Binabagabag talaga ako sa tinatago ni Jace sa akin. Pakiramdam ko kasi ay may nililihim sya sa akin. Gusto ko nga na ma-tyempuhan ang phone nya para tignan ang conversation nila ni Secretary Sen. Kaso lagi nyang dala, at kung hindi man ay hindi ko mabuksan dahil may nakalagay na password. Nanghihinala tuloy ako sa kanya dahil ngayon lamang sya naglagay ng password sa cellphone nya. Napukaw lamang ako ng tumabi sa akin si Jace sa kama ng makapaligo sya. Nakatalikod ako sa kanya. Niyakap nya ako at hinalikan ang balikat ko. "What's your problem to me, Honey?" tanong nya. Napahinga ako ng malalim at umiling. Ayokong sabihin dahil baka hindi rin sya umamin. At tiyak akong tatanggi lang sya. Kaya mabuti na ako mismo ang tumuklas. "Wala. Matulog na tayo." Pumikit na ako habang sya ay hali

