Sumabay ang malakas na buhos ng ulan kasabay nito ang malungkot na rebelesasyon na napagtanto ni Gior. Ang unang nagtaksil sa inosenteng at walang kamuwang-muwang na dragun ay walang iba kung hindi siya. Ang walang awang emperador na natakot sa prophesiya. Tama pa bang magsisisi si Gadel sa kilos na nagawa niya na? Kung sakali nga magkaroon ng tsansa para baguhin ang nakaraan, anong desisyon kaya ang gagawin ni Gadel? Kahit ibalik ang oras, hindi nakakasigurado si Gadel kung anong solusyon ang dapat niyang gawin. Does he need to let the man in the prophecy to overthrow him? Maririnig naman ang sigaw ng mga kawal, nais nilang bumaba mula sa tuktok ng lupa. Kung binabalak nila bumaba mula roon siguradong dadausdos sila pababa. Naiyukom ni Gadel ang kanyang palad, iniisip niya pa lan

