KABANATA 9 PART 1

3033 Words
"BESSY!!!" "Beth!" MASAYANG niyakap ko si Beth ng makita ko siya sa muling pagpasok ko sa Jara World. Sobra ko ring na-miss ang lukaret na ito dahil lamang sa pag-iwas na mapag-usapan ang pagpapakasal ko sa boss ko--s***h-- baliw na Esteban na 'yon. "Bes, bakit ngayon ka lang nagpakita? At naka-uniform ka na...you mean?" Napatango ako at napangiti. "I'm back! Dito talaga ako at gusto ko talagang mag-trabaho rito." Nagtaka naman ako ng humalukipkip siya at pinagtaasan ako ng kilay. "Wait.. How about your rich husband? Magwo-work ka pa rin dito kahit rich ang napangasawa mo? At sino nga ba ang asawa mo?" Napakamot naman ako sa kilay ko at hindi makatingin sa kanya. "Bes, 'wag na natin pag-usapan iyon. End na kami no'n." "WHAT?!" Agad ko siyang sinuway dahil talagang grabe ang naging reaksyon niya. Mabuti na lang at kami pa lang ang narito sa locker room. "'Wag ka ngang maingay.." "Pero kakakasal mo pa lang base sa sinabi mo sa phone. Tapos end na agad? Ganun-ganun kabilis, Bes?" Binuksan ko ang locker ko at nilagay ang bag ko doon. "Basta wala na.. Kaya kailangan kong makaipon ng pera para sa baby ko." Nang humarap ako muli sa kanya ay nahigit ko ang hininga ko ng makita ang mapanghinala niyang tingin. "Kung wala na, bakit ayaw mo pa ring sabihin ang name ng guy? May tinatago ka pa rin sa akin, Bessy?" Napapikit ako at agad ring dumilat bago siya tignan. "Beth, sinaktan ako. Inalipusta. Tingin mo ay kakayanin ko pang banggitin ang name niya? Hindi, Bes. Sobrang sakit at ayoko ng maalala siya." Bigla naman ay nag-iba ang reaksyon niya at naawa na siya sa akin. Napa-cross finger ako sa likod ko. Sorry, Beth, pero ayokong malaman mo na asawa ko pa rin ang mismong boss natin. "Kawawa ka naman pala, Bes. Sorry. Promise hindi ko na uusisain iyon." Tumango ako at kunwari nagpahid ng luha.. Naalala ko ang lahat bago ako nakabalik rito sa Jara. Dahil sila Inay mismo ay pinagtulakan ako sa baliw na Jace iyon ay wala akong choice kundi ang sumama ng sunduin ako nito. Pero hindi ako papayag na ganun-ganun na lang. Hiniling ko rito na pabalikin ako sa Jara. At pumayag naman agad. Tapos hiniling ko rin na walang makakaalam na mag-asawa kami. Na 'wag siyang lalapit sa akin kapag may ibang tao. Na sasahuran niya pa rin ako. At sa bahay ay 'wag siyang tatabi sa akin kaya hiwalay kami ng higaan. Lahat ng kahilingin ko ay binigay ni Jace. Dahil base sa naalala kong sinabi ng mga kapatid niya ay sobra siyang mahiyain at torpe daw. Hindi ko alam kung bakit at nagustuhan ba talaga ako no'n, pero hindi ko akalain na umepekto. Kaya ngayon ay nakabalik na ako rito. Sabay kaming lumabas ni Beth ng locker room para magtungo sa front desk dahil may kukunin kaming susi. Napatingin ako sa pumasok sa lobby at agad akong napaiwas ng tingin ng makita si Jace. Hindi si Hammer ang namamahala ng Jara dahil si Jace talaga. Si Hammer ay pinalayo muna at hindi ko alam kung saan ito pinatapon ng ama nito. Pero ayos na iyon, dahil sobra akong na-trauma at baka mamaya ay niloloko na naman ako ng dalawa. "Susi nga sa room 307 at swimming pool area." "Bes.." "Oh." hindi ko tinignan si Beth dahil lumalagda ako sa key book. "Bes, nakakatunaw, nakakalambot, at nakakapanglaway.." "Huh?" Tinignan ko siya at nakatingin sa isang dereksyon. Tinignan ko ang tinitignan niya at lihim na nasamid ako ng makitang palapit rito si Jace. Agad akong tumalikod at binilisan ang pagpirma. 'Wag siyang lalapit at kakausapin ako, dahil yari siya sa akin! "I want the v.i.p room." Nasa likod ko siya at halos manigas ako. "H-Hi, Sir." bati ni Beth na nauutal pa. "Hi.." bulong niya sa akin at talagang ginitgit niya ako na alam ko na sobra ng halata nila Beth. Umubo ako ng malakas at agad na lumayo. Inayos ko ang salamin ko at nanlalaki ang mata na tumutok sa key book na hindi ko matapos-tapos lagdaan. "Okay Sir, the V.I.P room is available for you." "Okay. Send me the towel, ha?" Kinalabit niya ako kaya inis na nginitian ko siya at tinignan pero hindi ko pinahalata dahil tiyak na makakahalata sila Beth. Ano ba ang nakain nito? Akala ko ba mahiyain? Bakit parang hindi niya sinusunod ang hiling ko? "I'm busy, Sir." mariin kong sabi. "Uh, Sir, ako hindi. Free massage din if you want." singit ni Beth. "No, I want her.." Bago siya tumalikod ay dinilaan niya ang ibabang labi na kay pula. Napakuyom ako ng kamay. Umalis ito at sumunod agad ang mga manager ng Jara World sa kanya. "Oh em gee! Ang tambok-tambok ng puwet ni Sir kahit naka-slacks siya. At ang bango-bango parang gusto kong singhutin." Pilit akong ngumiti at tinapos ko ang pinirmahan ko. "Bes, alam mo, parang may diin ang 'I want her' ni Sir sa iyo? Shet. Parang ang wet no'n." Napapikit ako at tinignan si Beth. "Ikaw na lang ang pumunta. Sabihin mo ay masama ang pakiramdam ko." "Huh? Pero ikaw nga ang gusto? Gusto mo bang ma-fire ako?" "Ikaw, ma-fire? Maniwala ako sa iyo. Sige na, ikaw na lang, please?" Tinignan niya ako at napaisip pa siya. "Sige." Napailing ako at napangiti. Pero naisip ko muli ang ginawa ng siraulong iyon. Talagang nais niyang malaman ng Jara ang tungkol sa amin. Hindi puwede! Ayoko! Inuna ko muna ang isang room na lilinisin ko para bago mag break time ay malayo-layo ako at nasa pool ako. Mas ayos na iyon. Nag-abang ako sa tapat ng elevator para makaakyat sa third floor.. Nang bumukas ay tinulak ko ang cart papasok at saka ko tinignan ang nasa loob. Napahinto ako at nagulat ng makita si Jace. "Miss, sasakay ka ba o hindi?" Hindi ko alam ang gagawin dahil nakapasok na ang cart ko. Kaya pumasok na ako. Mahigpit akong nakahawak sa cart ko ng makatabi ko siya. Mabuti na lang wala siyang imik. Kaya ng bumukas muli ang elevator dahil nasa third floor na ay makakalabas na ako. "Excuse me.. Excuse me.." Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag. Nilingon ko pa ang elevator at nakiba't balikat ako. Saang floor kaya papunta iyon? Ah, baka sa V.I.P room. Tinungo ko ang room na lilinisin ko at madali lang ngayon dahil hindi naman makalat ang huling gumamit.. Linis, vacuum, palit ng cover ng bed, at punas ng mga bintana't mga table ang ginawa ko. Medyo napagod ako ngayon dahil nahinto rin ako rito sa ginagawa ko at tila hindi nasanay ang katawan ko sa paghilata. Pero ayos lang dahil magagaang naman itong pinapagawa. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng room. At tinungo ko naman ang private pool area. Kinuha ko ang panlinis ng pool at inalis ang mga dumi na maaaring makabara sa drain ng pool. Pero nabigla ako ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw. Dahil hindi naman nasisinagan ng araw ang mala olympics swimming pool na ito kaya sobrang dilim. Binitawan ko ang hawak kong panlinis at gamit ang paa ay nangapa ako. Pero bigla akong nadulas ng may maapakan ako. Napapikit ako at napasinghap ng may yumakap sa katawan ko bago ko maramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa tubig. Napakapit ako sa yumakap sa akin at nang makaahon sa tubig ay buhay na ang lahat ng ilaw. Napahilamos ako at inayos ko ang salamin ko na mabuti't hindi nalaglag. Malabo ang salamin ng mata ko dahil may tubig pero nang maalis ang kaunting tubig ay nakita ko ang hindi ko inaasahan na narito. "A-Anong?" "Someone trying to push you." Napalayo ako sa kanya dahil sobrang lapit ang katawan namin ni Jace. Pero napahawak muli ako sa kanya dahil naalala ko na hindi nga pala ako marunong lumangoy. "Iahon mo ako." Tumingin siya sa akin at naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. "Kiss me first." Napamaang ako sa sinabi niya. Tinulak ko siya palayo sa akin kaya napapikit ako ng lumubog ako. Pero napasinghap ako ng hawakan niya muli ako. Napatingin ako sa kanya. "Hindi tayo aalis hangga't hindi mo ako hinahalikan." "Bakit naman kita hahalikan? Ano ka hilo? Pagkatapos mo akong linlangin at gamitin ang katawan ko habang nililinlang ako ay ngayon ikaw pa ang magde-demand ng kiss para masagip ako." Binitawan niya ako kaya hinampas ko siya at napayakap ako sa leeg niya. Ngumisi siya kaya kumabog ang dibdib ko. "Okay. We need to stay here." Talagang sinusubukan ako ng lalakeng ito. Huminga ako ng malalim at napakuyom ang kamay kong nakakapit sa leeg niya. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. "Not my cheeks. I want you to kiss me on my lips." "Hinalikan na kita kaya tulungan muna akong umahon." Umiling siya at binitawan ako ng dahan-dahan kaya inis na tinignan ko siya. Mabilis na lumapat ang labi ko sa labi niya. Aalisin ko na sana ngunit napasinghap ako ng hawakan niya ang ulo ko at hindi pinakawalan ang labi ko. Naramdaman ko ang isang kamay niya sa likod ko at napapikit ako ng tuluyan niyang sakupin ang labi ko. Pero nang maramdaman ko ang pagbaba ng kamay niya sa pang-upo ko ay agad kong pinilit na makabitaw sa labi niya. Hingal na hingal na tinignan ko siya ng masama. "Iahon mo na ako." mariin kong sabi. Ngumisi siya at hinatak ako patungo sa gilid ng pool. Nang makalapit kami ay agad kong tinulungan ang sarili ko na makaahon. Piniga ko ang buhok ko at agad akong umalis dahil nakakabanas siya. Nagulat pa ako ng paglabas ko ng swimming pool area ay nakita ko si Sir Louie. "Oh, bakit basang-basa ka?" "Ah, namatay po kasi ang ilaw at nahulog po ako sa pool." Napatango siya. "Sige po, magpapalit lang po." Hindi ko na hinintay ang tugon ni Sir Louie at agad na akong naglakad kahit nakayapak lang ako. Nakalimutan ko pang kuhanin ang sapatos ko. Napahinga ako ng malalim at kahit pinagtitinginan ako dahil basang-basa ako ay hindi ko pinansin. Napakaisip-bata niya at akala niya ay nakakatuwa ang ginawa niya. Pagdating sa locker ay nilabas ko ang extra uniform. Mabuti na lang at nagdala ako ng extra maging panloob. "Nicole, pinabibigay sa iyo mula sa HR." Napatingin ako kay Jane, at hawak nito ang towel at extra t-shirt and pants na give aways ng hotel. "Naku, ayos na, may dala ako." "Kunin muna at nakuha na ito sa stock room." Tumango ako at kinuha ko pa rin. Umalis si Jane para siguro bumalik sa ginagawa niya. Napahinga ako ng malalim at lumapit sa locker ko. Ilalagay ko sana ang give aways shirt and pants sa locker ngunit napatingin ako sa paanan ko ng may mahulog. Isang maliit na papel. Pinulot ko ito at tinignan. Nang buklatin ko ay may nakasulat. Rooftop, tomorrow, 6 pm. Napakuno't noo ako dahil bakit may ganitong sulat. Kanino naman kaya galing ito? Nakiba't balikat ako at sinuksok ko sa mga papel na nakadikit sa locker ko ang papel. Napatingin ako sa ibang papel at napansin ko na parang parehas ng sulat ang papel na nalaglag at ang papel na naipon ko na palagi kong nakikita sa locker ko. Hindi alam ni Beth ito dahil hindi naman niya napapansin. Pero mula pa lang ng magsimula akong pumasok sa Jara ay lagi nang may sticky note paper na may nakalagay sa locker ko. Binansagan ko nga na Mr. Admirer iyong sender dahil kapag nakakakuha ako ng sulat na puro sweet message ay siya agad ang naiisip ko. Pero ngayon ay iba. Pinapapunta niya ako sa rooftop bukas at sakto iyon dahil tapos na ang shift ko. At ibig sabihin ay maaari ko na siyang makilala kung sino nga ba siya. Hindi naman sa masyado akong desperada noon kaya kilig na kilig ako dahil may nakapansin pala sa akin. Pero sino ba naman kasi ang hindi aasa kung palaging sweet ang message niya. Napangiti ako at sinara na ang pinto ng locker ko. Nag-retouch ako at pinatiyo ang buhok ko bago pinusod at lagyan ng hair net sa pagkakapusod ko. Napatingin ako sa paa ko at naalala ko naiwan ko nga pala sa swimming pool ang sapatos ko. Tapos kailangan kong tapusin agad ang paglilinis doon dahil baka mayroon nang gumamit. Napahawak ako sa tiyan ko at mabuti hindi ako napahamak sa kalokohan ni Jace. Napailing ako at kinuha ang luma kong sapatos na naiwan pa rito. Kasya at ayos pa naman kaya carry lang. Lumabas ako ng locker room at tinungo muli ang swimming pool area. Nakahinga ako ng maluwag ng wala na doon si Jace. Pero wala na doon ang sapatos ko. Saan naman kaya dinala ng baliw na 'yon? Saka parang nalinis na ang swimming pool dahil wala ng dumi at parang napalitan na rin ang tubig. Lumakad ako palapit sa sun-lounger at naupo. Napahawak ako sa tuhod ko at napatingin sa parte kung saan kami nahulog. Napahawak ako sa labi ko at talagang si Jace lang ang nakakahalik sa akin. Inaamin ko na para akong nakaramdam ng elektrisidad ng sakupin niya ang labi ko. At napakalambot ng labi niya. Napapikit ako ng may biglang humalik sa akin kaya nasampal ko 'to. Nagulat ako at napatingin kay Jace na nakangisi habang nakatitig sa akin. Napaliyad ako at napaatras ng upo ng ipatong niya ang mga kamay sa inuupuan kong sun-lounger. "A-Ano ba!" Tinulak ko siya pero hindi siya natinag.. Napaliyad pa ako at napaidtad ako ng mapahiga na ako ng tuluyan. Napapikit ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin. "Bes!" Napadilat ako at napakurap pa ako habang nakatingin kay Beth na naguguluhan na tinignan ako. "Bes, para kang tanga." "Huh?" Tumingin ako sa paligid para hanapin si Jace. Nang wala akong makita ni anino nito ay napahawak ako sa mukha ko at tinapik. Nahihibang lang ba ako? Napapikit ako at napapalo sa noo ko dahil bakit na-imagine ko iyon? Nakakahiya! "Bes, ayos ka lang?" Tumayo ako at inayos ko ang salamin ko habang lihim na pinapakalma ang sarili. "O-Oo, ayos lang ako.. B-Bakit ka nga pala narito?" "Lunch break na, Bes." "Uhh..oo nga pala!" Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya nag-piece sign ako sa kanya. "Ay naku, ewan ko ba sa iyo. Para kang laging lutang ngayon." Nauna na siyang lumakad kaya napabuga ako ng hangin at sumunod sa kanya. Umiling-iling ako at kinalimutan na iyon. Hindi ako nahihibang kay Jace. Hindi. Inis na inis ako doon at never akong mahihibang sa kanya. Tinungo namin ang cafeteria para sa mga empleyado nitong hotel. Binati ako ng mga hindi pa nakakaalam na nakabalik na ako. Nginitian ko sila at pumila kami ni Beth para makakuha ng pagkain. "Alam mo, Bes, pagdating ko sa V.I.P. room ni Sir ay wala naman akong naabutan. Kaya wala rin. Sayang." Naisip ko na kaya siguro hindi naabutan ni Beth si Jace ay dahil nasa swimming pool ito. "Baka nasa office pa niya." "Baka nga.." Kumuha kami ng tray at naglagay ng mga nakahaing pagkain. Kumuha ako ng isang cup of rice, isang bowl ng corn soup, adobo, at saging. Saka ng buko juice. Busog naman ako kahit ganito lang. Naghanap kami ng table na bakante at nakakita naman kami. "Ang sarap ng mga pagkain ngayon. Tiyak na mabubusog ako nito." Ngumiti ako at tumango kay Beth. Humigop ako ng corn soup at napatango ako dahil ang sarap. "Excuse me, puwedeng maki-share ng table sa inyo, guys?" Napatingin kami sa nagsalita at pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko ng ngumiti si Sir Louie. Gwapo at napakabait nitong si Sir Louie. Napakalinis niyang tignan at ni minsan ay never pa siyang nagsungit bilang manager ng hotel. Sinipa ni Beth ang paa ko sa ilalim ng lamesa ng tumabi sa akin si Sir Louie. Para naman akong hindi makahinga dahil ito ang unang beses na nagtabi kami sa upuan. Sinipa ko pabalik ang paa ni Beth at nginitian si Sir Louie ng tumingin ito sa akin. "Ayos ka na ba, Nicole?" "O-Opo, Sir." "Drop that sir. Louie na lang." Impit na tumili si Beth kaya pinanlakihan ko ito ng mata ng mapatingin sa kanya si Sir Louie dahil sa reaksyon niya. "Ayos ka lang, Miss Santos?" "Yes, Sir. Ah, Sir, bakit Nicole lang ang tawag n'yo kay Bes? Sa amin sa surname?" Sinipa ko ang paa ni Beth dahil tinanong pa niya iyon.. Napatingin ako kay Sir Louie na natawa. "Ganoon ba.. Komportable kasi ako sa pangalan niya." Ngumiti sa akin si Beth at tumaas-baba ang kilay bago siya mapalumbaba at tinignan kami ni Sir Louie. "Ah, Sir, may girlfriend na kayo?" "Wala pa." Ngumisi si Beth kaya napailing ako sa kanya at kumain na kahit parang nahihiya akong kumain. "Wala PA? May PA talaga? Ibig sabihin, Sir, may nagugustuhan ka at nais mong maging girlfriend?" Natawa si Sir Louie. "Madaldal ka pala, Miss Santos." "Ayaw sagutin ni Sir. Bakit Sir, nasa tabi-TABI lang po ba?" Hindi ko na talaga ma-take si Beth. Sobra na akong nahihiya dahil halatang ilang na rin si Sir. "Beth, ano ka ba, kumain ka na nga lang." "Bakit, masama ba? Curious lang ako. Sa kagaya ni Sir ay nakakapagtaka na wala pa siyang GF." "Actually... I like someone but I don't know how to tell my feelings for her." Impit na napatili si Beth at tinignan ako bago kindatan. Hindi naman ako mapakali dahil inaamin ko na may crush ako kay Sir Louie. Hindi naman ako nag-a-assume pero hindi ko mapigilan na kiniligin dahil na rin sa panunukso ni Beth. "Baka naman kasi, Sir, hindi man lang kayo gumagawa ng moves?" "Actually, you are right." Napahimas ng batok si Sir at pasimpleng tinignan ko ang mukha niya. Umiwas agad ako ng tingin at tumingin sa pagkain ko. Napangiti ako na sinubo ang saging pero nabitin ako sa pagkagat ng mapatingin ako sa bintana ng cafeteria. Nasamid ako kahit hindi ko pa nakakagatan ang saging. Nang tignan ko muli si Jace ay wala na 'to. Kinabahan ako dahil para siyang galit. "Ayos ka lang, Nicole?" Tumingin ako kay Sir Louie na hinagod ang likod ko. Tumango ako at nahiyang ngumiti rito. Uminom ako ng tubig at napahinga ng malalim. Tumingin ako sa kaninang pwesto niya pero wala naman. Guni-guni ko na naman ba iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD