Narito kaming lahat sa hapagkainan kasama ang kumupkop kay John maging si Inspector June. Tahimik ang mga anak ko at tila mga ilang pa kay John at sa ibang taong narito. "Kumain na tayo." sabi ko. Katabi ni Jace sa kabilang side nya si John habang nasa kabila nya ako. Katabi ko naman ang apat na bata at sa dulo ay sila Inspector June at ang naging parents ni John. Na si Aling Lilibeth at Mang Kano. Nagsikainan naman na sila kaya pinaglagyan ko si Quinn ng pagkain. "Excuse me po, pero itatanong ko lang po kung bakit naririto si Louis, Mama?" Napatingin ako kay John ng itanong nya iyon. Ngumiti ako rito at tumingin kay Louis na napahinto sa pagkain at napatingin kay John. "Simula kasi ngayon ay dito na rin titira si Louis, John." "Po? Anak nyo rin po sya?" tanong nya tila ba gulat.

