KABANATA 8

3470 Words
NAKARINIG ako ng mga boses na para bang nasa malapit ko. Ang alam ko ay natutulog ako kaya bakit may mga boses? Dahan-dahan akong dumilat at liwanag agad ang bumungad sa akin kaya pumikit muli ako at napakusot ng mata. Bumangon ako at kinapa ko ang salamin ko sa side table. Nang masuot ko ay tinignan ko ang nasa paligid ko at nagulat ako ng makitang napalibot sa akin ang mga kapatid ni Jace. "A-Anong.." "Hi, Nicole!" Napatingin ako kay Nana na nakasampa sa paanan ng kama at lumapit siya sa akin. Bigla niya akong dinamba ng yakap kaya napangiti ako ngunit naguguluhan ako kung bakit naririto sila? "Wala rito ang tukmol. Kaya nakabisita kami ngayon." Napatingin ako sa maputing kakambal ni Jace--Si Edward. "Nicole, I'm so excited to see my nephew." Tumingin ako kay Nana at hinaplos ko ang buhok nito pero tumingin muli ako sa mga nakakatanda niyang kapatid. "A-Anong kailangan n'yo sa akin?" Napatingin ako sa dalawang babaeng kambal. Ang isang ay tila mahiyain na mahinhin at ang isa ay tila siga pero chic. Ang ganda nila. "You know what, you need to change your style." sabi ng mukhang chic at maangas na babaeng kambal. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi ito at pumitik. Napakuno't noo ako at tumingin ako sa mga nagpasukang kasambahay. "Lahat ng baduy niyang outfit ay itapon n'yo. At ipalitan n'yo ng dala naming mga bago niyang isusuot." Naguluhan ako lalo na ng magtanguan ang mga kasambahay at lalo na ng magsilapitan ang mga ito sa closet na pinaglalagyan ng damit ko rito. Binuksan nila ang closet ko at lahat ng damit kong inayos ko pa ng pagkaka-hanger at tiklop ay pinagtatanggal nila. Kaya agad akong bumaba ng kama at lalapit na sana ako sa mga kasambahay para pigilan ang mga ito, ngunit napatingin ako sa dalawang kakambal ni Jace na lumapit sa akin. "Just relax, sister in law. Ang kailangan lang naman namin ay makita ang reaksyon ni Jace oras na makita ang pagbabago mo." "P-Pero 'wag ang mga damit ko.. Anong gagawin n'yo sa mga damit ko?" Ngumisi ang mga ito at namula naman ako ng gitgitin ako ng mga ito. "You two are so maniac. Leave Nicole to Kuya Jace." Napatingin ako kay Nana ng hilahin ako paalis sa dalawa niyang Kuya. "Tsk. Bakit ba sinama pa natin 'tong si Pandak? Panira lang 'to sa plano." sabi ni Edward. "You know, Brothers, we don't have a choice. She's the apple of us. So, she's the boss." Napatingin ako sa Chic ng sabihin niya iyon. Ngumiti at nag-thumbs up lang sa akin ang isang kakambal ng chic na hindi naman nagsasalita. Nahiyang nginitian ko ito pabalik at tumingin muli ako sa mga kasambahay na kinukuha ang mga damit ko. "'Wag ang mga damit ko, please. Importante sa akin ang mga iyan dahil gawa mismo ng Inay ko 'yan." Napatingin ako sa magkakapatid at nagkatinginan sila. Sabay-sabay silang nagbuntong-hininga. "Okay. Hindi namin itatapon ang mga damit mo, ipapatago na lang muna namin. Pero hindi mo isusuot ang mga iyan muli. Tsk, you need to pay me back, Harvy." Tumingin ako kay Hammer. Sa paraan ng pagsasalita niya ay para siyang si Jace. Siguro dahil pareho silang moreno kumpara kay Edward na maputi. Nakasalamin kasi siya at iba ang hair style kaya malalaman mo na siya si Hammer. Si Jace kasi ay nakataas ang buhok, kumpara kay Hammer na nakabagsak. "Ano 'yon?" Hindi ko kasi narinig rin ang huli niyang sinabi dahil tila sa sarili niya lang binulong iyon. "Do you want a trivia?" ngumisi ito. "Anong trivia?" "You know about the beast?" "Beast?" "Yup. Beast." Napakuno't noo ako sa sinabi niya. "H-Hindi ko maintindihan.." Nagkatinginan ang dalawa--Si Edward at Hammer. Hindi maganda pakiramdam ko sa dalawang 'to. Para bang may tinatago sa mga tinginan nila at ngisi. "Jace is a beast. But he needs to hide his other side because he's shy to show his feelings." sabi ni Hammer. "Sa gabi ay kaya niyang alisin ang hiya niya pero hindi sa umaga na nagtatago siya." Hindi ko sila maintindihan. Parang ang gulo pero bakit pakiramdam ko ay nakakatakot kapag nalaman ko. "Hindi mo pa rin naunawaan?" Tumingin ako sa Chic. Napailing ito. "Senyorito's, Senyorita's, pauwi na po si Senyorito Jace." Napatingin kami sa butler. Ngayon ay alam ko na ang tawag sa lalakeng nagdala sa akin sa kwarto ni Jace ng unang punta ko rito. Ito pala ang butler rito. "f*****g s**t!" Lalo akong naguluhan ng tila hindi sila napalagay. "We have to go. Alisin n'yo lahat ng damit niya at ipasuot n'yo ang lahat ng binili namin. Lagi n'yo rin siyang aayusan at pakinisin n'yo pa ang kutis niya." bilin ni Chic, "'Wag na 'wag mong sasabihin kay Kuya Jace na nagpunta kami rito at kami ang may pakana nito." baling niya sa akin. Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis na nag-alisan ang mga ito pwera kay Nana. Nakahalukipkip lang ito habang nakatingin sa mga kapatid niyang mga nagsialisan. Napailing ito. "Tsk. They are liar." "Huh?" Tumingin ito sa akin. "My brothers and sisters. Naniniwala ka ba sa kanila?" Napaisip ako. "Open your eyes. Kuya Jace is not Kuya Jace like masungit. He's torpe kaya and..." "Nana! Let's go!" Bumalik si Chic niyang kapatid na babae na may kakambal na tahimik. Tinakpan nito ang bibig ni Nana at binuhat niya. Ngumisi pa ito sa akin at saka umalis na buhat si Nana na nagpupumiglas. Naguluhan ako sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang trip nila. Napahinga ako ng malalim at napatingin ako sa mga kasambahay na nagsilapitan sa akin kaya napaatras ako. "T-Teka.. A-Anong gagawin n'yo sa akin?" "Sinusunod lang po namin ang pag-uutos ng mga Senyorito at Senyorita. Pasensya na po, Ma'am." Napatili ako ng hawakan nila ako. Pinagtulungan nila ako na hubarin ang suot ko. Napatakip ako ng katawan ko ng maalis nila ang suot ko. Tanging mga babae naman sila pero sobrang-sobra akong nahihiya. "Tigilan n'yo ako. Akin na 'yang damit ko." Imbes na pakinggan ako ay may isang kasambahay na lumapit sa akin at tinapat sa katawan ko ang isang sexy na red dress. Umiling ako pero ngumiti ito at binigay sa isang kasama niya ang dress. Inalis nila ang bra ko kaya lalo akong nahiya. Hindi ako makapalag dahil ang dami nila. Sinuot nila sa akin ang damit kahit pumapalag ako. Wala akong pagpipilian dahil gusto kong matakpan ang dibdib ko. Napatakip pa rin ako ng dibdib dahil wala akong bra at halos kita ang cleavage ko sa klase ng dress. Ang likod ay backless at ang sumusuporta ay ang tanging mga strap para kumurba sa katawan ko ang dress. Fit rin ang skirt nito na hanggang tuhod ko. Hindi ako sanay at tila ako nanlalamig sa nipis ng tela. May nilapag sa paa ko na isang flat sandals. Sinuot nila sa mga paa ko iyon. Para akong manika na binihisan nila. "Halika na po rito, Miss. Aayusan namin kayo bago pa dumating ang Senyorito Jace." "A-Ano ba kasi ito? Ayoko nito. Nasaan ang damit ko? Please, 'wag n'yo naman gawin sa akin ito." "Sinusunod lang po namin ang mga Senyorito at Senyorita. Kami po ang matatanggal sa trabaho kapag hindi namin ito ginawa." Nakita ko na totoo ang sinabi nila. Hindi na ako nakapalag ng akayin nila ako sa harap ng tukador at pinaupo sa upuang malambot roon. Napapikit ako ng alisin nila ang salamin ko kaya agad ko silang pinigil. "'Wag naman 'to. Ayokong mag contact lens." Nagkatinginan sila at tumango ang tila mataas sa kanila. "Aalisin lang po namin, Miss, at ibabalik rin namin." Napahinga ako ng malalim at tumango. Wala na akong magagawa kundi ang hayaan sila. Hindi ko alam ang pumapasok sa isip ng mga kapatid ni Jace kung bakit nila ginagawa ito. At pakiramdam ko ay masyado silang maraming sekreto at tila sila enjoy na enjoy na parang naglalaro. Pumikit ako ng ayusan nila ako. Ginalaw nila ang buhok ko at inayos na papusod ngunit alam ko na sa magandang pagkakapusod. "Maganda sana kung contact lens, Miss. Original naman ang mga ito at binili ng mga Esteban sa ibang bansa." Sinuot ko ang salamin ko at tinignan ko sa salamin ang ayos ko. Napamaang ako dahil bakit parang may ibang babae sa salamin. Pero dahil sa salamin sa mata ay nalaman ko na hindi ako namamalik-mata na ako nga ang nasa salamin. Kung hindi dahil sa salamin sa mata ko ay ayos na sana. Parang ako na hindi ako. "Miss, tumayo po kayo ng makita n'yo ang buong sarili n'yo." Inalalayan nila ako sa pagtayo at nang makatayo ay lalo akong napamaang bago napatakip sa dibdib ko. Napaka-sexy ng ayos ko at pakiramdam ko ay hindi ko nakikita ang dating mukhang manang. Para akong nagmukhang bata ngunit may pagka-Laetitia Casta. "Seniorito is here." Napalingon kami sa butler. At agad itong yumuko pagkakita sa akin. Tumingin ako sa mga kasambahay at napahinga ako ng malalim. Nakatakip ako sa dibdib ko bago lumakad ng dahan-dahan habang ilang na ilang sa suot at ayos ko. Lumabas ako ng kwarto at sumunod sa butler. Nang makarating kami sa sala ay iniwan na ako ng butler. Napatingin ako kay Jace na nakatalikod habang hawak niya ang phone niya at nakatapat sa tainga inya. "f**k! Answer my call, Hammer." Napakuno't noo ako. Humarap siya at napatingin sa akin. Nagulat siya at nabigla ako ng agad siyang tumalikod. May kinuha siya sa lamesa at nalaman ko na lang na sumara ang lahat ng kurtina dahilan kaya nagdilim ang buong paligid. "N-Nandito ka pala." Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Saka parang nakakapanibago ang tono niya. Nandoon nga't masungit siya pero para siyang nautal. "Anong pinagsasabi mo?" tanong ko. Humarap siya sa akin at hindi ko maaninag ang mukha niya. Napalunok ako ng lumapit siya ng kaunti. "Anong klase bang suot 'yan, ha? Sinusubukan mo bang mang-akit ng ibang lalake?" Napamaang ako sa bintang niya. "Hindi naman ako.." Napahinto ako ng maalala ang sinabi ng isa niyang kapatid na babae. Nawala ako sa iniisip ko ng lumakad pa siya palapit sa akin. Napalunok ako at kumabog ang dibdib ko. Napaatras ako pero agad akong napalapit sa kanya ng hapitin niya ako sa baywang. Halos wala ng space sa pagitan namin. "T-Teka, bakit ba nagtatanong ka? 'Di ba wala ka naman pakialam sa akin? Saka bitawan mo nga ako." "Don't ask me that question. Ang tanong ko ang sagutin mo. May ibang lalake ka bang gustong akitin, ha?" Tinignan ko ang mukha niya at napatingin ako sa kurtina ng magbukas ito. Napatingin muli ako kay Jace at napamaang ako. Naitulak ko siya palayo sa akin kaya nabitawan niya ako. "H-Hindi ikaw si Jace!" Nagulat siya at tila ngayon niya lang napansin na lumiwanag na dahil sa pagbukas ng kurtina na aksidente niyang napindot ang remote dahil sa pagdiin ng kamay niya sa likod ng baywang ko. Agad siyang tumalikod at pinindot muli ang remote para magsara ang kurtina. Lumapit ako sa kanya at inagaw ang remote. Binuksan ko ang kurtina at hinarap ko siya sa akin. Napatakip ako ng bibig. Inalis ko ang salamin ko at malabo man pero kita ko ang Jace na nakatalik ko kagabi. Nang isuot ko ang salamin ko ay hindi siya ang Jace na masungit. "A-Anong ibig sabihin nito?" "Jace.." Napalingon ako sa tumawag sa kanya at nakita ko si Hammer. Lumapit ito sa amin at tumabi kay Jace. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at inalis ko ang suot niyang salamin. Tinaas ko ang style ng buhok niya at napaiyak ako ng makita na gayang-gaya niya si Jace. Tumingin ako kay Jace at binaba ko ang buhok niya. "N-Niloko n'yo ako!" "Let me explain, Honey!" "Honey mo mukha mo!" Sinampal ko siya at sinampal ko rin si Hammer na ngumingisi pa. Hinagis ko sa sahig ang salamin at umalis ako sa harap nila. Nagmadali akong umakyat sa taas. Pagdating sa kwarto ay ni-lock ko ang pinto. Napasandal ako sa pinto at napahagulgol bago napasadsad at mapaupo sa sahig. Paanong nangyari hindi ko man lang nahalata kung sino si Jace at Hammer? Nung nag one night stand kami ay side lamang ng mukha ni Jace ang nakita ko. Nung ipakilala siya na boss ay tiyak na si Hammer iyon. Sa pool sa Jara, si Hammer din. Napasabunot ako sa buhok ko habang para akong mababaliw sa ginawa nila. Ang nagpakidnap sa akin, Si Jace ba 'yon o si Hammer? Hindi ko alam ang iisipin dahil parang sasakit ang ulo ko. Dapat ay nakinig ako kela Inay. Sana ay hindi ako nagtiwala sa mga Esteban. Tumayo ako at lumapit sa closet. Pagbukas ko ay nakita ko ang mga damit na binili sa akin ng mga Esteban. Puro sexy dress iyon kaya pumili na lang ako ng matinong damit. Nang maisuot ang pantalon na hindi ako sanay dahil nakasanayan ko ang palda, maging ang white t-shirt na kita ang braso ko, kaya nailang rin ako. Pero mas maayos na ito. Nang makapagbihis ay kinuha ko ang bag ko at sinilid sa bag ang scrap book ko at iba pang gamit na nadala ko rito. Anong saysay pa ng pananatili ko kung pinagloloko lang pala ako? Ang tanga-tanga ko naman para hindi malaman ang lahat! Nakakainis! Bitbit ang bag na lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko pa sa sala ang dalawang manloloko pero hindi ko na pinansin at dere-deretso ako sa paglalakad patungong main door. "Honey, let me explain." Nakasunod sa akin si Jace or whatever. Hindi ko ito pinansin at binuksan ko ang pinto ng makarating ako sa main door. Pagbukas ko ay bumuluga sa akin ang mga bodyguard na nakaharang sa pinto. "Anong ginagawa n'yo d'yan? Umalis nga kayo!" "Honey.." Lumingon ako kay Jace at hinawi ko ang kamay niya ng humawak siya sa kamay ko. Humarap muli ako sa mga bodyguard pero nabitawan ko ang bag ko at nagulat ako ng pangkuin ako ni Jace. "Bitawan mo ako!" Sinampal ko siya pero napatigil ako ng mapatiim-bagang siya. Nang makarating sa sala ay inupo niya ako sa isang sofa at naupo siya sa katabi ni Hammer. "Bakit n'yo ako niloko, ha?!" "I told you.." Tumingin ako kay Hammer na cool na cool sa pag-upo tila ba hindi guilty sa ginawa nilang magkapatid. "Ikaw ang nagsabi na ipalaglag ko ang anak ko?" "Yup." Napakuyom ako ng kamay. Tumingin ako kay Jace na umiwas ng tingin. "Bakit n'yo ginawa ito sa akin, ha?" "Well, dahil gusto ka lang naming subukan. Dahil mahiyain ang brother ko para mismong gumawa ng moves, edi tinulungan ko siya." Hindi ako makapaniwala. Grabe. Hindi ko alam kahit hindi si Jace ang nagsabi na ipalaglag ang baby namin pero sobra akong nagagalit sa kanilang dalawa. "Alam rin ng parents n'yo ito?" "Well nung una si Dad alam ito, pero hindi si Mom. Nilihim namin ito sa kanya pero nalaman din niya agad." "Ang sama-sama n'yo." Tinignan ko sila ng masama at napaiyak ako. "Well, I'm sorry. I'm just helping my brother. But not this time." Tumingin ako kay Hammer na tumayo at lumipat ng upuan sa tabi ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at baba ko para ipatingin sa kanya. "If you don't mind, you can love me and I swear that I'll never hurt you again." "Bullshit!" Nagulat ako ng kwelyuhan siya ni Jace at tinayo. Natakot ako ng makita na nagdidilim ang mukha niya. "What are you saying, ha, brother?" matigas na tanong ni Jace. Ngumisi si Hammer. "Lagi mo kasi sa akin inaasa ang lahat. Pati paghiga sa tabi niya matapos na mayroong mangyari sa inyo ay pinapagawa mo pa sa akin. Hindi mo ako masisisi na magustuhan ko din siya." Napatayo ako habang napapamaang. "f**k you!" Napasinghap ako ng sapakin ni Jace si Hammer. "She's mine! She's mine!" "Tama na! Ano ba!" Hindi ko alam ang gagawin ng pareho na silang magkasakitan. "Butler Jun! Mayordoma!" sigaw ko. Nais kong patigilin sila pero natatakot ako na baka ako ang masapak. Pareho silang matibay at ayaw magpaawat. Nagulat ako ng maglapitan ang mga bodyguards. At napatingin ako kay Sir Jam na seryoso ang mababakas sa mukha. Nang mapahiwalay ang dalawa at maiharap kay Sir Jam ang dalawa ay nagulat ako ng bigyan niya ang dalawa ng baril. "Gusto n'yong magpatayan, sige, doon kayo sa labas at hahayaan ko kayo." Kumawala si Hammer sa bodyguard at dere-deretso siyang umalis. Pumalag rin si Jace at nakawala naman siya. "Mang-aagaw siya! I trust him but f**k! He likes my wife too." "Stop it, son." Huminga ako ng malalim dahil hindi ko na kaya 'to. "Sir.." Napatingin ito sa akin maging si Jace. "Pinuputol ko na ang kasunduan natin at maging ang kasal namin. Hindi naman siguro kayo tatanggi dahil niloko n'yo rin ako." "No, you can't!" Napatingin ako kay Jace at lumapit siya sa akin. "You can't do that. You are mine." Natawa ako ng pagak at sinampal siya. "Kaya ko. At ayokong mapasama sa baliw na katulad n'yo. Tigilan muna ako, ha? Ayoko ng makita ang pagmumukha mo." Matapos kong sabihin iyon at umalis ako sa harap niya at mabilis na naglakad. Nakita ko na hawak ng isang bodyguard ang bag ko kaya kinuha ko iyon. Dumeretso ako palabas at napaiyak ako habang mabilis na tinatahak ang kahabaan ng bahay hanggang makarating sa gate. Walang bantay kaya binuksan ko ang gate. Mabilis akong lumabas at napapunas ako ng luha. Walang dumadaan rito na sasakyan dahil private property kaya naglakad ako sa natatandaan kong daan palabas nito. Habang naglalakad ay hindi ko pa rin maisip na hahantong ako sa ganito. Para akong nabudol-budol. Hindi ko alam kung paano ko i-e-explain kela Inay ang lahat pero wala akong ibang uuwian kundi sila. Sumakay ako ng taxi pagdating sa main road. Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana. Inalis ko ang salamin ko sa mata at napapunas muli ng luha. Napatingin ako sa salamin ko at dapat ko na sigurong palitan ito. "Miss, narito na tayo." Tumingin ako sa taxi driver at nagulat ako ng makita si Cielo. "Ikaw na naman." "Ako nga. Sumakay ka ng hindi man lang ako napapansin." Nahiya ako dahil kanina pa siguro niya pinapanood ang pag-emote ko. "Sorry. Sandali lang, kukuha lang ako ng pambayad sa loob." "Hindi, ayos lang. Saka muna lang ako bayaran kapag maniningil na ako." "Huh?," Ngumiti siya. Bumaba ako ng taxi niya na naguluhan sa paglibre niya sa akin.. Nakiba't-balikat ako at humarap sa bahay. Namiss ko ito kahit ilang araw lang akong nawala. Binuksan ko ang gate at pumasok ako. Sinara ko rin pagkapasok ko at tumingin muli ako sa bahay. Huminga ako ng malalim at saka naglakas-loob na tunguhin ang bahay. Pag-akyat ko sa taas ay nakita ko sila na busy sa pananahi. Pumasok ako at napatingin sila sa akin. "Inay, mga Tiya, I'm sorry po. Patawarin n'yo po ako kung hindi po ako nakinig sa inyo." Tumayo si Inay at lumakad palapit sa akin. "Bakit ka narito bata ka? Bumalik ka doon sa asawa mo at baka hinahanap ka no'n. Dali!" "Inay? Ayoko po... Nakipaghiwalay na po ako sa kanya." Napangiwi ako ng kurutin niya ako sa singit kaya lumayo ako. "Ano? Nakipaghiwalay ka, Nicnic? Bakit?" tanong ni Tiya Rosalinda. "Bakit naman po parang gusto ny'o akong ipamigay sa baliw na 'yon? Ayoko na po do'n." "Bumalik ka, Anak. Nalaman namin na sa mga Esteban galing itong kinikita namin kaya sobra kaming nahiya sa inasta namin sa kanila nung nakaraan, at hindi tuloy kami nakadalo ng kasal n'yo. Kaya bilang ganti ay aprubado na namin ang pagpapakasal mo sa anak ni Mr. Jam." Umiling ako. "Ayoko po! Ayoko na! Ayoko na!" Pagkasabi ko no'n ay mabilis kong tinungo ang kwarto ko. Agad kong ni-lock para hindi mapasok nila Inay. Napasabunot ako sa buhok ko. Nagulat ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Kinuha ko sa bag ko at tinignan ang tumawag. Hindi nakarehistro kaya sinagot ko. "Hello?" (I'll fetch you, Honey. You need to come back home.) Lalo akong nanggigil sa galit ng marinig ko ang boses ng hinayupak na lalakeng iyon. "Tigilan mo ako, puwede ba?! Hindi na ako babalik at 'wag na 'wag mo akong matatawag na honey dahil hindi ako pulot!" (Hindi kita titigilan. Alam mo, dapat talaga hindi na ako naduwag para makuha ka lang. Ngayon ay gagawin ko na ang sarili kong paraan. Hinding-hindi na ako magpapatulong sa kakambal ko. Kaya humanda ka, dahil papunta na ako d'yan. Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba sa akin. Lalo na ng kapatid ko.) Napamaang ako at napatingin ako sa phone ko ng babaan na niya ako. Napalunok ako at kinabahan. Napapikit ako at napasabunot sa buhok ko bago napaupo. Para akong masisira ng ulo ngayon. Parang gusto kong patayin ang baliw na iyon. Matapos akong lokohin ay ngayon nagbabanta na siya. Anong akala niya na uubra sa akin iyon? Pwes! Nagkakamali sya! © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD