Pagkatapos kumain ay bumalik kami ni Beth sa locker. Pero umalis agad ang lukaret dahil kailangan daw niyang gumamit ng banyo.
Habang kinukuha ko ang sipilyo ko na nakalagay sa pouch ay parang may naramdaman akong nasa likod ko. Haharap sana ako ngunit napasinghap ako ng makakita ng baril na hawak ng isang kamay habang nakalapat iyon sa locker tila pinapakita lang sa akin.
"Kaya siguro ayaw mong malaman ng iba ang relasyon natin ay dahil gusto mong landiin ang tito ko, right?"
Napaidtad ako at napahigpit ang hawak ko sa pouch ng hapitin niya ako palapit sa kanya dahilan kaya napasandal ako sa katawan niya.
"A-Ano bang pinagsasabi mo?"
Hindi ako makapiglas dahil natatakot ako habang nakatingin sa baril na hawak niya, habang kita ko ang higpit ng kamay niya sa pagkakahawak rito.
"Oras na lumandi ka sa iba, nakikita mo 'to?"
Napatango ako habang pinagpapawisan sa sobrang takot ko. Napaidtad ako ng sumayad ang ilong niya sa leeg ko.
"Papatayin kita." hinaplos niya ang tiyan ko, "Tandaan muna ngayon ay hindi na ako mahihiyang aminin sa iyo na matagal na akong baliw-baliw sa iyo. Kaya hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba."
Niyakap njya ako at napapikit ako habang takot na takot sa kanya.
"Sa likod, doon nakaparada ang sasakyan, kaya sumunod ka dahil patay ka sa akin kapag hindi mo sinunod ang utos ko."
Mabilis na tumango ako. Rinig ko ang mahina niyang tawa sa tainga ko bago niya kagatin ito.
Napahawak ako sa locker at nanghihina ako ng bitawan na niya ako at rinig ko ang palayo niyang yapak. Napadilat ako at napaiyak. Napatingin ako sa mga kamay ko at nanginginig ang mga ito habang hawak ang pouch.
Kakaiba ang naramdaman ko sa kanya. Sobrang nakakatakot hindi tulad ng magdaang araw. Para bang may pwersa sa kanya na itatali ako at walang kawala. Kinikilabutan ako at natatakot dahil totoong may dala siyang baril.
"Bes, ayos ka lang?"
Agad na napapunas ako ng luha at binalik ko sa bag ang pouch ko.
"A-Ah, Beth, day-off muna ako.. Ang sama ng pakiramdam ko."
"Hala! Gusto mong dalhin kita sa clinic?"
Lumingon ako sa kanya at ngumiti na umiling.
"Hindi na. Ipapahinga ko na lang muna ito sa bahay. Puwede bang makahiling na ikaw na ang magsabi kay Ma'am Ayessa?"
Lumapit siya sa akin.
"Oo naman. Namumutla ka, Bes, at parang nanginginig ka. Baka mapano ka pa sa daan? Gusto mo ihatid kita?"
Umiling ako.
"Ayos lang ako.. S-Sige. Salamat. Mauna na ako."
Tumango siya habang may pag-aalala sa mukha. Kinuha ko ang bag ko at sinara ang locker. Napapikit ako saglit at lihim na huminga ng malalim. Nakapagsinungaling na naman ako kay Beth. Sobra-sobra na ito pero ayoko naman na sabihin sa kanya ang lahat dahil madadamay pa siya sa problema ko.
Lumabas ako ng locker at pasimpleng tinignan kung may tao habang tinatahak ko ang daan patungo sa likod. Nang walang katao-tao ay napatingin ako sa kotseng mercedez ni Jace.
Bumusina ito kaya kumabog ang dibdib ko at nanghihina ang mga paa ko na humakbang palapit doon. Bumaba ang driver at pinagbuksan ako. Napatingin ako sa loob at nakita ko si Jace kaya sumakay ako at naupo malayo sa kanya.
"Kailangan nating umattend sa wedding anniversary nina Lolo at Lola..."
Napamaang ako at napatingin sa kanya.
"H-Huh? P-Pero.."
Tumingin siya sa akin.
"Don't worry, walang chismosong tao na maaaring makakilala sa iyo doon. Pero kung ako sa iyo ay sasabihin mo sa lahat ng tao na asawa mo ako."
Lihim na napatikhim ako at sa bintana na lang tumingin.
"You have a girlfriend, Guiliana right?"
Napatingin ako sa kanya ng matawa siya. Napakuno't noo ako dahil anong nakakatawa?
Umiling lang siya at ngumisi. Kaya nainis naman ako dahil parang pinagtatawanan niya ako.
"Nagseselos ka?"
Sabi na, e.
"Kapal mo."
"Bakit kasi ayaw mo pang aminin na nagseselos ka?"
"Bakit naman ako magseselos? Hindi naman kita mahal."
Natahimik siya at nang ma-realize ko ang sinabi ko ay bigla akong na-guilty.
"Hindi ko sinasadyang sabihin.."
"Tsk."
Natahimik ako ng asikan niya ako. Tila mas sumama ang mood niya sa sinabi ko. Kasi naman siya, naunang manukso. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
Pagdating sa bahay ay nabigla ako ng malakas niyang isara ang pinto na tila galit. Napahinga ako ng malalim.
"Oras na magalit ang isang Esteban, magbabayad ka. Kung ako sa iyo ay suyuin mo na si Senyorito Jace. Hanggang mamaya pa masama ang mood n'yan at sinasabi ko sa iyo na hindi mo magugustuhan."
Tumingin ako sa driver na--s***h-- bodyguard ni Jace. Bumaba ito at pinagbuksan ako ng pinto kaya bumaba ako habang dalahin sa isip ko ang sinabi niya.
Pagpasok sa loob ng bahay ay agad akong nilapitan ng mga kasambahay.
"Bibihisan ka na po namin, Miss."
Napahinga ako ng malalim.
"Maliligo lang ako, hindi pa kasi maayos ang pagkakabanlaw ko pagkatapos mahulog sa pool."
Tumango ang mga ito kaya umakyat ako sa taas. Huminto ako sa harap ng guest room at napatingin ako sa room ni Jace. Napailing na lang ako dahil dapat ko siguro sanayin ang paiba-iba niya ng ugali. Nakakabaliw na siya sa totoo lang. Mahiyain at torpe daw pero tinatakot naman ako at nagdadabog pa.
Ay, ewan ko!
Pumasok ako sa loob ng guest room--s***h-- room ko, at naligo gaya ng sabi ko sa mga kasambahay. Pagkatapos maligo at pagkalabas ko ng banyo ay nasa loob ng kwarto ko agad ang mga kasambahay na mag-aayos sa akin kaya nakaroba na rin ako habang pinapatiyo nila ang buhok ko, tutal ay tiyak na huhubaran din nila ako gaya ng ginawa nila nung nakaraan.
Hindi ko alam kung bakit pinili ng mga ito na maging kasambahay kung magaling naman silang mag-ayos ng isang tao para pagandahin. Pero hindi na ako nag-usisa pa dahil baka isipin nila ay ang chismosa ako.
Hindi talaga ako makapaniwala na ako ang nakikita ko sa salamin matapos nila ako i-make over. Ang magkabilang gilid ng buhok ko ay nilagyan nila ng pin para manatili lamang nakaipit sa side ng tainga ko ang buhok ko sa harap habang ang dulo ay kinulot nila at nakalagay lamang sa likod ko.
Pinagsuot naman nila ako ng maputlang rosas na dress na cube ngunit may hati sa gitna kaya kitang-kita ang cleavage ko. Lahat ata ng dress ay kita ang dibdib ko. Tapos ang baba ay parang sumasayaw ang tela dahil sa hugis rosas na rapples nito.
Pinagsuot nila ako ng silver flat sandals dahil bilin daw sa kanila na bawal ako magsuot ng matataas na sapin sa paa dahil nga buntis ako. Mas sang-ayon nga ako doon dahil hindi naman talaga ako nagsusuot ng matataas na sapatos.
Tinanggalan nila ako ng salamin at pinagsuot ng contact lens. Wala naman akong choice dahil iniisip ko rin na baka masyadong engrande ang anniversary celebration ng lolo't lola niya tapos ganoon kabaduy ang salamin ko. Nahihiya pa rin ako sa suot ko. Hawak ang pink pouch na katerno daw ng dress ko ay lumabas ako ng kwarto ng sabihin na nasa sala na raw si Jace.
Pagbaba ko ay lumakad ako patungo sa sala at nakita ko si Jace na nakatayo sa tapat ng glass wall.
Lumingon siya ng marinig siguro ang yapak ko. Nahiya naman ako ng makita ang paninitig niya sa akin. May hawak na naman siyang alak.
Maiging tinakpan ko ang cleavage ko ng hawak kong pouch ng lumakad siya palapit sa akin.
"A-Ano.. tara na.." aya ko habang pilit na makatingin sa kanya.
Binaba niya sa table ang baso ng alak at binutones niya ang suot na coat. Nang huminto siya sa harap ko, nagulat ako ng gumapang ang isang kamay niya sa baywang ko patungo sa likod ko at hinapit ako palapit sa kanya.
"You are so beautiful... So hot... And I don't like that. Just stay beside me until we get back here, understand?"
Lihim na umirap ako. Malamang siya lang naman ang kilala ko doon kaya sa kanya lang talaga ako sasama. Tumango na lang ako kaysa barahin pa siya.
Pero hindi ko mapigilan na ma-intimidate sa kanya dahil ang gwapo-gwapo niya sa suot niya at ang bango-bango pa. Nahihirapan tuloy akong huminga dahil masyado kaming dikit sa isa't-isa.
Inakay na niya ako habang nanatiling nakayapos ang braso niya sa baywang ko. Sumakay kami muli ng kotse niya at kinakabahan ako dahil masyado naman siyang dikit ngayon. Tila wala na ang kaninang bad mood niya, ngayon ay sobrang dikit naman.
Sa isang napakalaking lupain kami humantong at puro mamahaling kotse ang nakaparada sa labas at loob man ng bahay.
Pumasok pa kami sa loob at napakalawak ng lupain. Nakita ko ang malaking tila vintage na bahay pero napanatiling maayos at maganda. Ang dami ring bodyguard na nakakalat sa paligid at nagsiyukuan ang mga ito ng makita ang sasakyan na gamit namin.
Nang huminto sa entrance ang kotse ay bumukas ang pinto sa side ni Jace. Bumaba siya at naglahad agad ng kamay sa akin. Tinanggap ko at umusog ako bago bumaba. Napalapit naman ako sa kanya agad ng hapitin niya ako sa baywang.
"My parents are here?" tanong niya sa bodyguard.
"Yes, Senyorito."
Tumango si Jace at inakay na ako. Napakapit ako sa hawak kong pouch habang kinakabahan ako. Napatingin sa amin ang mga taong nadaanan namin. Napayuko ako ng kaunti dahil naiilang ako.
Pagpasok sa pinaka venue ay marami nang tao at puro nakasuot ng mamahaling damit. Mabuti na lang talaga at inalis ko ang salamin ko kundi ay nakakahiya ang ayos ko.
"Hey, cous!"
Napatingin ako sa lalakeng may buhat na batang lalake na kahawig niya. Nginitian ako nito kaya piling ko ay nag-init ang pisngi ko dahil inaamin ko na ang gwapo nito.
Tumikhim si Jace at pinisil ang baywang ko.
"Where's Juliet?" tanong ni Jace na irita.
Ngumisi ang lalake.
"Kasama ni Mommy. Pakilala mo naman ang kasama mo? Siya ba ang hina-hunting mo?"
Napakuno't noo ako at tumingin kay Jace.
"Yeah. She's..."
"Nicole." ako na ang naglahad ng kamay. Binaba niya ang anak niya at hinawakan ang kamay ko.
"Nice name. Greyson, cousin nito."
Napadaing si Greyson ng suntukin siya ng anak niya sa private part niya na kinagulat ko.
"Hahaha! Ayaw kasi ako nito nakikitang may kahawak na ibang babae. Sa Mommy lang daw ako nito."
Nahiyang ngumiti ako at natuwa naman ako sa bata dahil marunong magbantay para hindi malapitan ng girls ang daddy niya.
"Tsk. Buti nga sa iyo." bulong ni Jace.
"Cousin, don't whisper, I can't hear you. Gumaganti lang ako dahil dati pinagtripan n'yo akong mga triplets kayo."
"Let's go." inakay na ako ni Jace na kinangisi lang ni Greyson.
Napatingin naman ako sa pupuntahan namin at nakita ko ang pamilya niya. Teka! Puro ba sila Celebrity? Bakit ang gaganda naman nila?
"Nicole!"
Napangiti ako ng makita si Nana. Black outfit pa rin ang suot nito with black leather boots. Yumakap ito sa baywang ko ng lumapit siya sa akin.
"You're so beautiful, Nicole. I miss you."
"Ikaw rin, beautiful ka at miss na rin kita."
Bumitaw ito at humawak sa kamay ko. Napangiti ako lalo dahil napaka cute ni Nana dahil ang liit niya at mukha talaga siyang parang five years old lang. Nagtataka ako kung bakit siya maliit pero ang mga kapatid niya ay ang tatangkad.
"Hija, mabuti't sumama ka at nagkaayos na kayo ng anak ko. Pasensya na kung ginawan ka ng kalokohan ng kambal. Ito kasing ama nila ay kinunsinte pa kaya nakakahiya tuloy sa iyo." sabi ni Mam Hera ng lumapit rin ito sa amin.
"A-Ah, ayos na po iyon."
'Yun na lang ang sinabi ko kaysa sabihin ko na sana nga ay hindi na kami nagkaayos. Kaso kailangan ko pa rin magtiis dahil ayaw pumayag ni Sir Jam sa kontratang nilagdaan ko na hindi ko gagawin. Lalo't nang makita kong masaya sila Inay sa negosyo nila ay wala akong magawa kundi ang sumama at makisama pa rin kay Jace.
"Halika at ipapakilala kita sa lolo't lola ni Jace."
"P-Po?"
Tumingin ako kay Jace at binitawan ako nito. Ngumiti ito na ibig sabihin ay sumama ako sa Mommy niya.
Hinawakan ako sa kamay ng Mommy niya at wala na akong nagawa kundi ang sumama. Napalunok ako habang kabado na ma-meet ang lolo at lola ni Jace.
Kanina pa pala nagsisimula ang selebrasyon pero hindi pa naman masyadong matagal dahil nagkakainan pa lang. Nakita ko ang isang medyo matandang lalake na suot ang corporate attire nito at katabi ang tingin ko ay nasa fifty something ang age na babae.. Parang mas mukhang bata ang babae kumpara sa lalake na may maawtoridad na tindig at pwersa lalo't napakaseryoso ng mukha habang nakatingin sa babaeng hawak niya sa baywang habang kinakausap siya nito. Para bang sa babae lang na iyon nakatuon ang atensyon niya.
"Mom, Dad.."
Napatingin ang mga ito sa amin ng magsalita si Ma'am Hera. Napangiti ang babae ng makita si Ma'am Hera at napatingin ito sa akin.
"Oh, Hera.. Sino itong kasama mo?"
"Mom, Dad, heto po 'yung sinasabi ko sa inyo na asawa na po ng apo n'yo na si Jace. Siya po si Nicole."
Ngumiti sa akin si Ma'am Hera at pinaabante ako para maiharap sa mag-asawa. Nahiyang nginitian ko ang mga ito.
"Magandang hapon po. Happy anniversary po. Pasensya na po at wala po akong regalo man lang."
Natawa ang babae sa mahinhin na tawa.
"Ayos lang, Hija. Hindi na namin kailangan ng regalo at presensya mo lang ay ayos na. Masaya ako at makilala ang asawa ng apo ko."
Ngumiti ako dahil napakabait pala nito at hindi ako nahirapan na makausap. Tumingin ako sa asawa nito at napayuko ako dahil tila sinisiyasat ako nito base sa tingin nito.
"Hindi naman siguro magmamadali ang apo ko na magpakasal kung wala syang panghahawakan.. Ilang buwan na 'yan?"
Nagulat ako ng mahulaan nya ang lagay ko. Tila nagulat din si Mam Hera pero hindi na ito kumibo at tumango ito sa akin.
"Mga two weeks mahigit na po."
"I see.. Kung sa larangan ng ganyan ay d'yan magaling ang lahi namin. Hera has eight children. Maqui has six. And my only daughter has three children. Can you beat it?"
Napaubo si Mam Hera at para rin akong nasamid.
"Tumigil ka nga. Nakakahiya ka. Kay tanda-tanda muna ay 'yan pa rin ang lumalabas sa bibig mo. 'Wag munang pansinin ang sinabi ni James, Hija." sabi ng Lola ni Jace sa asawa niya at bumaling rin sa akin.
Tumango ako.
Hindi ko talaga makalimutan ang sinabi ni Sir James. Hindi ko akalain na walo pala ang total ng anak ni Mam Hera.
Nakaupo na ako sa naka-assign na upuan sa tabi ni Jace habang kasama namin sa lamesa ang mga kapatid niya. Sa kabilang table ay mga pinsan niya at hindi ko mapigilan na tignan isa-isa dahil para silang mga god and goddess sa mga itsura at ayos nila.
Habang kumakain ay napahawak ako sa bibig ko dahil bigla naman akong masusuka.
"Honey, are you alright?"
Tumango ako kay Jace at agad na kinuha ang tubig ko at uminom. Inaatake na naman ako ng pagbaliktad ng sikmura ko kahit ang sarap na nga ng kinakain ko.
"Saan ang washroom?" tanong ko sa kanya.
Napatingin ako sa humuni at napatingin ako sa kakambal ni Kristen na si Krystal. Nakilala ko na silang lahat at natandaan ko rin ang mga pangalan.
Sumenyas ito at tumayo.
"Sabi niya ay sasamahan ka niya sa washroom area."
Napatango ako at nginitian ito. Kaya tumayo na rin ako.
"Sama ako, Nicole." sabi ni Nana.
"Okay."
Ngumiti ito at bumaba ng upuan niya na katabi ko lang. Agad siyang humawak sa kamay ko kaya lumapit kami kay Krystal. Napangiti ako ng kumapit rin sa isang braso ko si Krystal at nginitian ako nito.
Nasisimulan ko ng magustuhan ang pamilya ni Jace. Pakiramdam ko ay sobra nila akong tanggap at gusto. At ang bait nila.
Excited ang dalawa na akayin ako sa washroom. Pumasok pa talaga kami sa malaking bahay at namangha ako dahil may elevator pa.
"Tsk. 'Wag mo nga kaming sundan."
Nagulat ako ng sitahin ni Nana ang isang bodyguard niya na nakasunod nga sa amin. Ito rin 'yung sinita niya nung nasa fountain ako ng Jara at nakita ko si Nana.
Hindi naman kumibo ang bodyguard at nakatayo lang ito ng deretso.
May sinenyas si Krystal kay Nana tila bad iyon.
"Ate Krys, kainis na kasi, laging sunod-sunod kahit saan ako magpunta."
Napangiti ako ng maunawaan ang pinag-uusapan nila..
"Baka naman dedicated lang sa work at maigi talagang ginagawa ang trabaho niya, Nana."
Nakapasok na kami sa washroom at parang nasa mamahaling hotel kami. Pang guest washroom talaga.
"Duh! Masyado lang siyang papansin. Pati crush ko hindi man lang hinahayaan na lapitan ko. Kainis, ayaw pa siyang palitan ni Dad."
Kinalabit ako ni Krystal at nagsenyas siya ng heart shape at tinuro ang labas.
"Argh! It's gross! 'Wag mo nga siyang ireto sa akin, Ate Krys!"
Napatingin ako kay Krystal ng may lumabas na tawa sa bibig niya. At nagtataka ako kung bakit hindi siya nagsasalita pero naririnig naman niya ang mga sinasabi namin?
Gumamit ako ng toilet at pagkatapos ay nag-retouch ng foundation na pinadala sa akin para daw manatili ang make-up ko. Sa ganda ng dalawa ay at least hindi na ako medyo nahihiya dahil maayos ang ayos ko ngayon. 'Yun nga lang sobrang sexy ng suot ko kumpara sa kanila.
Lumabas kami ng washroom at wala na doon ang bodyguard. Pero napahinto kami ng may tatlong kalalakihan na lumakad palapit sa amin habang mga nakangiti.
"Hi, girls. Ang gaganda n'yo naman."
Tipid na ngitian ko lamang ang mga ito at napatingin ako kay Nana na humarang sa harap namin ni Krystal.
"Hoy! 'Wag n'yo ngang pormahan ang mga Ate ko. Baka gusto n'yong mabutas ang tumbong n'yo?"
Natawa ang tatlo sa sinabi ni Nana.
"Ang tapang ng batang maliit na ito. Doon ka na, Bata, at hayaan muna makilala namin ang dalawang magandang babaeng ito."
"Aba! Nilalait n'yo talaga ako!"
Nagulat ako ng hawiin ng nasa gitna si Nana dahilan kaya napaupo ito. Lalapitan sana namin ni Krystal si Nana para itayo ng humawak sa amin ang dalawang lalake.
"Hi. Napakaganda at ang sexy mo naman." sabi ng nasa gitna at tinignan ang katawan ko.
Biglang pumalakaw ng iyak si Nana na halos napakalakas talaga. Nagpumiglas ako sa hawak ng lalake pero hindi ko matanggal dahil ang higpit ng hawak nito.
Bigla namang nagtakbuhan ang bodyguard at kasama ang bodyguard ni Nana.. Humagis ang lalakeng may hawak sa akin at napatingin ako kay Jace ng siyang sumuntok.
"They push me! Waahhh!! Daddy!! Lolo!!"
Agad naming dinaluhan ni Krystal si Nana dahil ang lakas ng iyak nito at tila nasaktan talaga siya.
"Tahan na.." alo ko.
"f**k you to the death! How dare you to touch and hurt our girls!"
Napatingin ako kay Jace at agad akong napatayo ng halos ayaw niyang tantanan ng suntok ang mukha ng lalakeng humawak sa akin na wala ng malay at duguan ang mukha.
"Jace, tama na.."
Nagpaawat si Jace sa akin at sinipa pa niya ang mukha ng lalake bago alisin ang butones ng coat niya tila ba makakahinga siya kapag ginawa iyon. Nabigla ako ng agad niya akong yakapin.
"Ganyang ang nararapat sa kanila. Darwin, alam n'yo na ang gagawin n'yo d'yan. Ayoko ng makita ang mukha ng mga iyan rito."
Tumango ang bodyguard ni Nana at tinayo ang tatlong lalake.
"Anong nangyari rito?" si Mam Hera at agad na tinignan si Nana at Krystal.
"They harass them, Mom." sabi ni Jace.
"Mommy, Daddy, that ugly jerk, he push me." sumbong ni Nana.
Binuhat ni Sir Jam si Nana at pinunasan ang luha nito.
"Patayin n'yo ang mga 'yan."
Nagimbal ako sa utos ni Sir Jam. Napatingin ako kay Jace na inakay na ako.
"They deserved it." aniya.
© MinieMendz