Chapter 3

1490 Words
And i was wrong. Dahil sobrang kulit ni Venice kaya hindi ako makapagturo ng maayos. Panay sya upo, tayo, tingin sa tablet — at this time nagugutom daw sya. Nagdala naman agad ng pagkain ang kasambahay para kay Venice. At nilapag ni Manang ang platito ng cake sa harapan ko. "Kumain ka din muna." Napangiti ako kay Manang. "Nako salamat po." "Mabait yang si Venice." Sambit nya. "Malikot at makulit lang." "Oo nga po." As i agreed. "Wala pa kaming one hour nag totutor pero nagutom agad." The old lady chuckle. "Lagi yang gutom, oras oras, mayat maya." We both laugh. "Mm.." Pag-ungol ni Venice habang ninamnam ang cake. "It's so delicious." "And it's your favorite cake." Sabi ni Manang sa bata. "So eat para makapag tutor ng maayos si Ms. Ava." By mentioning my name ay na patingin naman si Venice sa akin. "Yeah." "See?" Napataas kilay na may ngiti sa labi si Manang sakin. "Kailangan nya lang talaga kumain muna bago mag-aral." Napangiti ako. "I will remember that po, thank you." At mukhang hindi lang ako maging tutor kay Venice no? Baka yaya din. Pero ganon talaga sa trabaho namin eh, may mga bagay na dapat consider especially kapag bata ang client. Umalis na si Manang at kumain din muna kami ni Veniceng cake while checking my phone though, ang dami kong messages from my classmates, schoolmates, teachers and from Klea to congratulate me dahil ako ang Summa c*m Laude. Pero paano nakuha ni Klea ang number ko? "Are you done Ms. Ava?" Napaangat ang mata ko and see Venice standing in front of me with her sheepishly smile. "Ah yes Venice." Kahit hindi pa pero kailangan ko syang turuan. "Let's start now?" Tumango sya. "Okay.." At tumabi sya sakin sa sofa. Nag start na ako mag tutor kay Venice and this time she listen to me very carefully — Ang sarap sa pakiramdam na nakikipag interact sya, nagtatanong — and it's a sign of curiosity and learning. Hanggang sa natapos ang two hours namin ng walang interruption. Na walang nagutom. "When will you come back Ms. Ava?" Tanong ng bata sakin. Ako na nagliligpit ng mga book at ibang gamit ko. "Bukas ulit Venice." "Yehey!" Tumalon talon pa sya. Natawa nalang ako. "Can we do mathematics tomorrow? I don't like spelling." This time i look at her. "You do like math more?" "I do." Venice replied without any second though. "Reading, spelling and writing are boring. I want to be Math Protege." "A math Protege?" I repeat it. Parang familiar sakin ang Math Protege, narinig o nabasa ko na ito — I just couldn't remember where. "Yes." Venice turn on her tablet though. "Like Stella San Ruiz." Oh.. I know that girl, she's the math Olympiad. "We can do math after reading, spelling and writing." Sabi ko kay Venice. I know this kid is Math genius pero ayaw ko din maiwanan nya ang ibang subjects. "Alright." She agreee without even looking at me. "But are you still studying Ms. Ava? " "Oo." Nilagay ko na sa bag ang mga gamit ko. "Law. So, magiging Attorney ako in the future." I'm not even sure if she knows it. Malay natin. "Oh.." She looks up to me through her eyelashes. "Like my father. She is an Attorney —" "He." I corrected her. At napangiti si Venice sakin. "I know I was just testing you." Natawa ako, the kid is cocky and cute. "Oh talaga ha?" "Yes Ms. Ava." Tumango sya sakin. "Like my sister." Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko. "May kapatid ka?" "Paris." Sagot nya sakin at naging abala na ulit sya sa pag tablet. "She's in her room." I don't even know what to say dahil hindi ko naman kilala kung sino ang ate nya. "And she is really ugly." I'm about to say something pero may biglang nabasag na baso or what. No, hindi dito sa kwarto ni Venice — somewhere else. "Ano yon?" I ask no one. "It's just Paris." Casual na sagot ng bata. "Don't worry about her, she is fine." Fine? Pero bakit may nabasag? But. Sino ba ako para maki usisa diba? Kaya tumayo na ako. "I have to go ha, see you tomorrow Venice." Venice look up to me. "Goodbye Ms. Ava." Lumabas na ako ng kwarto ni Venice at sinalubong ako ng malamig na hangin sa hallway, madilim at napaka tahimik. Kinilabutan tuloy ako. Mabilis nalang ako naglakad hanggang natapat ako sa isang kwarto na nakabukas ng konti ang pintuan. There is music coming from it. "Ms. Ava." Napatingin ako sa harapan ko at nakita ang kasambahay. "Tapos na kayo?" Ngumiti ako sa matanda. "Opo." At sinamahan nya akong bumababa. "Pinahirapan ka ba ng alaga ko?" "After pong kumain ay nakapag focus na po sya." Natawa ang matanda. "Ganyan talaga yang si Venice." Then i remember some concern. "Ah Manang." Napasulyap pa ako sa kausap ko. "May narinig po akong nabasag kanina." Medyo nagbagao ang facial expression nya. "Si Paris lang yon." What about her? At nakita ko si Mrs. Borbon sa living room. Napangiti sya ng mapansin ako. "How was the tutor?" "Okay naman po." Lumapit ako sa kanya. "Mas gusto nya pong mag-aral ng mathematics kaysa reading, writing at spelling." Tumawa sya. "She really hates those and Math is really her favorite." I'm glad na updated sya sa development ni Venice. Alam ang gusto at hindi gusto na subjects. Mind you, ang dami ko nang na tututoran — at mostly ng parent ay inaasa nalang talaga samin ang lahat pagdating sa pag-aaral. "Gusto nya daw pong maging Math Protege." Dagdag ko pa. Just updating her though Tumayo si Mrs Borbon. "Idol nya si Stella eh." And she fish something out of her purse. "Take this." Nakita ko ang hawak nyang pera. "Nako wag na po —" Ang laki na ng two thousand per hour tapos may tip pa. "Take this." At tinitigan nya ako ng masama. "Just a tip." Nahihiya man pero mas natakot akong tumanggi. Kaya kinuha ko na. "Salamat po Mrs. Borbon." "Welcome Ava." She smiles at me. "Pero pwede mo bang agahan bukas?" "Sige po." Pagpayag ko. Mas pabor nga sakin na mas mahaba ang oras, mas malaki sahod. At masaya akong lumabas ng Borbon residence na may hawak na one thousand tip. Nag motor taxi nalang ulit ako pauwi. Mabilis lang talaga ang byahe kapag motor kaya 30 minutes lang ay nakauwi na ako at yakap yakap ni Papa. "I'm so proud of you." Masaya pero emosyonal si Papa. "Sobra." "At hindi ko po ito magagawa kung hindi po dahil sayo Papa kaya maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo para makapagtapos ako ng pag-aaral." Sobrang grateful ako na sya ang papa ko. "Of course." At humiwalay sya sakin, may mga luha si Papa sa mga mata. "Lahat gagawin ko para sayo." Hinawakan ko ang kamay ni Papa. "Kaya ililibre kita Pa." Father let out a chuckle throat. "Ako na okay? Pinag handaan ko to Anak." At tumango ako. There is no sense of arguing with him dahil si Papa parin talaga ang masusunod. Kaya pumunta kami sa favorite naming panciteria para kumain ng hapunan. "Ano pang gusto mo?" Tanong ni Papa habang tumitingin sya sa menu. "Miki o..." "Bihon po Pa, walang miki." Sagot ko because I never like miki. "Yong lutong bakla pa ha." Natawa si Papa. "Alanganin." Tumango ako na may ngiti sa labi. "Opo." At tumayo si Papa para umorder ng pagkain namin. Naiwanan akong mag-isa sa table at sakto biglang tumawag si Rui — buti at call lang. Kaya sinagot ko naman. "Hel.." "Ava!" Grabe ang sigaw nya. "Ano na?" "Ako ka din." Sabi ko naman. "Bakit ka ba sumisigaw?" "Eh nandito ako sa labas ng bahay nyo." Tumawa sya. "Wala kayo." Bigla akong napakamot sa kilay ko. "Ano namang ginagawa mo dyan?" "Ulam." Sagot ni Rui. "Pinabibigay ni Mama." "Wala kami sa bahay." Sabi ko. "Nasa pansiteria kami." "Ay ganon ba? Sa favorite mo?" Tumango ako kahit hindi nya nakikita. "Oo tara, dalhin mo na yang ulam —" Hindi pa ako natatapos magsalita pero binabaanan na agad ako ng tawag. Pambihira. At bumalik na si Papa bitbit ang tray ng mga pagkain. "Isusunod nalang yong pansit at menudencia." Ihinahain ko ang pagkain sa lamesa. "Ava!"Boses ni Rui. At sabay kami ni Papa na napatingin kay Rui na tumatakbo palapit samin ni Papa at bitbit na mangkok. Nagulat si Papa." Oh Rui. " " Hello Ninong Pogi. " Pagbati nya kay Papa. Oo, Ninong sya si Papa. Magkinakapatid kaming dalawa. "Ano yang dala mo?" Pag-uusisa ni Papa kay Rui. Ngumiti si Rui. "Pakbet po, Pinabibigay ni Mama." "Ay ganon ba? Nako salamat Anak." At sinenyasan nya si Rui. "Tara sumalo ka na samin ni Ava." Sanay na sanay kami ni Papa kay Rui. Bigla bigla syang sumusulpot lalo kapag kakain. But anyway, The more the merrier. Besides, Rui is a family — we are family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD