Lahat nakatutok sa pinaka sentro kung nasaan nakatayo ang dalawang maglalaban. Nasa malayo naman ang tolda ng mga maharlika upang manood sa biglaang kompetisyon na isinagawa ng hari. Pumapaikot ang dalawa sa isa't-isa naghahanap ng tyempo kung kailan hindi aasahan ng kalaban ang kanilang plano sa pag-atake. "Kilala mo na siguro ako noong una mo akong nakita hindi ba?" wika ni Gadel, katulad ng mga ibang dragun ayon ang bagay na agad nilang napapansin. Parang bang nakikita nila ang kaluluwa mo sa pamamagitan lamang ng tingin. Animo'y tumatagos sa katawan ang kanilang tingin. "Bakit pag-aaksayahan mong tanungin yan kung alam mo naman ang kasagutan?" sagot ni Erra pabalik kay Gadel. Pansin ni Gadel na matalim talaga ito tumingin, hindi dahil sa nakakaramdam siya ng inis. Inoobserba

