KABANATA 4

3523 Words
Kabanata 4 DAHIL official na naipasa ko na at tinanggap ng HR department ang resignation ko ay wala na akong work. Pero inuulan naman ako ngayon ng sermon. "Ano na ang ipapakain mo sa anak mo paglabas niya? Aba, Nicnic! Hindi ka man lang tumagal ng ilang buwan para makaipon. Hindi pa naman malaki ang tiyan mo para agad mag-resign." sabi ni Tiya Rosas. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ng sermonan ako ng mga Tita ko at ni Inay. Hindi ko naman masabi sa kanila ang dahilan kung bakit ako nag-resign. Dahil tiyak na magkakagulo lang. Kilala ko sila Tita. Kahit mga matandang dalaga sila ay kaya pa nilang gumawa ng gulo para lang ipagtanggol ako. Nagawa na nila dati iyon ng minsang i-bully ako sa school. Field day noon at dahil family day din noon ay sila ang dumalo. Nakita nila tuloy kung gaano ako binubully ng mga kaklase ko. Halos patulan din nila ang mga kaklase ko noon, kaya pati mga magulang ng mga kaklase ko ay nakipag-away sa mga tita ko at Inay ko. Kaso tila kahit sagad hanggang lupa na ang saya ng palda nila Tiya at Inay ay nakakakilos pa rin sila para mapataob sa away ang mga kapwa nila nanay. Hiyang-hiya ako dahil nauwi din sa amin ang kasalanan. Kaya mula noon ay hindi na ako pumasok at nagmumok na lang ako sa kwarto ko. Inilipat nila ako ng school pero ganoon pa rin naman. Pero ang kaibahan lang ay may nagtatanggol na sa akin at iyon ay si Beth. Kaya ayos na rin pala na nalipat ako noon dahil nagkaroon ako ng bestfriend mapa hanggang ngayon. "B-Basta po ayoko na pong mag work doon.. P-Paano po kapag nahirapan na ako sa trabaho dahil sa dinadala ko? Baka makunan pa po ako.." Napapisil ako ng daliri dahil kinakabahan pa naman ako kapag ganyang sobrang strict talaga nila. "Ano pa nga ba ang magagawa natin? Nakapagpasa at aprobado na ng HR n'yo ang resignation mo.. Ano ngayon ang plano mo? Saan ka kukuha ngayon ng pera?" tanong ni Inay. "Uhm, puwede naman pong mag business ako rito sa harap ng bahay natin. May ipon po ako at iyon ang gagawin kong puhunan." Nagkatinginan sila at lihim na napangiti ako dahil tila brilliant idea ang sinabi ko. "Hindi!!" Napanguso ako ng sabay-sabay pa silang tumutol. Lumapit sa akin si Tiya Rosalinda na nakapamaywang at inayos ang salamin sa mata niya. "Nung minsan na mag sideline ka ng negosyo sa harap ng bahay natin, anong nangyari? Tuwang-tuwa ka dahil ikaw lang ang kumain ng negosyo mong tuhog-tuhog. Pinagbigyan ka pa rin namin ng magtinda ka ng sari-sari store, pero ang ilan sa paninda mo ay na-expired dahil wala namang bumibili." Napakamot ako sa pisngi ko pero napangiwi ako ng paluin ni Tiya Rosas ang kamay ko. "Magmakaawa ka doon sa HR at bumalik ka sa work mo, Nicnic." Napapadyak ako dahil pinipilit talaga nila akong pinababalik sa Jara World. E, ayoko na nga makita ang impaktong lalakeng iyon na sobrang sama ng ugali. "BASTA AYOKO NA PONG BUMALIK DOON! KAYA 'WAG N'YO NA PO AKONG PILITIN!" Hingal na hingal ako ng masabi ko iyon. Tila nagulat sila sa binulalas ko kaya napapalo ako sa noo ko na nagmadaling tinalikuran sila at agad akong pumasok ng room ko. Gusto kong maiyak dahil tiyak na lalatayin nila ako ng palo sa puwet. "Naman oh!" Napapadyak ako ng paa ng makahiga ako sa kama ko. Pumikit ako at huminga ng malalim habang nakapatong sa noo ko ang isang braso ko. Kung hindi dahil kay Sir Jace ay hindi ako pagagalitan ng ganito nila Inay. Ngayon ay matanda na ako kaya naiiyak ako dahil tiyak na wala ng kukuha sa akin dahil sa edad ko. Pero kung hindi magiging successful ang negosyo ko ay susubukan kong mag apply sa ibang hotel, baka naman matanggap ako lalo't mayroon naman akong experience. "Tama!" Dumilat ako at bumangon. Napatingin ako sa tiyan ko at napahawak. May lucky charm ako kaya alam kong makakahanap ako ng trabaho. Napangiti ako dahil pangit man ang lahat ng nangyayari sa akin ay mayroon pa ring tama at ito ay ang nasa sinapupunan ko. Tumingin ako sa kahoy na bintana ko na de-slide. Kita ko ang sikat na araw at napakagandang panahon. Kaya hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Nagpahinga muna ako sandali at paggising ko ay naisipan ko ng linisin ang gagawin kong karinderya. Tutal marunong naman akong magluto kaya baka magamit ko iyon. Nag-unat ako ng braso at nagpalit ng suot. Ganoon pa rin naman. Isang bestidang na hanggang paa ko ang haba habang ang manggas ay hanggang wrist ko. Ang nagbabago lang talaga ay kulay at minsan naman ay polo blouse at paldang mahaba din kapag hindi bestida ang suot ko. Sa pamamahay na ito ay bawal ang maikli. Bawal ang kita ang balat. Ganoon kasi pinalaki sila Tiya at Inay nila Lolo. Palo ng kahoy sa likod ang dinanas nila kay Lolo ng minsang subukan nila na magsuot ng maikli gaya ng kaedaran nila. Tapos pumuslit pa sila Tiya para makipagsayawan sa kalapit bayan na nauuso nung panahon na iyon. Kaya hindi na nakakapagtaka kung ambunan nila ako ng nakagawian nila kahit na moderno na ang panahon ngayon. Inayos ko ang salamin sa mata ko at nagtaka na tumingin ako sa sala paglabas ko. Dahil ang tahimik kasi. Kadalasan kapag ganitong oras ay nanood sila Tiya ng telebisyon habang si Inay ay nananahi ng isusuot ko. Nasaan kaya ang mga iyon? "Inay? Tiya Rosas? Tiya Rosalinda? Tiya Mary?" Naglakad ako patungo sa kusina pero wala rin sila doon. Kaya naisipan kong bumaba sa baba dahil baka nasa silong sila at nagpapahangin. Napakamot ako ng braso dahil wala rin. Tumingin ako sa buong paligid ng lupain namin at napakuno't noo ako ng makita sa harapan ng bahay namin sila Inay at nandoon mismo sila sa dating saradong tindahan na karinderya ko. Agad akong lumapit ng makita na busy sila doon. "Oh, ayusin mo ang pintura.. Ikaw, bilisan mo pukpok d'yan at baka ikaw ang pukpokin ko sa paninitig mo kay Mary." sabi ni Tiya Rosas na sinusungitan ang mga karpintero. "Inay.. Mga Tiya, ano pong ginagawa n'yo?" Napalingon sila sa akin at lumapit sa akin si Inay na nakangiti. "Tinutulungan ka na namin na malinis itong dating karinderya. Wala na rin naman kaming magagawa kundi ang suportahan ka sa nais mo. Tutal ay naisip namin na baka magsisi kami kung magtatrabaho ka pa ng mabigat gayung ganyan ang kalagayan mo." Napangiti naman ako at tumingin ako sa kanila. Nakangiti sila Tiya kaya hindi ko mapigilan na sumaya sa suportang binibigay nila. "Salamat po.. Pangako po na magki-click po itong karinderya ko." "'Wag kang mag-alala, kahit ilang lugi ka na sa negosyo ay susuportahan ka pa rin namin, Nicnic." sabi ni Tiya Mary na napapahawi ng buhok dahil tila nagpapacute sa karpintero kaya nakatikim siya ng kurot kay Tiya Rosas na mas panganay sa kanilang apat. Sinundan lang ni Inay si Tiya Mary kaya bata pa rin siya kagaya ni Inay. "Pumasok ka na nga lang sa loob, Mary, at baka hukayin ko sa lupa si Papa sa pagkerengkeng mo." Nakasimangot, nagdadabog at nagmartsa na umalis si Tiya Mary para pumanik sa taas. Napailing ako na napangiti dahil kahit maedad na si Tiya Mary ay siya ang isip bata sa kanila. Tila wala lang choice kaya hindi nag-asawa. Pero sa nakikita ko ay tila gusto ni Tiya Mary na magka lovelife pero takot lang siya kay Tiya Rosas at Tiya Rosalinda na mas masungit talaga. Tumulong na rin akong mapaayos ang karinderya at sari-sari store ko. Pero sa magaang lang akong gawain dahil mahirap na at baka mapagod ako at mapasama pa sa akin. Natapos na din ang paglilinis at pinapatiyo na lang ang pintura. Kaya bumalik na muna kami sa loob para mag meryenda. Ako ay nagligo kaya nagpupunas ako ng buhok habang palapit sa kama ko. Kinuha ko ang passbook ko at dito naka save ang lahat ng naiiwang pera tuwing sasahod ako. Wala naman kasi akong masyadong gastos lalo na't hindi ako bumibili ng damit. Ang gatos ko lang ay pagbili ng pansarili kong gamit, mga kailangan sa bahay, gamot nila Inay, at yung kakainin namin. Mayroon namang pinagkakakitaan sila Inay--at iyon ang pananahi. Kaya nakakaraos talaga kami sa pang araw-araw at pati sa pagbayad sa mga bills. Pero ngayong wala na akong work, kailangan kong madagdagan itong ipon ko. Kailangan ko ring isipin ang gatos sa hospital oras na manganak ako. Tapos mga gamit din ni baby ay kailangan ko nang paghandaan. Magwi-wiithdraw ako ngayon para makabili na ng ingredients sa lulutuin ko at maging sa bubuksan kong kaunting paninda. Pinatuyo ko lamang ang buhok ko at pinusod iyon pagkasuklay. Sinuot ko ang salamin ko at kinuha ko na ang bag ko.. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko sila Inay na nagpapahinga sa sala kaya napatingin sila sa akin. "Saan ka pupunta, Anak?" "Mag withdraw po, Nay. Para mayroon na pong budget sa gagawin kong negosyo." "Ganoon ba.. Samahan na kita.." "Naku, wag na po. Kaya ko na po.." Lumapit at nagmano ako sa kanilang lahat. "Mag-iingat ka, Nicnic.. Tingin sa nilalakaran." Tumango at ngumiti ako kay Tiya Rosas na binilinan ako. Umalis na ako at nag-abang ng masasakyan sa harap ng gate. Nang makakita ng jeep ay pumara ako at agad naman itong huminto. Medyo marami rin ang sakay pero tiyak na kasya pa ako. Sumakay ako ng jeep at naupo sa gitna. Ito talaga ang minsan napapansin ko kapag sumasakay ako ng jeep. Lagi kang tinitignan ng mga nakasakay tila ba may dumi ka sa mukha. Nakakailang man ay pinagsawalang bahala ko na lang iyon at nag-abot ako ng baryang pambayad. "Sa bayan po.." Sinilid ko sa bag ang wallet ko at tumingin ako sa harapan para makita kung nasaan na ba kami. Mga sampong minuto minsan ang byahe pero kumporme pa rin sa daloy ng sasakyan dahil minsan traffic. Nang makarating sa bayan namin ay bumaba na ako kasabay ng ilang pasahero. Mabuti't hindi masyadong marami ang tao sa palengke kaya nakakapaglakad ako ng maayos. Sabagay, hamak na araw kaya walang masyadong mga namamalengke ng ganitong oras. Siguro kaninang umaga ay marami pero ngayong hapon ay wala na masyado. Naglakad ako patungo sa branch ng bank na pinaghuhulugan ko ng pera. Pero pagdating ko doon ay nagtaka ako kung bakit ang daming tao. Mga sumisigaw at binabalibag nila ng bato ang bangko. "Ibalik n'yo ang pera namin!" "Mga walanghiya kayo! Ibalik n'yo sa amin ang pera namin!" Kumabog ang dibdib ko sa mga narinig ko. Masama ang pakiramdam ko sa nangyayari. "Ale, bakit po nagkakagulo rito? Saka bakit sarado ang bangko?" "Ang walanghiyang mga nagtatrabaho d'yan. Lahat ng perang nilagay ng costumer nila ay tinangay nila. Ngayon ay walang ni isa ang lumalabas para harapin kami dahil nagsisitakasan na sila." Nanlaki ang mata ko at namutla ako sa sinabi nila.. Y-Yung fifty thousand ko... Lahat ng ipon ko ay tinangay ng bangko'ng ito. Hindi ko alam ang gagawin. Para akong masisiraan ng ulo. Hindi naman ako makasali dahil baka maipit ako at mapano ako sa pagwawala ng mga kapwa ko naloko ng bangkong ito. Kahit basagin ng mga tao ang salamin ng bangko ay mayroon namang bakal na nakaharang kaya hindi rin nila mabubuksan at hindi rin lalabas kung sino man ang naiwang tao sa loob. Nanghihina ako na napaupo sa hagdan at napaiyak dahil ang inaasahan kong pang puhunan at pang gastos sa panganganak ko ay nawala ng parang bula. Gulong-gulo ako at baka mapano pa ako rito sa labas kaya naisipan kong umuwi muna. Nag-iisip rin ako ng dahilan kung ano ang sasabihin ko kela Inay. Tiyak na sesermunan ako ng mga iyon. Dahil ilang beses na nilang sinabi sa akin na 'wag magtitiwala sa mga bangko kahit ano pang ganda ng serbisyo. Pagbaba ko ng jeep sa harap ng bahay ay nagtaka ako ng mayroong mamahaling itim na sasakyan na nakapasok sa loob ng gate namin. Kaya naman ay nagmadali ako sa pagpanik sa taas. Pero nagulat ako at napamaang ng makita sina Sir Jam at Mam Hera. Magkaharapan sila nila Inay at Tiya na nakahalukipkip ng upo tila pinagmamasdang mabuti ang mag-asawa. "Sir, Mam, ano pong ginagawa n'yo rito?" Napatingin sa akin ang lahat at napatayo si Inay. "Anak, ano bang sinasabi ng mga ito na magpapakasal ka raw?" Napalunok ako at tumingin kela Ma'am Hera na nakangiti sa akin. "P-Po?" "Kumusta ka na, Hija? Hindi ka ba nahihirapan sa paglilihi mo? May dala kaming prutas para makain mo." Tumingin ako kela Tiya na ang sungit ng tingin sa mag-asawa. "Anong akala n'yo sa amin walang pambili ng masusustansyang pagkain para sa pamangkin namin? Parang minamaliit mo kami, ah?" "Tiya.." Agad akong nagtungo sa gitna para maalis ang maling akala ni Tiya sa sinabi ni Ma'am Hera. "Hindi naman sa ganoon.. Bilang apo din namin ang nasa sinapupunan niya ay gusto lang namin na may maibigay din para sa healthy niya." "Ma'am, ayos na po ako.. Hindi na po sana kayo nagpunta rito. Hindi ko po tinatanggap ang alok n'yo." Napabuntong-hininga si Ma'am Hera habang si Sir Jam ay prenteng nakaupo. "Pero Hija, kami na ang bahala kay Jace Mabait naman ang batang iyon, nalilito lang siya kaya niya nasabi sa iyo ang bagay na iyon.." Umiling ako. "Kahit na po.. Sa pagpilit po niya sa akin ay pagpapakita pa lang po iyon na kaya niyang makasakit ng kapwa, basta 'wag lang masaktan ang minamahal niya." Napatingin ako kay Sir Jam na tumayo na at may kinuha ito sa pocket ng slacks niya. At sa wallet niya ay may kinuha itong card at inabot sa akin, kaya kinuha ko at tinignan. Business card. "Kapag nagbago ang isip mo ay pumunta ka lang sa address na iyan. I'll give you a deal with benefits." "Hoy! Anong binubulong mo sa pamangkin ko?" sita ni Tiya Rosalinda. "We have to go." Imbes na patulan ni Sir sila Tiya ay nagpaalam na ito at inaya na si Ma'am Hera na nagmamakaawa sa akin ng tingin. Nang makaalis ang mga ito ay napangiwi ako ng hampasin ako ni Inay sa likod. Kaya napaharap ako kay Inay habang hawak ko ang likod ko. "Bakit n'yo naman po ako pinalo?" "Ano ba ang pinaggagawa mong bata ka? Bakit pinuntahan ka ng mga iyon at sinabing magpapakasal ka raw sa anak nila?" "Narinig n'yo naman po.. Hindi ko nga po tinatanggap ang alok nila." "Ang ibig sabihin ba nito ay isang Esteban ang nakabuntis sa iyo, Nicnic?" Tumingin ako kay Tiya Rosas. Dahan-dahan akong tumango kaya napasinghap sila. "Tama iyan.. Masyadong mataas ang mga Esteban at tiyak na lolokohin ka lang din ng kung sino mang Esteban na nakabuntis sa iyo. 'Wag na 'wag mong tatanggapin ang alok nila, Nicnic." Tumango ako at nakahinga ng maluwag dahil mabuti't hindi nila ako pinilit. "Teka, naka-withdraw ka na ba, anak?" "P-Po?" "Sabi ko naka-withdraw ka na ba? Naisip namin na para hindi ka na mahirapan ay kami na lang ang bibili ng mga kailangan mo sa negosyo mo." Napaiwas ako ng tingin at napaatras. Pekeng ngumiti ako kela Inay. "Ah, hindi pa po, Inay.. Sarado po pala 'yung bangko ngayon... Sige po, pasok lang po ako sa kwarto ko.." Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa nila at agad na akong nagmadaling tumungo sa kwarto ko. Pagpasok ko ay napasandal ako sa pinto at agad ding nanlumo. Napaupo ako sa sahig at napaiyak ng maalala na nawala ang lahat ng ipon ko. Niyakap ko ang binti ko at mahinang napaiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin lalo pa't nakapagsinungaling ako kela Inay. Parang napakamalas ko naman ngayong buwan. Pero hindi ang baby dahil swerte sa akin ito. Minalas lang talaga ako ng magkaroon ng koneksyon ang buhay ko sa Esteban. Paano ko sasabihin kela Inay na lahat ng inipon ko sa bangko ay nawala ng parang bula? Paano na rin ang ipanggagastos ko sa susunod? Paano na rin sa panganganak ko? Wala na akong choice kundi ang maghanap ng trabaho. Agad akong tumayo at lumapit sa laptop ko. Naupo ako sa kama at binuksan ang laptop ko. Napapunas ako ng luha at huminga ng malalim. Nag-research ako ng mga hiring na work bilang housekeeping. May mga nakita ako kaya kinuha ko ang notes ko at sinulat ang address ng mga nakalagay para puntahan ko. Lumapit ako sa printer para mag print ng resume ko. Kung kailangan na bukas na bukas ay mag apply ako ay gagawin ko. Sasabihin ko na lang kela Inay na ayoko ng mag negosyo. Stress na stress ako ngayon. Kabilin-bilinan pa naman ni Doctora ay 'wag akong magpapa-stress. Nahiga ako sa kama ko at pumikit. Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang perang tinangay ng bangko. Kahit magwala o magsampa ng kaso ay nakatakas na ang mga salarin. Mayroon pa akong sasahurin sa Jara World pero hindi sapat iyon lalo na't bayaran na ng mga bills ngayong buwan. Lalong sumakit ang ulo ko. Bumangon ako at agad na lumapit sa closet ko. Nagsuot ako ng medyo formal na damit. Pero mahaba pa rin ang palda. Kinuha ko ang resume ko at nilagay sa folder. Kinuha ko ang bag ko at agad akong lumabas ng kwarto. "Anak, saan ka na naman pupunta?" "Mag aapply po.." "E, paano 'yung negosyong gusto mo?" Hindi ako makatingin kay Inay. "Ah.. 'pag nakahanap po ako ngayon ng trabaho ay baka hindi po muna ako mag negosyo, Inay." Napahinga siya ng malalim at hinaplos ang mukha ko. "Ipagpabukas muna lang ang pag apply, Anak. Tila pagod na pagod ka ngayon. Baka mapano ka pa sa labas." Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Ayos lang po ako. Mag-iingat po ako. Pakisabi na lang po kela Tiya na umalis lang po ako saglit." Tumango siya kaya ngumiti ako at tinalikuran na siya. Nawala ang ngiti ko at napabuntong-hininga ako. Sumakay muli ako ng jeep para makapunta sa lugar na sinulat kong address ng hotel. Nang makarating sa una kong a-applyan ay tumingala ako. Hindi siya kasing laki ng Jara World. Pero mukha naman siyang mabenta dahil maraming pumapasok na gustong mag check-in. Kaya pumasok na ako. Kakaiba lang ang hotel na ito dahil parang ang daring ng itsura. Napatingin ako sa couple na humahagikgik pa ang babae habang binabastos na siya ng lalake habang tila patungo sa room nila. "Yes, Miss?" Napatingin ako sa babaeng nasa pinaka front desk kaya nakangiti na lumapit ako. "Nakita ko po kasi na hiring ang housekeeping attendant n'yo. Mag aapply po sana ako. Heto po, may experience po ako." "Okay, tinatanggap na kita." "Po?" Gulat ako dahil agad niya akong tinanggap kahit hindi pa niya nababasa ang resume ko. "May experience ka kamo?" "Opo." "Oh, edi tanggap ka na. Ngayon ka na magsimula.. Cielo!" Napakuno't noo ako dahil hindi ganito ang inaasahan ko. Inaakala ko ay mai-interview pa muna ako. "Yes, Madam?" Napatingin ako sa lalakeng dumating at nagsalita. Nagulat ako ng makilala ang lalake. Kaya pala pamilyar ang tinawag ng babae. "Ikaw?" Ngumiti siya at kumindat kaya napatikhim ako. "Ituro mo sa kanya ang gagawin." "Okay. Tara, Miss." Tumingin pa muna ako sa babae na busy sa pagnguya ng chewy gum. Sumunod ako kay Cielo. "Di ba taxi driver ka? Bakit narito ka?" Ngumiti siya habang nakatingin sa nilalakaran namin. "Sa madaling araw hanggang tanghali ay taxi driver ako. Sa hapon ay dito ako sa motel." Napahinto ako sa sinabi niya. "Wait. Motel ba sinabi mo?" Nagtataka na tumingin siya sa akin. "Oo. Bakit ano bang akala mo?" "Akala ko ay hotel ito.." Natawa siya. "Hotel nga. Kaso ang kaibahan lang rito ay mga wild ang nagche check-in rito." Napailing ako. "Hindi na pala.. Akala ko ay matinong hotel itong inapplyan ko." Tumalikod na ako at mabilis na naglakad palabas. Tinatawag pa ako ng babae pero hindi ko na pinansin. Huminto ako at tinignang mabuti ang pangalan ng hotel. Motor Hotel! Hindi ko man lang napansin ang motor dahil sa liit tila sinadyang 'wag mapansin. Napailing ako dahil sa kalabuan ng mata ko ay napasok pa ako sa ganitong klaseng inn. Tumalikod na ako sa motel at hahakbang sana ako ngunit napahinto ako ng may huminto sa harap ko. "What are you doing here?" matigas na ingles na sabi ng pamilyar na boses.. Nang mag angat ako ng tingin ay napasinghap ako ng bumungad ang mukha ni Sir Jace na masama ang timpla ng mukha. "S-Sir J-Jace.." "Hey! Aalis ka agad, maganda naman rito." Namutla ako ng sumunod pala sa akin itong si Cielo. Nakita ko na lalong nagdilim ang mukha ni Sir Jace. Tila mali ang naiisip niya. "So disgraceful lady. Tsk. I thought you don't want the money." Napanganga ako sa sinabi nito. Magre-react sana ako kaso agad na itong tumalikod. Nakita ko ang isang sports car na pula at doon siya sumakay. Hindi ako makapaniwala. Ano bang iniisip no'n? "Ayos din no'n. Hanep ng sports car." Napailing ako at hindi na pinansin si Cielo. Napapaisip pa rin ako kung bakit narito si Sir Jace. At tila mali pa siya ng iniisip sa akin. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD