Episode 17.2

1278 Words
Hindi na ata ako matatapos sa paghanga sa karangyaan ng mga bahay ng mga Cepeda. Dahil sa ganda niyon ay nawala pansamantala ang inis ko kay Lenus na hindi ko alam kung bakit tinotopak ngayong araw na ito. Ngayon nga ay nakatingala ako sa three-storey house na nasa harap ko. Puro iyon glass wall. Ang mga nasa second and third floor ay may mga gray na kurtina kaya hindi mo matatanaw ang nasa loob niyon. Samantalang ang buong sofa sa first floor ay kitang-kita mo sa labas. Sumisigaw ng kaelegantehan ang bahay. “How is your stay here so far, Shirley?” bati ni Lenus sa bestfriend ko. “Ay, Sir! Okay na okay ako! Kung ganito ba naman ang titirhan ko, okay na akong maglinis maghapon. Sa gabi naman ay bawing-bawi ako dahil nakakawili magsight seeing!” nakathumbs up pang sagot ni Shirley. “Wala ka na bang tinatapos na gawain ngayon?” “W-wala naman, Sir. May ipapagawa po ba kayo?” Sa halip na sumagot ay pinabuksan nito ang pintuan kung saan kami magpapahinga raw ni Brie. “Kung gayon ay pakibantayan muna si Brie. May pupuntahan lang kami ni Patrice.” Mabilis kaming nagkatinginan ni Shirley. “Ha? Pupuntahan? Ang gulo mo naman, Lenus. Sabi mo kanina kina Lindsay na napagod ka magdrive at gusto mo magpahinga, tapos ngayon may pupuntahan tayo?” “May kailangan lang tayo imeet. Saglit lang ‘yun.” “P-pero kadarating lang natin. Hindi ba pwedeng bukas na lang? Ano ba ‘yung pupuntahan natin?” komento ko. Napagod kasi talaga ako at hindi naman ako sanay na lumuluwas. Nahihilo ako at inaantok. Sumilip ito sa pambisig nitong relo bago ako tiningnan. “Hihintayin na lang kita sa labas. Baka gusto mong magpalit ng damit o kaya ay may ibibilin ka pa kay Shirley, okay lang. Wag ka lang magtatagal.” Nangunot ang noo ko nang lumabas na ito ng kwarto. “Kararating niyo lang dito sa Maynila ay gusto ka ng idate ni Papi!” panunukso ni Shirley. “Yan ka na naman, Shirley, ah! Date ka diyan. Kung hindi lang kabastusan, hayaan ko ‘yang maghintay sa akin e. Nagpaalam kina Max na napagod daw magdrive tapos ngayon aayain ako umalis. Kung hindi ba naman baliw!” inis kong turan. “Kitams! Hindi mo ba napapansing gusto kang masolo ni Sir?” “Gaga! Kung anu-anong iniisip mo.” Tumingin na rin ako sa aking relo. Six in the evening. “Basta sabay tayong magdinner. Hintayin mo ako.” “Okay. Pero hanggang 8pm lang kita hintayin ah! Pag lumampas dun, kakain na ako. Wag mo na ako itext. Alam ko nang nagdinner na kayo sa labas. Aruuuuu!” “Sira!” Pagkasakay ko sa kotse ay agad na rin nitong pinaandar iyon. Tahimik lamang kami bumiyahe. Buti naman. Ayaw ko makipagplastikan dahil naiinis ako sa ginawa niyang pambabara kay Max kanina. Makalipas ang bente minuto ay huminto kami sa isang may kataasang building. Habang naglalakad kami ay maraming binabati si Lenus. Isa iyon sa napansin ko rito. Hindi lamang sa marami itong kilala, he also knew their names by heart. He also has a nice smile plastered across his face, always. Kaya marahil marami itong nabibighaning tao, lalo na ang mga kababaihan. Dumiretso kami sa ikalimang palapag. Pagkatapos nitong batiin ang receptionist ay pumasok na kami sa loob. Isang lalaking kaedad nito ang sumalubong sa amin. “Stellan!” masiglang bati ni Lenus sa lalaki na mahigpit nitong kinamayan at niyakap. Hinawakan ni Stellan ang dalawang balikat ni Lenus habang sinisipat ang kabuuan nito. “Lenus, bro, how have you been? I’m so glad I’ve been able to see you before my flight to Korea. It’s been a long time! Ilang taon na ba? Five years?” “I’m okay, mate! Sure bang hindi ka mahuhuli sa flight mo?” Tinapik ni Stellan ang kaliwang balikat ni Lenus. “Bro, kahit malate pa ako, I can always rebook. Minsan ka lang kaya magparamdam,” may pagtatampong turan ni Stellan. “Sorry, bro. Alam mo naman kung gaano kahectic ang schedule ng isang doctor.” “Yep. Sinabi mo pa.” Bumitiw si Lenus sa pakikipagkamay sa lalaki at bumaling sa akin. “This is Patrice, the one I have mentioned in my call yesterday.” Call yesterday? Para saan? Nginitian ako ng lalaki kasabay ng paglahad ng kanang kamay nito. “Stellan Park, a friend of Lenus. Naging kaklase ko rin siya sa Amerika.” Naningkit ang mga mata nito habang may inaalala. “You look familiar. Have we met before?” Kinilatis ko ang kaniyang mukha sabay umiling. “Hindi po.” Naningkit ulit ang mata nito. “You really look familiar. Your eyes…” Nanlaki ang mga mata nito na parang may naalala at tumingin kay Lenus. “Ash…” Tumikhim at pinandilatan ni Lenus si Stellan kaya’t hindi na nito natapos ang sasabihin. “Doctor rin siya, Patrice. Sila ang may-ari nitong HealthPark, a health insurance company, He is currently the CEO of the company.” “Ahh…” tumango-tango na lamang ako kahit na mas gusto ko sanang ituloy ni Stellan ang gusto nito sabihin. “Nice to meet you, Stellan.” Nahihiya ko pang inabot ang kamay nito. “Come, let’s sit.” Iginiya kami ni Stellan sa isang white sofa. Iniabot nito sa akin ang isang envelope. “Those are the list of requirements you need to accomplish for the full scholarship…” “H-Ha? Scholarship? P-para sa akin po?” nalilito akong nagpalinga-linga kay Lenus at Stellan. Nagtataka ring nadako ang atensiyon ni Stellan kay Lenus. “Oh… sorry… Wala pa bang sinasabi sa’yo si Lenus?” Matinding iling ang isinagot ko rito. “He called me up yesterday and asked if pwede ka naming tanggapin para maging scholar ng aming company. Pwede ka naming pag-aralin ng medicine plus allowance provided that you will give us at least two years to be our company doctor kapag nakatapos ka… Of course, you will be compensated….” Hindi ako nakasagot. Para akong nasa alapaap. Hindi mapaniwalaan ang aking mga naririnig. May mga sinasabi pa ito pero hindi ko na maproseso. Kinuha ni Lenus ang envelope na ibinigay sa akin ni Stellan at nakipagkwentuhan na kay Stellan. “Patrice?” untag sa akin ni Lenus, marahan akong siniko. “H-ha?” “Aalis na si Stellan.” “Ayy! S-sige.” Inabot ko ulit ang kamay ni Stellan na nakalahad sa akin. “Mauna na ako. My secretary will assist you.” Tinanguan ko ito pagkatapos na magpasalamat muli. “Are you okay, Patrice?” tanong ni Lenus habang hinahaplos ang aking pisngi. “H-hindi mo ba gusto na mag-aral ulit?” “N-no… hindi sa ganun. H-hindi ko kasi alam ang sasabihin ko, Lenus. Nalulula kasi ako sa mga nangyayari. S-sinagot mo ang pagpapagamot kay Brie, ngayon naman pag-aaralin mo ako? S-sobra-sobra na ang mga tulong na binibigay mo sa amin. I-I don’t think I deserve these things… I-I…” Nahinto ang aking sasabihin nang marahang tinapik ni Lenus ang aking mga kamay. Napatitig ako sa kaniyang maamong mukha. “No, Patrice. Mali ka. Dahil para sa akin, you deserve better things. You deserve all the good things.” Unti-unti akong napangiti. “S-salamat, Lenus. Sobra-sobra ang saya ko ngayon. Hindi mo lang tinutupad ang mga pangarap ko kay Brie. Tinutulungan mo rin ako sa mga pangarap ko. S-salamat… s-salamat… s-salamat…” Pinalis ni Lenus ang mga luhang hindi ko napagtantong pumapatak na pala. Hindi ko alam kung kelan ko huling naramdaman ang ganitong saya. Kinabig ako ni Lenus para sa isang mahigpit na yakap. I had a good cry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD