Simpleng celebration lang ang ganap ngayong gabi para sa pagiging Summa c*m Laude ko.
And I'm happy, really happy dahil kasama ko ang pogi kong Papa at si Rui.
After kumain ay naglakad na kami pauwi ni Rui tapos si Papa napa tambay dahil tinawag ng kaibigan nya.
I remember something though.
"Ay teka nga." I turn to look at Rui. "Binigay mo ba kay Kataleya yong number ko?"
"You mean si Klea?"
Tumango ako. "Oo."
"Hindi." Sagot ni Rui sakin. "Bakit?"
Kung hindi si Rui ang nagbigay kay Klea ng number ko, eh sino?
Napakamot kilay ako. "She texted me para mangongrats sa pagka Summa c*m Laude ko."
Rui shrug her shoulders. "Baka nakuha nya kung kanino."
Napanganga ako. "Anong kung kani kanino eh iilan lang kayong may alam ng number ko eh."
Pero inirapan nya ako ng mata. "Hindi ka sure -"
I really suspect that she was the one responsible kaya nalaman ni Klea ang number ko.
Huminto ako sa paglalakad. "You gave it to her."
"Ha?" Huminto din sya. "Ano?"
Patay malisya pa sya eh.
So i push it. "Just admit it Rui."
She just look at me. "But I didn't -"
"I know you." Sumingkit ang mata ko. "Just say it."
At biglang natawa ang talipandas. "Fine!" Sabay taas ng mga kamay nya. "It was me."
See?
Nagpamewang ako. "Eh bakit mo binigay aber?"
"Eh ang kulit." Sya naman ang napakamot sa baba nya. "At saka.." Nagtama ang mata naming dalawa. "Can't say no to two thousand pesos."
"A what?" Para akong nabingi sa narinig ko.
"She offered me two thousand in exchange for your cellphone number." Titig na titig sya sa mukha ko. "It was a good offer, so.."
"How dare you..." I honestly don't know kung mabubwiset ba ako or what. "I thought we are best friends-"
"We are but.."
At hinabol ko si Rui. "Pinagpalir mo ako sa pera!"
Mabilis din naman syang tumakbo palayo sakin. "Sayang yong dalawang libo -"
"Tapos gusto mong ilibre kitang burger after mo akong ipagkanulo sa dalawang libo!"
Pero tawang tawa sya sa kalokohan nya habang tumatakbo. "Gusto mo hati tayo?" I try snatch her hair pero ang bilis nyang umiwas. "Or ako nalang manglibre ng burger?"
"No way!" I scream.
Pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay namin pero wala akong pakialam.
Kumaway si Rui sakin with her stupid smile. "See you tomorrow!"
At iniwanan nya akong humihingal. "Siraulong babae yon."
"Oh Ava." Boses ni Papa. "Napano ka?"
Huminga ako ng malalim. "Wala po Pa."
Lumapit sya sakin. "Tara na, gabi na."
At lumakad na kami pauwi ng bahay.
Akbay akbay ako ni Papa. Pinagtitinginan din kami ng mga tao - especially ng mga binata sa lugar namin. Pero kapag nagkaka eye to eye nila si Papa ay natatameme sila.
Like now.
Napaiwas tingin ang mga tambay sa tindahan.
"Wag na wag kang mag boboyfriend ng tambay Ava sinasabi ko sayo." Pabulong na sabi ni Papa sakain.
At natawa ako. "Pa, wala pa isip ko yan."
"I know.." Bumuntong hininga sya. "Sinasabihan lang kita, pumili ka ng lalaki na hindi ikaw ang bubuhay."
Nilingon ko si Papa. "Edi nagwala ka kung ganyan ang jojowain ko."
Natawa sya. "Kahit pangit okay lang Anak, basta masipag at madiskarte sa buhay. Yong bubuhayin ka, yong susuportahan ka emotionally and financially."
Sa hirap ng buhay ngayon kaya naiintindihan ko si Papa.
Pero.
"Pa.." Niyakap ko sya. "I'm not interested with men."
And he kisses the top of my head. "Good."
Then I decided to joke on him. "But maybe withgirls -"
" - What!?" Napa tigil sya sa paglalakad.
The look of his face, terrified me. "Jo - joke lang po Pa."
"Wag mo akong ijoke sa ganyang bagay Ava." Parang nakahinga ng maluwag si Papa. "Just focus sa bar muna."
"Opo."
At umuwi na kami mg bahay.
Pagkatapos maligo ay nagcheck ako ng emails - Wala namang importante kaya nahiga na ako.
I feel tired.
Bukas may pasok pa at maaga ako sa pag tutor kay Venice.
Kaya natulog na ako.
Maaga akong nagising, naligo at pumasok sa school para makapag submit ng last activities for the year.
Pero pag minamalas ka nga naman ay si Klea pa una kong nakita sa corridor na naglalakad naman papunta sakin.
"Good morning Summa c*m Laude." Kuntodo ngiti na bati sakin ni Klea.
"Walang good sa morning." I don't want to be rude pero mabigat dugo ko sa kanya.
And I don't know why.
Or maybe nahahanginan ako sa kanya.
Natawa si Klea. "I like that."
"What do you want girl?" Matabang na tanong ko sa kanya para matapos na.
"You.." Prangka nyang sagot sakin without even blinking. "I like you Ava."
I don't know what to say to her. I mean, i also rejected men pero iba pala kapag babae.
Pero ayaw ko din naman paasahin si Klea o kahit sinong tao, babae man o lalaki.
It's no unfair.
I shift my weight on my feet. "I'm.. I'm sorry Klea but I'm not interested in you o kahit sino."
"I know." Na imbis na ma dishearten ay parang mas Nachallenge pa sya. "Willing naman ako suyuin ka -"
"Klea." As i release a deep breath. "Again, I'm not interested." At umalis na ako.
Hindi ko kasi alam kung ano pa ang sasabihin kay Klea.
Pagpasok ko ng classroom ay ang pagmumukha agad ni Rui ang bumungad sakin - her smirk is so annoying.
"Good morning." Pagbati nya sakin.
Pero wala ako sa mood. "I still hate you."
Natawa si Rui. "Ang sungit ha."
Umupo ako sa tabi nya sabay lahad ng kamay ko. "Akin na nag burger ko."
"Mamaya." Natawa sya. "Hindi ka makapaghintay girl?"
And i look at her over my shoulder with my eyes rolling. "Dapat ba matuwa ako? Pinagpalit mo ako sa two thousand -"
"Sus -" Tinulak nya ang balikat ko. "Ililibre ka na nga."
"Aba dapat lang."
"With milktea." Dagdag ni Rui at inilapit ang mukha sakin. "Okay na yan?"
Well its free food, so okay.
Kapag talaga first subject ay sobrang nakakaantok at boring - For sure mamimiss ko din to. Wala nanamang discussion na naganap kundi life experience ng professor namin.
At tinupad naman ni Rui ang pangako nya kaya nilibre nya ako ng burger, fries at milktea.
I feel better.
Kumakain na kami dito sa may park ng campus habang nanunuod ng mga naglalaro ng Volleyball.
"Mm." Lumunok si Rui. "Kamusta pala ang tutor mo sa mga Borbon?"
"Okay lang." Sagot ko habang kumukuha ng fries. "Makulit pero matalino si Venice."
"Galingan mo para i extend nila ang contract mo."
"I always do my best." Sagot ko kay Rui. "May tip din ako kagabi."
"Oh really?" Excited na sambit ni Rui. "Magkano?"
"One thousand."
Tumango tango sya. "Nice, nice Ava. Makakaipon tayo pang review for bar exam."
Exactly.
Hindi rin naman biro ang gastos sa review center.
"And don't forget invited tayo sa birthday ni Klea ha." Pag reremind ni Rui sakin.
Napatigil ako sa narinig ko. "Ha? Invited tayo?"
Aba sa tagal ko dito sa University ay never ako o kami inimbitahan ni Klea sa kahit anong party nya. F. Y. I, Hindi kami close or whatever - and aside from liking me gaya ng Sabi nya.
What else could be the reason why Klea has bothering me.
Or
Umaandar na naman ang pag-over thinker ko?
But anyway, maaga akong nagbyahe papunta sa mga Borbon. Ayaw na ayaw ko pa naman nalalate - I always want to be on time.
Agad naman akong pinapasok ng guard, kilala nya na ako.
I still feel amazed every time i see the Borbon's house - Sinasampal talaga ako ng kahirapan.
At habang naglalakad palapit sa main door ay iniisip ko na ang mga topic na ipapaaral ko kay Venice. Gusto ko kasing mas mahasa ang bata sa lahat ng subject - not just math.
Mag doorbell na ako.
Sakto na sya namang pagtawag ni Papa. Kaya sinagot ko muna habang naghihintay pagbukas ng pintuan.
"Pa?"
"Ava Anak." Salita ni Papa mula sa kabilang linya. Dinig ko ang ingay ng mga sasakyan. "Anong gusto mo na ulam?"
Napaisip naman ako. "Kahit ano po Pa."
"Maaga kasi akong gagarahe ngayon dahil kota na ako." Masayang sabi ni Papa.
"Really Pa?" I'm happy too. "Kahit adobo po siguro."
"Baboy o manok?"
"Baboy nalang po siguro Pa." 443
"Alright Baboy." I could imagine him nodding. "Nasaan ka na ba ngayon?"
"Nasa bahay na po ng mga Borbon -"
At napaangat ang mga mata ko ng bumukas ang pintuan - Si Mrs Borbon.
"Ay Pa, tawag po ako sayo mamaya ha." Paalam ko kay Papa sabay drop call. Hinarap ko na si Mrs. Borbon. "Good afternoon po."
She smile at me. "Good afternoon Iha, come in."
Pumasok naman ako. "Salamat po."
"You came in a perfect time Ava. " Parang nakahinga ang Donya. "I'm getting going to a business meeting." Kinuha nya ang bag nya. "And Venice is waiting for you in her room."
"Sige po."
She unzip her bag and take out some bills. "Kung magutom kayo." At inaabot nya sakin ang pera. "Buy food."
But.
I just look at the money. "Po?"
"Please.." Pakiusap nya. "I'll pay you double, baka gabihin na kami ni Eduardo."
Hindi ko alam.
Pero double daw?
Eh mukha akong pera.
Again, pero.. Magluluto si Papa ng adobong baboy.
Another again, Mrs Borbon is a client, a big fish. Kaya nakakahiyang tumanggi.
"Mm sige po."
At si Mrs. Borbon na mismo ang naglagaya ng pera sa palad ko. "Thank you Ava, you are my savior."
I helplessly watch her leave the house.
Eto na nga bang sinasabi ko eh, naging baby sitter pa ako - Eh anong silbi nong Paris.
Pambihira.
I will just call father later.
Pumanik na ako sa taas, papunta sa kwarto ni Venice - I'm trying to remember what room is it.
Ang dami kasing kwarto.
Nakakalito.
Pero sure ako ng kwarto na hinintuan ko. Kaya kumatok muna ako. "Venice, It's Ava."
She did not answer.
But i push the door open though nang may biglang nabasag - as my eyes drop on someone's in front of me.
It's a girl.
A freaking Goddess.
Her hair is perfectly comb around her beautiful face - her nose is upturned, those lips are pouty but the eyes...
They are empty, no emotions.
"Who are you?" Tanong nya sakin without even blinkin.
"Ha?"Natraranta ako sa ganda nya. "I'm Ava -"
"And what are you doing in my room?" Grabe ang lamig ng boses nya, nakakakilabot.
"I'm.."
"Ms. Ava?" Boses ni Venice mula sa likuran ko.
"Venice." Pagtawag ng babae sa bata.
Sumulpot si Venice sa harapan ko, sa gitna namin. "Ate Paris, she is my tutor si Ms. Ava -"
But Paris just look straight at me. "Get out please."
At hinarap ako ni Venice. "Let's get out Ms. Ava."
Hinawakan nya pa ang kamay ko at wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
I take one last glance to Paris before i close the door behind us though.
"Wait." Pagpigil ko kay Venice.
Huminto sya at tumingin sakin. "That's your sister?"
"Yes, she is my sister." Tumango ngang sagot ni Venice. "And she is blind."
Wh.. What!?
Paris is blind?