KABANATA 26

3667 Words

Nawalan ako ng gana at hindi parin kami nagpapansinan ni Jace. Mabuti nga at pumasok nalang ito sa opisina kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. "Mama.." Napatingin ako kay Tiago na pumasok ng room ko. Napapahid ako ng luha at ngumiti na hinarap ito. "Bakit, Tiago?" tanong ko. Narito ako sa veranda at nakatanaw sa kalsada. Baka sakaling makita ko si Louis. Kaso wala talaga. "Umiiyak at nag-aaway po ba kayo ni Dad dahil kay Louis?" Umiling ako rito. "Hindi, medyo nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan kami ng Dad mo. Wag mo ng isipin iyon." Ngumiti sya at tumango. "Mama, 'di ba po sabi nyo ay pupunta tayo sa mall, hindi pa ho kasi ako nakakapunta ng mall." Hinawakan ko ito sa balikat at napahinga ako ng malalim. Wala sana ako sa mood na lumabas pero nakakakonsensya naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD