mansion. "Good afternoon Kuya." Napatingin sya sakin. "Yes Ms?" "Ako po yong Tutor ng Borbon." Sagot ko kay Manong Guard. Tumayo sya. "Ah ikaw ba yon? Yong Ava?" "Opo." I even show him my ID for verification. He open the gate for me. "Hinihintay ka na ni Mrs. Borbon." Kinakabahan ako. Pero kaya ko to. Magtutor lang eh. Easy peasy na yan sakin. At habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid, ang daming puno, mga iba't ibang uri ng flowers, pool at ang kalahati ng bahay ay gawa sa salamin. Daretso lang ako main door. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. And while waiting.. I hope na mabait ang tuturuan ko para hindi maging mahirap ang sitwasyon. Then the door opens. Wala akong makita na magbukaw ng pintuan. Hala? Magic? "Hoy." My eyes drift down and i see a kid. "Hi, I'm Ava and I'm..." "I know your name." She looks so cute, pretty at mukhang mabait. "You are my suitor." I chuckle inside my throat. "Oo." Nginitian ko sya. "I'm your Tutor Ava." "Come inside." "Venice." May nagsalita. Napasilip ako sa loob ng bahay at naglalakad ang isang babae, I'm not really good sa mga edad but i guess she's in her 40s. Sophisticated and very graceful gumalaw. Halatang alta. "Good afternoon po." Pagbati ko sa kanya. "Ava Melendez?" The lady is asking me. I give Mrs. Borbon a smile. "Opo." "Great." As if she is very pleased. Hinawakan nya ang maliit na kamay ni Venice. "This is Venice, my youngest daughter. Sya ang itututor mo." Venice and I smile on each other. "Hello again Venice." Sabi ko sa bata. Titig na titig ang bata sakin. "You are so pretty Ava." And i feel my face blush. Alam nyo na ang mga bata — Hindi nagsisinungaling. "Oh you are too." "Thank you." The kid said to me. "Anyways." Mrs. Borbon sigh and ask me. "Can you start now?" "Sure." Sagot ko naman. Alam ko na gustong sulitin ni Mrs. Borbon ang bawat Segundo ng two thousand na bayad nya sakin. Kaya nag simula na kami. Mukha namang mabait si Venice so i guess hindi nya ako ipapahirapan. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD