KABANATA 10

4776 Words
HINDI ko alam pero ako ang natakot para sa tatlong lalakeng nang harass sa amin. Nagmamakaawa sa harap ang parents ng tatlo dahil tila totoong papataying ang mga ito. Kita ko na hindi nagbibiro ang itsura ni Sir Jam. Napatingin ako kay Jace na kanina pa hawak ang kamay ko habang nakaupo na muli kami sa upuan at ngayon ay kainuman ang pinsan niya at si Edward. Kahit nagulo na ang party dahil sa pagmamakaawa ng parents ng tatlo ay tila balewala sa mga Esteban iyon. "Okay. Instead of killing them, I want them to go in jail. Now!" "Salamat po, Mr. Esteban. Pasensya na po.." Kita ko na hindi iyon ang nais na gawin ni Sir Jam pero tila napagsabihan ito ni Mam Hera kaya hindi natuloy ang pinag-uutos niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Talaga bang kaya nilang pumatay? "Pupuntahan ko lang sila Krystal." sabi ko kay Jace at pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya. Tumingin siya sa akin habang inaalog niya ang basong may lamang alak at yelo. "No. Stay here." Nakakainis. Pinapakita pa niya sa mga pinsan at kapatid niya kung paano niya ako minamanduhan. "Ganyan nga, Bro. 'Wag ka ng torpe at bakuran mo palagi ng walang kawala." sulsol ni Edward. Napakuyom ako ng isang kamay at kung nakakamatay lang ang tingin ko kay Edward ay patay na siguro siya. Napatingin ako kay Jace ng bitawan niya ang kamay ko. Umiling ako sa nais niya ngunit hinapit niya ako sa baywang para patayuin at inupo pakandong sa isang hita niya patagilid sa kanya. Nagkantyawan ang pinsan niyang lalake at si Edward kaya halos gusto ko ng lumubog sa lupa sa pinaggagawa ni Jace. "Cheers!" Ngumiti si Jace at nakipagbanggaan ng baso sa mga kainuman niyang pinsan at kapatid habang nakahawak siya sa baywang ko. Gusto kong tumayo pero mahigpit ang hawak niya sa baywang ko. Inis na inis na ako sa kanya. Nakakahiya ang ginawa niya. Napatingin ako kay Juliet na lumapit habang hawak ang kambal na babae at lalakeng bata. Ito 'yung lalake kaninang sinuntok sa gitnang hita si Greyson. "Hoy, Greyson Martin! Sinabi ko na bantayan mo ang dalawang bata, inom talaga ang inatupag mo, ha?" "Baby naman." "Tumigil ka. Bantayan mo ang dalawa." Napatingin ako kela Edward at Jace na lihim na natawa. Walang magawa si Greyson dahil agad na naupo sa magkabilang hita niya ang kambal. Nagtawanan ng malakas sila Jace ng makaalis si Juliet. "Baby girl, Baby Boy, bantayan n'yo ang ama n'yo, daming chicks ngayon kaya balisa ang ina n'yo." sabi ni Edward sa kambal habang nakangisi. Tila mahiyain ang dalawa dahil yumakap ang mga ito kay Greyson. Napangiti naman ako dahil ang cute nila. Sana ganyan din ang baby ko. "Tsk. 'Wag munang sulsulan, Ed, baka gantihan kita d'yan." Napatingin ako kay Jace na humaplos sa tiyan ko. Nag-init ang mukha ko ng ibaba niya ang mukha at hinalikan ang tiyan ko. "I'm so excited to see our baby." aniya sa akin. Tumingin siya sa akin kaya napayuko ako habang hindi ko mapigilan na sumaya ng sabihin niya iyon. Talagang gusto niya ang pinagbubuntis ko hindi katulad ng pagkakasabi ni Hammer na pati pagbubuntis ko ay pinaglalaruan. "Hey! Mga Kuya, picture taking daw with Lolo and Lola." Napatingin kami kay Kristen ng tawagin nito ang pansin ng lahat. Napatayo na sila Greyson kaya tumayo ako ng alalayan ako sa pagtayo ni Jace. "Tara do'n." aya sa akin ni Jace. "Huh? Pero hindi naman ako pamilya." Natawa siya at kinuha ang kamay ko. "You are. You are my wife now and you are belong to us." Hindi na ako nakapalag dahil inakay na niya ako. Paglapit naming lahat sa Lolo't Lola nila ay nilagay ako ni Jace sa unahan niya at niyakap ako kaya nahiya ako. Pero nang maayos na ang pwesto ay nag-signal na ang photographer na kinuha. Ngumiti ako at napahawak sa braso ni Jace na nakayakap sa akin. Maraming picture ang ginawa at panay ang ngiti ko kahit ilang ako. Pero halos lahat naman ay nakayakap sa mga asawa nila kaya ayos lang. Nang matapos ay nagpaalam na si Jace sa mga Lolo at Lola niya at ganoon din ang iba dahil aalis ata ang Lolo at Lola nila para daw mamasyal sa ibang bansa. Nagpaalam rin ako at nagulat pa ako ng yakapin ako ng Lola ni Jace. "Aalagaan n'yo ang isa't-isa at mahalin. Sa una ay mahirap ang pag-aasawa pero sigurado ako na malalagpasan n'yo iyon at magiging masaya kayo hanggang huli. Alagaan mo rin ang apo ko. Namana niya ang sakit ng ama niya at sana ay 'wag mo siyang sukuan." Napakuno't noo ako dahil binulong lamang sa akin iyon upang walang makarinig. Naguluhan ako kung anong sakit ba ang tinutukoy ni Lola Gabriella na namana daw ni Jace kay Sir Jam. Ngumiti at tumango ako rito ng magbitaw kami. Ngumiti ito at hinaplos ang mukha ko. Nagpaalam rin ang ibang mga apo kaya nagpaalam kami ni Jace sa parents at sa tito't tita niya. Nang makasakay kami sa sasakyan ay agad ding umandar ang sasakyan. Nabigla ako ng mahiga si Jace at pinatong ang ulo sa hita ko. "I'm tired." bulong niya at pumikit siya. Nais ko sana na alisin ang ulo niya dahil naiilang ako. Pero nakita ko na agad bumigat ang paghinga niya. Tila naparami ang inom niya kaya agad siyang tinangay ng antok. Naalala ko ang sinabi ng Lola niya. Ano naman kayang sakit iyon? Mukha namang masigla si Jace at walang iniindang sakit. Nakakainom pa nga. Baka ineechos lang ako ng Lola niya. Tinitigan ko ang mukha niya at bawat hugis ng kanyang mukha ay parang mas maganda pa siya sa akin ngunit manly lang. Napakakinis ng skin at ang labi ay mapula na manipis. Ang ilong niya ay tuwid na tuwid at malaki ang buto. Dahan-dahan kong nilapat ang kamay ko sa mukha niya. Pero pinakiramdaman ko muna siya dahil baka magising. Nang hindi ay maingat kong hinaplos ang pisngi niya. Nabigla naman ako ng tumagilid siya ng higa paharap sa akin kaya naalis ko ang pagkakahaplos sa pisngi niya. Nahigit ko ang hininga ko at tinignan siya. Napasubsob siya sa tiyan ko. Tinignan ko kung gising ba ito dahil nakangiti ang labi niya, pero mukhang tulog naman. Napahinga ako ng malalim at hindi na siya hinawakan dahil baka magising pa siya. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at pumikit ako para saglit na umidlip habang malayo pa naman kami. Ang akala ko ay idlip lang ay tuluyan na pala akong nakatulog ng hindi ko namamalayan ang nangyayari sa paligid ko. Nagising lamang ako ng may humahalik sa labi ko. Nagulat ako ng makita ko si Jace sa pagbukas ng mata ko. Ngumiti siya at kinagat ang labi ko kaya umiwas ako at humawak ako sa dibdib niya para itulak siya. "Anong ginagawa mo? Nasaan ako?" Tinignan ko ang paligid at nalaman ko na narito ako sa kwarto niya. Sinubukan ko siyang tinulak pero napapikit ako ng halikan niya ang leeg ko. "A-Ano ba!" Nakiliti ako at napadilat ng hawakan niya ako sa pulso at pinako ang mga kamay ko sa ulunan ko. "Damn! Nakakagigil ka. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko ngayon." Matapos niyang sabihin iyon ay tumingin siya sa akin. Niluwagan niya ang hawak sa braso ko at pinahawak ako sa leeg niya na may pagsuyo. "Can we start again? I'm sorry for hurting you. I'll promise to be a good man and husband to you. Can you give me a chance?" Natigalgal ako sa sinabi niya. Napabuka-sara ang bibig ko at kumabog ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Napahinga siya ng malalim at umalis sa ibabaw ko. Napahagod siya ng buhok at bumaba sa kama. "Shower lang." Napatingin na lamang ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala dahil halata na totoo siya sa sinabi niya. Bumangon ako at napabuga ng hangin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas pa rin ng t***k nito. Bababa na sana ako ng kama ng mapatingin ako sa pader. Napamaang ako dahil wala na ang malaking portrait poster ni Guiliana at ang kinamaang ko ay mismong ako ang pinalit. Ito 'yung unang beses na ayusan ako ng mga kasambahay, at nasa sala na ako ng tagpong hindi ko pa natutuklasan ang sekreto ng magkapatid. Stolen shot at hindi ko man lang nalaman na may kumukuha sa akin ng litrato. Hindi ko alam pero napangiti ako dahil hindi ko akalain na ilalagay niya ang litrato ko sa kwarto niya. Ibig sabihin ba no'n ay may pagtingin talaga siya sa akin? Napangiti ako at naisipan ko na lumabas ng kwarto at pumunta sa guest room kung saan ako nakakwarto. Naisipan ko na mag-shower rin para maalis ang make-up sa mukha ko. Naglinis lamang ako ng katawan at naglimos ng mukha. Ginawa ko na rin na magsipilyo at pagkatapos ay lumabas ako ng nakaroba. Lumapit ako sa closet at napahinga ako ng malalim dahil sa wakas ay nakuha ko na rin ang mga damit ko na nakasanayan ko isuot. Kinuha ko ang pantulog ko na dress na hanggang paa ko ang haba ng saya at mahaba ang manggas at sinuot ko iyon. Lumapit ako sa kama at hinawi ang kumot. Mahihiga na sana ako ng mapatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Natigilan ako ng makita si Jace na nakapajama na pantulog at sando. "Uhmm.. If you don't mind.. We can share to my bed. I want to sleep with you." Napakamot siya ng ulo. Naninibago ako pero mas ayos ng makita ko siyang ganyan. Binitawan ko ang kumot at napahawak ako sa kamay ko bago nahiyang lumapit sa kanya. Napangiti siya at niluwagan ang bukas ng pinto. Nauna akong naglakad sa kanya at siya na ang nagsarado ng pinto. Agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto niya at pinapasok ako. Napatili naman ako ng pangkuin niya ako. Napangiti isya at mabilis na dinala ako sa kama. Umayos ako ng upo sa kabilang side ng kama at nahiga ng sumampa na rin siya. Ngumiti ako sa kanya ng kumutan niya ako. Deretso ang higa ko at sa kisame ako tumingin dahil naiilang ako na ganito't parang ang gaan lang ng paligid ngayon sa amin. Nabigla naman ako ng tumagilid siya ng higa at tinignan ako kaya hindi ako makatingin ng maayos. "B-Bakit?" "Sinusuot mo pa rin ang ganyang style ng dress?" Hinawakan niya ang dulo ng manggas ng dress ko. "Mas komportable kasi ako dito." Napahawak ako sa braso niya ng bigla niya akong yakapin. Napatingin ako sa kanya ng isiksik niya ang mukha sa leeg ko. "Well this is okay for me. I love who you are." Nakapikit siya ng sabihin iyon. Kumabog ang dibdib ko at hindi ko mapigilan na maantig sa sinabi niya. Pinagmasdan ko siya habang natutulog na siya. Napangiti ako at dahan-dahan kong nilapat ang kamay ko sa mukha niya. Tumagilid ako paharap sa kanya at natigilan ako ng gumalaw siya at yumakap pa sa akin. Napangiti ako na hinaplos ang buhok niya at tinukod ko ang siko ko bago ipatong ang ulo ko sa kamay ko. Para siyang batang nakayakap sa akin. Pero kung tutuusin ay talagang bata pa niya para sa akin. Kaya talagang hirap din spellengin ng mood niya. "Bibigyan kita ng chance, Jace. Pero ipangako mo na hindi muna akong lolokohin." Inalis ko ang salamin ko sa mata at lumingon ako sa side table sa side ko. Nilapag ko doon at saka ko inayos ang kumot sa kanya bago ako umayos ng pwesto paharap sa kanya. Tinignan ko pa muna ang mapayapa niyang mukha bago ako napangiti na pumikit na rin para matulog. I can't imagine that God gave me this kind of man. Siguro ay hindi ako hahayaan at ang magiging anak ko na mawalan ng ama sa paglabas niya. Hindi ko pala mararanasan ang maging dalagang ina. Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Jace para pumasok sa work. Napakaligalig niya at alam ko na nagtataka ang mga kasambahay kung bakit tila ba nag-iba ang kilos namin ni Jace. Inasikaso ko siya gaya ng nalalaman ko sa ginagawa ng mag-asawa. Iniwan na kami ng kasambahay ng paalisin ni Jace ang mga ito. Nahiya ako ng paupuin niya ako sa kandungan niya at nag-request siya na subuan ko. Inaamin ko na kinikilig ako sa gesture niya. "Sa weekend, let's go to Doctor Jones. Nag-o-offer siya ng program para sa exercise para sa mga buntis." Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Hindi ba mahal 'yon? Saka ayos lang naman ako." Umiling siya. "Mas maganda kung healthy ka habang dinadala mo ang anak natin hanggang nine months. And don't worry about the money. I can pay all the expenses." Tumango ako dahil tila napagdesisyonan na niya talaga iyon. Ngumiti siya at binaba ang basong iniinuman niya. "Hmm, Honey, where's my good morning kiss?" Namula ako sa sinabi niya at hinampas ko ang dibdib niya bago napatingin sa paligid dahil baka may nakarinig. "Ano ka ba.. Mahiya ka nga." "Why? It's not a crime if I beg a kiss from you. C'mon. Kiss me." Napahinga ako ng malalim at kinakabahan dahil kahit ganitong ayos na kami ay syempre nandoon pa rin ang hiya sa part ko. Tumingin ako sa kanya at nakatitig siya sa akin habang naghihintay ng halik mula sa akin. Napahinga muli ako ng hangin at dahan-dahang lumapit ang mukha ko sa kanya. Pumikit ako at naramdaman ko ang paglapat ng aming mga labi. Gumalaw ang labi niya at napasunod ako sa labi niya. Napakapit ako sa sleeve niya habang marahan na nagpapalitan kami ng halik. Hinapit niya pa ako sa kanya at ramdam ko ang paghaplos ng kamay niya sa baywang at likod ko. Nagbitaw kami at napadilat ako.. Nagkatinginan kami at napangiti sa isa't-isa. "Damn your lips. I always want it." Mahinang pinalo ko ang dibdib niya at pakiramdam ko ay pulang-pula na ako.. "Wala namang special sa labi ko para magustuhan mo." "Hindi. Ang mga labi mo ay kasing special mo. I'll always want it and I can't enough of this." Hinawakan niya ang labi ko at hinaplos. Inalis ko ang kamay niya at nahiyang tinakpan ko ang labi ko. "Tama na nga.. Tara na, busog naman na ako." Ngumiti siya at tumango. Binitawan niya ako kaya tumayo na ako para makaalis sa pagkakaupo sa kandungan niya. Pero nabigla ako ng iharap niya ako sa kanya ng makatayo na rin siya. Hinapit niya ako sa baywang at napapikit na lang ako ng sakupin niya muli ang labi ko. Napahawak ako sa balikat niya at napatugon sa halik niya. Sabik na sabik niya akong hinalikan habang halos wala ng space sa pagitan namin. Napabuka ako ng bibig at sinasalubong ko ang halik niya habang pareho kaming nakapikit at pinapakiramdaman ang tamis ng halik. Natigil lang kami sa halikan ng ako na mismo ang bumitaw dahil nauubusan na ako ng hininga. Natawa siya kaya napangiti ako bago napasubsob sa balikat niya. "Let's go. Baka kapag nagtagal tayo ay magkulong na lang tayo sa kwarto magdamag." Hinampas ko muli ang balikat niya at umalis ako sa pagkakasandal sa kanya. Hawak niya ako sa baywang na sinabayan na maglakad. Kinuha ko ang bag ko at sabay na kaming umalis ng dinning area. Binati kami ng mga kasambahay na naglilinis at pangiti-ngiti sila sa amin tila ba may alam sila. Nahiya naman ako pero napangiti na rin ako dahil hindi matawaran ang saya ko sa araw na ito. Pero sinabihan ko pa rin si Jace na walang makakaalam na asawa niya ako. Gusto ko kasi na magtrabaho pa rin sa Jara at gusto ko na tratuhin ako ng mga katrabaho ko ng tulad pa rin ngayon. Pumayag si Jace at masaya ako dahil hindi niya pinapairal ngayon ang pagka-immature niya. Sa likod muli nag-park ang kotse niya at nauna akong bumaba sa kanya. Tinignan ko pa ang paligid dahil baka may makakita. Nang wala ay maayos akong nakapasok ng hotel. Tinungo ko ang locker at nakangiti na papasok na sana ako ngunit napahinto ako ng may marinig akong nag-uusap. "Guys, sino kaya 'yung tinutukoy ng blind item na ito. Isang empleyado daw ng sikat na hotel na dala-dala ang anak ng boss niya. Hashtag boss baby." Bigla akong nanlamig sa narinig ko. Napasandal ako sa pader at napahigpit ang hawak ko sa bag ko. "Wala naman siguro dito sa Jara ang nasa blind item na 'yan, Jane. Baka sa ibang hotel 'yan." rinig kong sabi ni Patricia. "Bakit nakalagay rin dito ay number one hotel sa pampanga daw? E, Jara na ang pinakasikat na hotel rito." "Naku, tigil-tigil muna ang chismis na ganyan, Jane. Hindi rin naman natin alam kung totoo ba ang sinasabi ng tabloid o vlog na 'yan." sabi ni Mama Jen na mas matanda sa amin. "Basta mayroon akong hinala na empleyado rito ang tinutukoy ng blind item. Sino ba ang buntis sa hotel?" Mas lalo akong kinabahan kaya umalis ako sa harap ng locker room. Hindi ko alam ang gagawin kaya kinuha ko ang phone ko at bumaba sa hagdan kung saan ang fire exit. Tinawagan ko si Jace at salamat naman ako dahil sinagot niya agad. "Jace, may kumakalat na blind item sa tabloid o vlog. At tungkol sa atin ang topic. Paano 'yon?" (What? What vlog?) "Hindi ko alam kung anong vlog basta narinig ko lang sa mga kasamahan ko." (Okay. Where are you?) "Bakit?" (Pupuntahan kita.) "'Wag. A-Ano..ayusin muna lang 'yon. Kaya mo naman siguro 'yon, 'di ba?" Dinig ko ang paghinga niya ng malalim. (Okay. Ako na ang bahala.) "Ngayon na." (Yeah. Tsk. If I we're you, I tell them that we are married.) "'Wag mong gagawin. Sinabi ko sa iyo na ayoko." (Okay.) Napahinga ako ng malalim at binaba na ang tawag. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako umalis sa fire exit. Tinungo ko muli ang locker room at napatingin sa akin sila Jane. "Good morning." bati ko kahit ilang ako sa tingin nila. Lumapit ako sa locker ko para ilagay doon ang bag ko. "Nicole, may itatanong lang kami." Napapikit ako at kinabahan dahil heto na't magtatanong na sila. Dumilat ako at tinignan sila na kunwari ay walang alam. "Anong itatanong n'yo?" tanong ko kay Mama Jen. "Curious kami kung sino ang ama ng pinagbubuntis mo?" "Ah.." Hindi ko alam ang sasabihin. Pero hindi ko pinahalata. "Ang ama ng pinagbubuntis ko ay..ay.." "'Yung naka-one night stand niya na nireto ko sa kanya ang nakabuntis sa kanya." Napalingon ako kay Beth. Hindi namin napansin na narito na pala ang lukaret. Pero parang may kakaiba sa kanya. "Tignan mo. Sabi ko sa iyo, Jane, mali ka." Tinignan ko si Beth na lumapit sa locker niya na katabi lang ng akin. Nagtaka ako na tila ba wala siyang balak na pansinin ako. "Beth.." "Mauna na ako." Napamaang ako sa sinabi niya. Agad siyang umalis kaya nagtaka ako sa hindi niya pagpansin sa akin. Mabilis na nag-ayos ako at sinara ko ang locker ko. Agad akong lumabas ng locker para masundan si Beth. Baka naman nagtatampo lang 'yon.. Pero ayos pa naman kami kahapon. Nakita ko na lang si Beth na nakapasok na ng elevator. Napahinga ako ng malalim at naisip na mamaya ko n alang siya tatanungin kung bakit parang ilag siya sa akin. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at nilinis ang nakatoka sa akin. Hindi talaga ako matahimik sa hindi pagpansin sa akin ni Beth. Kaya ng sumapit ang lunch break ay hinintay ko siya sa locker. At nang dumating siya ay ngumiti ako. "Beth, sabay tayo." Hindi niya ako pinansin kaya napanguso ako. "Beth, galit ka ba sa akin?" Nang ambang aalis siya ay agad akong yumakap sa baywang niya. "Sorry kung may nagawa ako kaya galit ka sa akin." Inalis niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagtaka ako ng hilahin niya ako palabas ng locker room. Dinala niya ako sa labas na walang tao. "Kelan ka pa nagsisinungaling sa akin?" Napalunok ako at nagtataka na tinignan siya. Seryoso siyang nakatingin tila ba sinisiyasat talaga ako. "Ano bang.." "Sa ama ng pinagbubuntis mo. Alam ko na kung sino kaya 'wag ka nang magsinungaling." Napamaang ako at mas kinabahan. "Paano mo nalaman?" "Narinig kita sa fire exit kausap ang boss natin." Guilty na napatingin ako sa kanya at wala na akong takas dahil alam na niya. "I'm sorry, Beth.." Umirap siya at umiwas ng tingin habang nakahalukipkip. "Pasensya kung nagsinungaling ako. Natatakot kasi ako na baka mag iba ang trato mo sa akin. At ang totoo ay hindi talaga kami ayos ni Jace ng mga panahon na nakapagsinungaling ako sa iyo." Tinignan niya ako. "Kahit ngayon?" Napahinga muli ako ng malalim. "Ngayon ay ayos na kami." "Nakakatampo ka. Parang hindi mo ako bestfriend dahil tinago mo lahat iyon. Kapag ako ay sinasabi ko kahit lahat ng baho ko, tapos ikaw ay simpleng ganito lang ay hindi mo masabi. Saka bakit naman mag-iiba trato ko sa iyo kapag nalaman ko? Wala namang kaso iyon dahil ganoon pa rin ang trato ko sa iyo. 'Yun nga lang, mas masaya ako sa iyo ngayon, Bes." Napangiti ako sa sinabi niya. "Hindi ka na galit?" Ngumiti siya at kinabahan ako sa ngiti niyang kakaiba. "Pero ikwekwento mo sa akin lahat pati na ang namamagitan sa inyo ni Boss." Sabi na, e. Mas interesado talaga siya kay Jace. Napasimangot ako sa kanya. "Puwede bang kumain muna tayo?" Tumango siya at inakay na ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti at sandali lang ang tampo ng babaeng ito. Akala ko ay magpapatuloy ang galit niya. Ayoko pa naman na mawalan ng bestfriend dahil siya na nga lang ang kaibigan ko. At ganoon nga. Kumain muna kami at habang mahaba pa ang lunch break at tutal wala pa kaming nakatokang trabaho ay sumakay kami ni Beth sa malaking ferris wheel para walang makarinig ng sasabihin ko. Kinuwento ko sa kanya lahat mula simula at imbes na kaawaan ako dahil sa panloloko ni Jace at kakambal nito ay kilig na kilig pa ang loka. "Ibig sabihin, Bes, matagal ka na pa lang type na type ng isang Esteban. Wow! Hindi ka na nga palaayos pero nakasungkit ka pa ng Adan." "Ano ba.. Seryoso ako. Saka mahirap kaya ang sitwasyon ko. Hindi ko nga matanto ang ugali no'n. Papatayin daw niya ako kapag lumandi ako sa ibang lalake. Tingin mo nakakakilig 'yon?" Napangiwi ako ng hampasin niya ako at niyugyog. "Omg! Kung ako sinabihan no'n ay hindi niya masasabi 'yon. Dahil ang kagaya niya ay hindi kapalit-palit. God! Nakakainggit ka, Lukaret. Wala bang single sa mga Esteban ng maiplano ko kung paano ako magpapabuntis rin sa kanila." Napailing ako. "Ewan ko sa iyo." "Pero, Bes, 'yung one night stand n'yo lang ba ang una't huli n'yong s*x?" Nag-init ang pisngi ko sa tanong niya. "Ano ka ba. Pati ba naman 'yon?" "Dali na.. Sa tipo ni Sir ay tiyak na magaling 'yon sa kama. At Bes, hindi ka ba naglalaway do'n? Kahit nakasuot ng formal suit ay kitang-kita at bakat na bakat pa rin ang mapagpala niyang ganda ng katawan at umbok." Nang huminto na ang sinasakyan naming ferris wheel ay bumukas ang pinto kaya tumayo na ako. "Wala na akong iku-kwento sa iyo. Tapos na." "Hindi. Kuya, isa pa nga." "Beth!" "Dali na." "Ayoko na. Bahala ka." Lumabas na ako kaya rinig ko ang reklamo ni Beth. Napangiti ako dahil napakahilig talaga niya sa chismis. At hindi ko talaga ma-take ang medyo malaswa niyang mga tanong. Pero inaamin ko na totoo ang sinabi niya about kay Jace. Umiling ako dahil naiisip ko pa ang mga tanong ni Beth. Bumalik na kami sa trabaho dahil tapos na ang oras namin para sa break. Nang maubos ang maghapon at oras ng trabaho ko ay napatingin ako sa sticky note na bigay ni Mr. Admirer. Nanlaki ang mata ko at kinuha ang sticky note. Nakalimutan ko na ngayon nga pala ang sinasabi niya na puntahan ko ang rooftop. Napatingin ako sa pamisig na relo ko at nakita ko na may fifteen minutes pa ako. Kinuha ko ang bag ko at sinara ang locker. Agad akong lumabas ng locker room at mabilis na naglakad para pumunta sa elevator. Nasa tapat na ako ng elevator ng mag-ring ang phone ko. Kinuha ko sa loob ng bag ko at tinignan ang tumatawag. Nakita ko na hindi nakarehistro pero sinagot ko pa rin dahil baka importante. "Hello?" (Miss, si Cielo 'to.) "Cielo?" Napaisip pa ako pero nang marinig ko ang tawa niya at maalala ang pangalan niya ay napatango ako. "Ikaw pala. Paano mo nalaman ang number ko?" (Basta. Lumabas ka ng hotel n'yo at nasa labas ako. Maniningil na ako ng pamasahe.) "Ngayon?" (Oo. Labasan n'yo naman na siguro, 'di ba?) Napatango ako at tumingin sa elevator na hindi pa rin nagbubukas. Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko alam ang gagawin. Nais kong malaman kung sino si Mr. Admirer pero nakakahiya naman kay Cielo at kailangan ko rin siyang bayaran. "Sige, papunta na ako." (Okay.) Binaba ko na ang tawag at sinilid ko na sa bag ang phone ko. Mukhang hindi ko malalaman ngayon kung sino si Mr. Admirer pero ayos na iyon dahil hindi rin naman maganda na makipagkita pa ako. Tinahak ko ang exit ng hotel at naglakad ako para makarating sa gate ng Jara World. Mahaba-haba din dahil ilang ektarya din ang luwang ng Jara World. Napakalaki kaya napakalayo rin ng entrance. Nang makarating sa entrance ay nakita ko ang isang jeep na bumusina. Nang makita ko si Cielo ay lumakad ako palapit doon. Nilabas ko ang wallet ko para maglabas ng pambayad. "Sakay." Napatingin ako sa kanya. "Huh?" "Sakay at ipang-grocery ko 'yang ibabayad mo." "Ano? Bakit kasama pa ako?" "Hindi nga ako nagreklamo ng hindi ka magbayad sa akin. Kaya samahan mo ako dahil hindi ko alam ang grocery rito." Napahinga ako ng malalim. "Sige, pero sandali lang at ihatid mo ako muli rito sa Jara." "Oo naman." Sumakay ako sa jeep at nang makasakay ako ay agad na pinatakbo ni Cielo ang jeep. "Saan mo nga pala nalaman ang number ko?" "Sa resume mo na pinasa sa motel na pinagtatrabahuan ko." Napatango ako dahil nakalimutan ko na nag-iwan nga pala ako ng resume sa motel noon. "Bakit dito ka pa mag-grocery? Wala bang grocery sa lugar n'yo?" Sumulyap siya sa akin sandali. "Wala. Paano magkakaroon ng grocery sa squater area?" Napatango ako. "Sa katunayan ay ipamimili ko ng mga can foods at noodles ang pamilyang walang kuryente sa amin. Namumulot na lang sila ng pagkain sa basurahan na galing sa mga fastfood." Bigla naman akong humanga sa gagawin niya. Tama lang pala na samahan ko siya. "Ang bait mo pala." Natawa siya. "Akala mo lang..." "Bakit parang natatawa ka dahil sa sinabi ko? Hindi ka ba mabait? Para sa akin mabait ka dahil tinutulungan mo ang mga kapos kahit ikaw rin naman ay mukhang kapos." Natahimik siya kaya nagtaka ako at tinignan siya. "Saan ba ang grocery rito?" tanong niya. Tumingin ako sa tinatahak namin at tinuro ko ang grocery na malapit sa Jara. "Doon." Hindi niya sinagot ang tanong ko at tila ba may nasabi akong hindi niya inaasahan. Hindi na ako nag-usisa at nang huminto ang jeep niya ay bumaba na kami at pumasok sa grocery. Tinulungan ko siya na bumili ng mga nais niyang bilhin sa mga kapos. Nagdagdag ako ng mga biscuit at tinapay para naman makatulong ako kahit papaano. Masaya rin naman kakwentuhan si Cielo dahil may pagkapilyo pala siya habang nag-grocery kami. Nang ma-kwenta lahat ay binayaran ko at siya na ang nagbuhat ng mga plastick na mabibigat at ako sa magagaang. "Hay, tiyak na matutuwa ang mga kapitbahay ko. Salamat rito, Nicole." Ngumiti ako at tumango sa kanya. Nang mailagay niya sa likod lahat ng pinamili namin ay lumapit siya sa akin. Nabigla ako ng halikan niya ako sa pisngi. "A-Ano?" Napakamot siya ng ulo. "Sorry. Nadala lang ako." Tumango ako kahit nailang ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero nagulat ako ng biglang bumagsak si Cielo sa lupa. Napatingin ako sa may gawa no'n at halos manlamig ako ng makita ang nagdidilim na mukha ni Jace. Kinuwelyuhan niya si Cielo at nanlaki ang mata ko ng sikmura niya ito. "Jace!" Agad ko siyang pinigil ng ayaw niyang tantanan ng suntok sa sikmura si Cielo. Napatingin ako sa humawak sa akin at nakita ko ang mga bodyguard ni Jace. "Ano ba! Bitawan n'yo ako!" Hinatak nila ako palapit sa kotse at pinapasok. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakaharang sila kaya hindi ko mabuksan. Napatingin ako sa unahan at bigla akong napaiyak dahil kita ko na bugbog na si Cielo at duguan. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD