Nakababasag pandinig ang ingay na umalingawngaw sa buong lugar. Hindi lamang iyon maririnig sa ilalim ng buhangin. Nagdulot pa ito ng bahagyang paggalaw ng lupa na animo'y nagkaroon ng lindol. "Anong klaseng ingay iyon?" Nagtatakang turan ni Gadel. Rinig din ni Gadel ang mga nag-aalalang boses ng mga kasama. Hindi na nila makita kung nasaan si Gadel sa kasalukuyan. Mahigpit ang hawak ni Gadel sa kanyang braso. Sa hindi niya pag-iingat nasugatan siya nang maliliit na butil nang buhangin. Natamo niya ang sugat na iyon kanina-kanina lamang, pagkatapos niya makatapat ang isang tao may kakayahan na kontrolin ang buhangin. "Siya ba ang dragun na hinahanap ko?" tanong ni Gadel kahit na mukhang impossible, ang huling dragun na hinahanap niya ay malayo kumpara sa katapat niya ngayon. Si A

