HINDI AKO NAKATULOG ng gabi dahil hindi mawala sa isip ko ang reaksyon ni Sir Jace. Pati sa pagpikit ko ay nakikita ko ang madilim niyang mukha at dumudugo niyang kamay. Napanaginipan ko pa siya at hindi daw siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang totoo.
"Ayaw mo ba ng pagkaing nakahain, Anak?"
Lutang na napatingin ako kay Inay ng pukawin niya ako. Nakatingin pala sila sa akin habang kumakain. Pinaglalaruan ko lang ang pagkain ko ng hindi ko namamalayan.
"Ah, hindi po, Inay. Wala lang po talaga akong gana."
"Naku! Baka dahil mapili ang baby mo?" sabi ni Tita Mary.
"Oo nga. Pero dapat kumain ka pa rin, NicNic.. Bawal sa buntis ang malipas ng gutom." sabi ni Tita Rosalinda.
"Opo.."
Sumubo ako dahil naisip ko rin na unang pagbubuntis ko pa lang ay pababayaan ko na agad ang baby ko. Saka magpapa check-up ako ngayon bago dumeretso sa work kaya dapat ay kumain ako ng hindi ako mahilo.
"Anak, pinagbaon na kita ng healthy bread. Mayroon 'yang palaman na gulay at mayonaise kaya masustansya 'yan sa iyo."
Ngumiti ako kay Inay at kinuha ang baunang nilahad niya.
"Salamat po rito, Inay. Mauna na po ako."
Tumango siya kaya nagmano ako. Kumaway ako kela Tita na nasa sala at naglilinis ng bahay.
Nilagay ko sa bag ko ang lunch box at napahinga ako ng malalim na bumaba ng hagdan. Tinignan ko muna ang labas dahil baka mayroon na namang nakaabang na tauhan ni Sir Jace. Pero wala naman akong nakita kaya kampante akong lumabas ng gate.
Nag-abang ako ng taxi para ihatid muna sa isang hospital. Nang makakita ay pumara ako na agad namang huminto. Pagsakay ko ay sinabi ko agad kung saan ako ibababa.
Nag-text sa akin si Beth na nasa mall sila ng ka-date niya. Mamaya pa ang shift ng lukaret kaya may oras pa siya na makipag date. Napangiti ako dahil masaya na ako sa bestfriend ko. Kahit paganyan-ganyan siya ay alam ko na hindi naman siya nasasaktan kahit ilang beses na siya papalit-palit ng boyfriend. Siguro ay hindi pa siya nakakatikim ng masyadong heartbreak sa mga naging kasintahan niya.
Napahinga ako ng malalim dahil kahit minsan ay hindi ko mararanasan iyon. Kapag nakakakita ako ng magkasintahan na nag-check-in sa hotel ay nakakaramdam din naman ako ng inggit. Dahil kita ko kung ano ang nagagawa ng love sa magkasintahan.
"Nandito na tayo, Miss."
Napatingin ako sa driver at pansin ko na tila bata pa itong driver ng taxi. May itsura naman at mukhang mabait.
"Ah, magkano?"
Tumingin ako sa monitor niya at nakita ko ang takbo at presyo, kaya naglabas ako ng pambayad at inabot sa kanya.
"Salamat, Miss."
Ngumiti ito kaya napaayos ako ng salamin at umiwas ako ng tingin. Pinamulahan ata ako ng pisngi ng hindi lang ako ngitian ng lalake kundi kinindatan din. Nang makababa ako ay lumingon ako sa taxi. Binaba nito ang salamin sa passenger seat.
"Anong pangalan mo, Miss?"
"H-Huh?"
Ngumiti siya.
"Ako si Cielo. Ingat ka."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumibat na siya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi at ginawa ng lalakeng iyon.
Napailing ako at humarap na sa hospital. Huminga ako ng malalim at humakbang na. Hinanap ko ang ob-gyne clinic ng makapasok ako.
Tumikhim ako at hindi na pinansin ang tinginan ng mga nakakasalubong ko na napapatingin sa suot at ayos ko. Hindi na bago sa akin ito dahil kahit saan ako magpunta ay pinagtitinginan ako. Nakasanayan ko na itong isuot at komportable ako rito.
Kumatok ako ng makita ang isang clinic ng ob-gyne. Bumukas ang pinto at nakita ko ang isang nurse.
"Yes, Mam?" tanong nito.
"Ah, magpapa check-up sana ako."
Tinignan ako nito at tumango siya kaya humakbang ako habang bitbit ng dalawang kamay ko ang bag ko.
"Have a sit, Ma'am.. Sandali lang at may kausap pang patient si Doctora."
"Okay. Salamat." naupo ako sa isang silya. Ako pa lang ang nakaupo sa waiting area ng clinic.
Lumibot ang mata ko sa paligid ng clinic at nakita ko ang bawat cycle ng pagbubuntis. Nag-e-enjoy naman ako sa nakikita ko. At least may nalalaman ako ng kaunti sa pagbubuntis ko.
"Ms. Lacubtan!"
Tumingin ako sa nurse at ngumiti ito na tumango na kaya tumayo na ako.
"Dito po.."
Nakita ko si Doctora at napatingin ito mula sa pagtingin sa sinusulat niya. Naupo ako sa silyang nasa harap ng table nito. Tumingin ako sa nurse na umalis na kaya kay Doctora muli ako tumingin.
"Kinunsulta mo ba sa paggamit ng pregnancy test kaya ka narito ngayon?" tanong niya.
"Opo.. Nakaramdam po kasi ako ng kakaiba sa katawan ko na hindi ko naman po nararamdaman noon."
Napatango siya.
"Alright. Nakaramdam ka ba ng morning sickness?" tanong niya at tumayo.
"Opo. Nagsusuka po ako tuwing umaga at nanlalata po ako kaya minsan ayoko ng bumangon sa kama."
"Okay. Tara rito at mahiga ka."
Binaba ko muna sa upuan ang bag ko at lumapit ako sa higaang tinuturo niya. Inayos ko ang saya ng suot kong palda na hanggang sakong ko ng makahiga ako.
"Ilang araw mo ng nararamdaman ang pagsusuka?"
"Hm, mga ilang linggo na rin po."
Tumango siya at pinataas niya sa akin ang blouse ko kaya nahiya ako.
"Don't be shy. Babae din ako at natural lang ito. Kailangan nating tignan kung mayroon na nga bang laman ang tiyan mo para makasiguro at malaman rin kung ilang araw na ba ito."
Tumango ako at medyo tinaas ko lang na kinangiti niya. Nang ipataas pa niya ay nahiya na ako pero ngumiti lang ito at may nilagay siya na parang gel sa tiyan ko.
Napalunok ako dahil kinakabahan ako. Tumingin si Doctora sa monitor kaya napatingin din ako doon. Maitim at parang ulap-ulap pa nung una. Pero nang may parang liwanag sa mga ulap-ulap at may malaking parang butas ang itsura ay mayroong parang namumuo sa gitna no'n.
"This cloth is your baby."
Napamaang ako sa tinuro ni Doctora. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang namumuo sa parang bilog na hugis ay ang anak ko pala.
"You are two weeks pregnant. At maayos naman ang health mo base sa nakita kong normal na heartbeat at blood presure mo. Advice ko lang ay healthy food, drink water always, and exercise."
Ngumiti ako na umayos ng upo at binaba ang blouse ko.
"Opo. Salamat po, Doctora."
"At mayroon pa pala na dapat mong alalahanin.. Umiwas ka sa stress at dapat ay laging sapat ang tulog. Bawal sa buntis ang nagpupuyat."
Tumango ako at bumaba ng higaan.
"Mayroon po ba akong dapat na inumin na mga gamot kapag may sakit po ako?"
"Oo nga pala, bawal ang alin mang medicine puwera sa vitamins na irerekomenda ko. Kailangan na kumunsulta ka sa akin kapag may nararamdaman kang ano mang sakit sa katawan mo."
"Sige po.. Saan ko po babayaran itong check-up ngayon?"
"Sa cashier na lang sa labas at hintayin mo nga pala itong unang ultrasound mo.."
"Salamat po muli, Doctora.."
Tumayo na ako at tumalikod. At gaya ng sabi niya ay sa cashier ako nagbayad. Bumalik muli ako sa clinic ni Doctora at inabot niya sa akin ang ultrasound record ko na nakalagay sa envelope.
Habang naglalakad ako sa hallway ay tinignan ko ang laman at nakita ko ang picture ng ultrasound ko. Kaya napangiti na kinuha ko at tinignan.
Ganito pala ang itsura niya sa loob ng tiyan ko. At pagtagal ay makikita ko na rin ang pagbuo ng katawan niya.
Binalik ko na muli sa envelope ito at sinilid sa bag ko. Paglabas ko ng hospital ay nagpara ako ng taxi. Naalala ko muli 'yung taxi driver na si Cielo.
Ano kaya trip no'n?
Napailing na lang ako dahil hindi na rin bago na mayroong nang-trip sa akin ng ganoon. Dati na akong nagkagusto pero pinaglaruan lang pala ako. Kaya nga hindi na rin ako umaasa na mayroong magseseryoso sa akin.
Pagdating sa Jara World ay inatake na ako ng kaba. Pero pinakalma ko ang sarili ko. Naalala ko na mayroong iniinom si Sir Jace na alak at tiyak na lasing lang ito kaya ganoon ang inasta niya. Kaya tiyak na makakalimutan niya rin iyon.
Huminga ako ng malalim ng makababa ng taxi. Naglakad ako papasok sa hotel at pinagtitinginan agad ako ng mga katrabaho ko na naka duty.
"Congrats, Nicole."
"Salamat."
"Congrats."
Panay ang salamat ko sa bumabati at tila lahat ata ay napanood ang video ko sa f*******: at ngayo'y binabati ako. Mayroon ring nakakilala sa aking mga guest ng hotel na binabati rin ako.
Pagdating sa locker ay binabati din ako nila Jane.
"Ilang buwan na ang baby mo, Nicole?" tanong ni Heidi.
"Ah, two weeks pa lang sabi ni Doctora."
"Pero curious lang kami. Sino ang ama n'yan? May boyfriend ka ba? Parang hindi naman namin alam.." tanong ni Jane.
Hindi naman agad nakasagot habang kinukuha ko ang uniform ko sa locker. Ngumiti na hinarap ko sila habang bitbit ang uniform ko.
"Confidential e. N-Nagka boyfriend ako pero iniwan din ako.."
Napahigpit ang hawak ko sa uniform dahil ang hirap talaga mag sinungaling kapag hindi mo naman dating ginagawa ang bagay na iyon.
Iniwan ko sila pero bago iyon ay may simpatyang tingin na binibigay sa akin ang mga ito. Pagpasok ko ng banyo ay napabuga ako ng hangin dahil mabuti't naniwala sila.
Sinuot ko ang uniform ko at paglabas ko ay wala na sila, kaya napahinga ako muli ng malalim at lumapit sa locker ko. Kinuha ko ang paper bag ko at sinilid ko doon ang kanina kong suot.
Nag-ayos lang ako ng sarili at nang ayos na ang make-up ko ay lumabas na ako at tumungo sa houskeeping department.
Habang tulak-tulak ang cart patungo sa elevator ay kinakabahan ako na baka makita muli si Sir Jace. Pero nang makarating sa elevator ay nakahinga ako ng maluwag na walang anumang tao sa loob. Magsasara na sana ang elevator pero nagulat ako ng sumulpot si Sir Jace at pinigilan ang pagsara ng elevator gamit ang kamay niya kaya naipit ang kamay niya sandali. Pero balewala sa kanya iyon at pumasok siya at hinatak ako palabas.
"S-Sir..."
Nagpupumiglas ako pero mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Hinatak niya ako at alam ko na patungo ito sa office inya kaya may makakakita na hawak-hawak ako ni Sir.
Malakas na binawi ko ang kamay ko sa kanya kaya napabitaw siya. Napahinto siya at natakot naman ako ng lingunin niya ako ng may matalim na tingin.
"Don't try me, you don't like it."
Hindi ako nakapalag ng hawakan niya ako muli sa braso at hinatak. Napayuko ako habang nanlalamig na ako sa takot.
Tumingin ako sa nilalakaran namin at nakita ko na napapatingin sa amin ang mga katrabaho ko at ilang guest. Napayuko ako lalo at nang makapasok sa conference room ay binitawan na rin niya sa wakas ang braso ko.
"Have a sit, Miss." sabi ng bodyguard niya na naririto rin sa loob.
Nanginginig ang mga paa ko na humakbang ng gabayan ako ng isang BG niya sa swivel chair. Nang makaupo ako ay napaangat ako ng tingin at nakita ko sa kabilang dulo nitong long table si Sir Jace na nakahalukipkip na nakaupo sa swivel chair habang mataimtim na nakatingin sa akin.
Napayuko ako at napapisil ako ng kamay sa sobrang kaba.
"Miss, ikaw ba ang nasa larawang ito?"
Napatingin ako sa nilapag na litrato ng bodyguard. M-May kuha kami ni Sir Jace habang magkatabi sa kama pero ang mukha ko ay hindi masyadong kita dahil sa buhok kong sumabog sa mukha ko na kinahiya ko.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil bakit may kuha kami? Mayroon pang ibang pumasok sa room at nakita ang ganoong sitwasyon ko kay Sir Jace pagkatapos ng may nangyari sa amin.
"A-Ano bang i-ibig sabihin nito? B-Bakit tinatanong n'yo ako tungkol d'yan?"
"Dahil may gustong sumira kay Senyorito at sinet-up siya sa iyo. Kaya umamin ka na kung ikaw ba ito ng maayos itong gusot."
Napayuko ako at napapikit. Ganoon pala ang nangyari. Nadamay ako sa set-up.
"She's the girl. So, let's make a deal."
Napadilat ako at tumingin kay Sir Jace. Nakatingin siya sa akin tila ba sigurado siya na ako ang babaeng nasa larawan. Wala na rin akong choice kundi ang umamin. Dahil tila nais talaga nilang malaman ang nag set-up sa amin.
"A-Anong deal?"
Ngumisi siya at sinenyasan ang bodyguard niya. Mayroong nilapag na papel sa harap ko kaya nagtataka ako.
"Dahil hindi puwedeng kumalat na may nangyari sa inyo ni Senyorito, at hindi puwedeng magkaanak siya sa iyo, bibigyan ka niya ng kabayaran para sa gagawin mo. Twenty million.."
"T-Teka, anong ibig mong sabihin?"
Tumingin ako sa kanilang lahat at kay Sir Jace na wala man lang reaksyon.
"Abort that child."
Napamaang ako sa sinabi ni Sir Jace. Nanghihina na tumayo ako sa swivel chair habang nakahawak sa lamesa. Tinignan ko ang papel at binasa ko. Nakita ko na bibigyan niya ako ng twenty million kapalit ng pag abort ko sa anak ko.
Natawa ako peke at napakuyom ng kamay. Kinuha ko ang papel at matapang na hinarap si Sir.
"Wala naman hong kaso sa akin na hindi n'yo ako panagutan. Hindi ko din ho pinagsasabi sa iba kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko. Pero ang nais n'yo na patayin ko ang anak ko ay hindi ko pinanghihintulutan... Alam n'yo, kung ano man ang dahilan kaya gusto n'yong mawala ang anak ko, hindi pa rin tama na uutusan n'yo akong patayin ang anak ko na nasa sinapupunan ko pa lang! Inyo na ang twenty million n'yo!"
Hinagis ko pabalibag kay Sir Jace ang papel at tinulak ko ang bodyguard na nasa tabi ko.
"Stop!"
Napahinto ako sa paghakbang ng dumagundong na nagsalita ang impaktong lalakeng ito. Akala ko pa naman na masungit lang siya, pero wala pala siyang kasing sama.
Lumakad siya palapit sa akin at huminto sa harap ko. Tinignan niya ako ng seryoso.
"Hindi puwedeng malaman ni Liana ito, kaya pumayag ka na. Twenty million is not enough? Okay, fifty million."
Napaiyak ako dahil sa sinabi niya.
"Wala akong pakialam kung malaman man ng girlfriend mo ang pagbubuntis ko! At kahit ilang presyo pa ang ibigay mo ay hindi ko ipapa abort ang anak ko!"
Napatiim-bagang siya.
"Harvy Jace!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng galit na boses na tumawag sa buong pangalan ni Sir. Pero isang malakas na sampal ang tumama kay Sir Jace. Napatakip ako ng bibig sa gulat ng makita si Ma'am Hera ang sumampal.
Nagulat si Sir Jace sa ginawa ni Mam.. Narito rin si Sir Jam na may kilik na bata.
"Tama ba ang narinig namin? Ipapa abort mo ang pinagbubuntis niya? Anong klaseng pag-iisip 'yan, Anak?"
"M-Mom, why are you here? Dad?"
Ngayon ko lang nakita nagbago ang reaksyon ni Sir Jace. Para siyang maamong tupa ng makitang galit ang Mom niya.
"Mabuti nga't naisipan kong puntahan ka rito. At hindi ko akalain na maririnig ko mismo sa bibig mo na gusto mong ipa-abort ang batang nasa sinapupunan niya. Nahihiya ako sa inasal mo, Anak."
Humarap sa akin si Ma'am Hera kaya napayuko at napapisil ako ng kamay.
"Anak ko ba ang ama ng pinagbubuntis mo, Hija?"
Maluha-luhang tumingin ako rito at nakatingin siya sa akin. Sa mukha ni Ma'am Hera at klase ng pagsasalita ay parang ang bait niya. Dahan-dahan akong tumango kaya nakita ko na mas nagalit ang reaksyon niya at humarap muli kay Sir Jace.
"Anak mo ay nais mong ipapatay? Ha, Jace?"
"Mom, I need to this. What if Liana know this?"
"Ano naman kung malaman ni Liana? Hindi mo uutusan ang dalagang ito na ipa-abort ang pinagbubuntis niya. At pananagutan mo sila."
Naguluhan ako sa sinabi ni Ma'am Hera.
"What? What do you mean, Mom?"
Humarap sa akin si Ma'am Hera at ngumiti siya sa akin bago ako hawakan sa balikat ko.
"Magpapakasal kayo."
"Po?" "WHAT?"
Nagkatinginan kami ni Sir Jace ng sabay kaming nag-react pero agad din akong umiwas ng tingin sa kanya.
"No way!" galit na sabi ni Sir Jace.
Tumingin ako kay Mam Hera.
"Sa iyo kami magkakaroon ng unang apo. Kaya gusto kong magpakasal kayo dahil ayokong mawalan ng ama ang apo ko kapag lumabas siya. 'Wag munang isipin ang anak ko at ang asawa ko na ang bahala sa kanya."
"Mom!"
"Jace, don't shout your mom." maawtoridad na sabi ni Sir Jam.
"P-Pero Ma'am.."
"Anong pangalan mo, Hija?"
"F-France Nicole Lacubtan po, Ma'am."
Ngumiti siya at ang ganda niya. Ang sexy din ng suot niya na parang mas mukha pa siyang bata kaysa sa akin.
"I can't marry her! And that's my decision!"
Pagkatapos sabihin ni Sir Jace iyon ay nag walk-out siya. Napayuko ako dahil sino ba naman kasi ang magtatangkang magpakasal sa akin? Sa itsura pa lang ni Sir Jace ay wala sa tipo niya ang magustuhan ako. At halata naman na mahal na mahal niya si Miss Guiliana, kaya gusto niyang ipapatay ang anak ko at ayaw niyang magkaroon ng ano mang koneksyon sa akin na maaaring makasira sa relasyon nila.
Tumingin ako kay Ma'am Hera at Sir Jam na napapabuntong-hininga sa inasal ng anak nila.
"Ma'am, Sir, I'm sorry po. Pero hindi po ako magpapakasal sa anak n'yo. Hindi naman po ako maghahabol sa kanya at hindi ko po ipapaalam sa iba kung sino po ang ama ng anak ko. Pasensya na po.."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tipid na nginitian ko sila at tinalikuran na. Paglabas ko ay napapikit ako at napahinga ng malalim.
Akala ko ay wala ng mangyayari pang iba bukod kahapon, pero mas malala pa pala ngayon.
"Nicole, are you okay?"
Napadilat ako at napatingin kay Sir Louie.
"Ah, opo, Sir."
"Narito daw sila Ate?"
Tumango ako kay ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.
"Sige, puntahan ko lang sila."
Tumango ako at umalis sa harap ng pinto. Binuksan niya ang pinto at tumingin muli sa akin.
"Sige.."
Pumasok na siya kaya napahinga ako ng malalim at umalis sa harap ng conference room. Lutang ako sa lahat ng iniisip ko at hindi ko mapigilan na matakot para sa anak ko. Napahawak ako sa tiyan ko at hindi ko mapigilan na mapaiyak. Napatingin sa akin ang mga guest na naglalakad sa hallway kaya yumuko ako at mabilis na lumiko patungong fire exit. Lumabas ako ng hotel at dito ako sa likod nagpunta. Lumapit ako sa fountain at naupo sa upuang batong humaharang rito.
Hindi ko naman hinangad na panagutan niya ang baby ko, pero ang sabihin niya na alisin ang karapatan na masilayan ang mundo ng baby ko ay sobra akong nasaktan. Dahil kung siguro naririnig ng baby ko ang sinabi ng ama niya ay tiyak na masasaktan ito.
"Hey Nicole!"
Nagulat ako ng may nagsalitang matinis na tinig. Napatingin ako sa batang pamilyar na may kakaibang outfit. Napapunas ako ng luha at napatayo ako.
"Ikaw 'yung batang nawala na lang bigla."
Ngumiti ito at lumakad siya palapit sa akin. Kasunod niya ang dalawa niyang bodyguard.
"Nandito ang Mommy at Daddy ko." aniya at humawak sa kamay ko, "Tara, ipapakilala kita sa Mommy at Daddy ko."
Ngumiti ako at naupo para mapantayan siya. Tinignan ko syia at naka lipstick na naman siya.
"Hindi na. Uuwi na din kasi ako at baka hindi mo na rin ako makita rito."
Natigilan siya.
"Why? And why are you crying?"
Mapait na ngumiti ako at pinunasan ko ang luha ko bago inayos ang salamin ko para makita siya ng maayos.
"Ang sama kasi ng ugali ng bagong boss ko. Kaya ayoko ng mag work rito."
"Bakit masama ugali niya?"
Hinawakan ko siya sa braso nyia at ang dami din niyang suot na kolorete sa katawan. Pero hindi na siya naka animal coat ngayon, naka red dress na siya with boots.
Ngumiti ako sa kanya dahil kapag lumabas na ang baby ko ay sana kasing cute niya.
"Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi niya kaya aalis na ako rito."
Nakita kong ngumuso siya.
"I'm so excited pa naman to be here because I want to see you.." malungkot niyang sabi.
Napangiti naman ako dahil tila nagustuhan pala ako ng batang ito.
"Baka magkita pa rin naman tayo balang-araw.. Oo nga pala, anong name mo?"
"Nana.."
"Wow! Nana.. Ang cute naman ang name mo."
Hinawakan niya ang mukha ko at nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi. Tumingin syia sa akin.
"I like you."
Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Nakakataba ng puso at medyo nabawasan ang dinadamdam ko dahil sa sinabi nya.
"I like you, too, Nana.."
"Senyorita, hinahanap ka na ng Daddy mo."
Tumingin ako sa bodyguard ng magsalita ito. Tumingin ako kay Nana na nagsalubong ang kilay.
"Tsk. Leave me alone, okay?"
Napanganga ako ng sungitan niya ang bodyguard niya. Hindi naman umimik ito at nakatayo lang ng tuwid tila wala namang pakialam sa pagtataray ni Nana.
Tumayo na ako kaya napatingin sa akin si Nana.
"Sige na. Magpunta ka na sa daddy mo. Papasok muli ako sa hotel para tapusin ang trabaho ko at para magpasa ng resignation paper ko."
Yumakap siya sa baywang ko kaya napangiti ako na hinaplos ang buhok niya.
"Ba-bye!"
Agad siyang umalis ng yakap sa akin at tumakbo palayo. Napangiti ako kahit papaano. Ang bait ng batang iyon kahit mukhang mataray at kakaiba sa lahat ng bata.
Napahinga ako ng malalim at naupo muli sa batong upuan. Napatingala ako sa building ng hotel. Ang tagal ko ring nagtrabaho rito at hindi ko akalain na mapapaaga ang alis ko. Akala ko ay aabot ako ng hanggang retirement ko.
Napahawak ako sa tiyan ko at naalala ko muli kung gaano kagustuhan ni Sir Jace na maalis ang baby sa sinapupunan ko. Napakuyom ako ng kamay dahil kahit anong gawin niya hindi ko ipapalaglag ito.
Copyrights 2019 © MinieMendz