“Ley, pakikatok na lang ako sa kwarto kapag handa na ang dinner natin,’ bilin ni Lenus pagkarating namin sa bahay nila. Tinunton na agad nito ang hagdanan.
“Yes, Sir!” bibong sagot naman ni Shirley bago ako nilingon, nagtatanong ang tingin nito sa akin.
“O! B-bakit ganiyan ka na naman makatingin?” pilit kong iniiwas ang aking mukha at dumiretso na sa kwarto. Nasa first floor lang naman iyon.
“San ba kayo pumunta ni Papi? Ambilis niyo naman bumalik,” usisa agad sa akin ni Shirley.
“Maya ko na ikwento..”
“Hep! Hep! Hep!” pigil nito sa braso ko. “Nag-away ba kayo ni Sir at mugto ‘yang mga mata mo?”
Pinigilan ko ang sarili ko kahit ang totoo ay natatawa ako sa asta ni Shirley na akala mo nanghahamon. Nakahalukipkip kasi ito at seryosong nakatitig sa akin.
Sa halip na sumagot ay dumiretso ako kay Brie at pinaghahalikan ang pisngi nito. Ngumiti ito kahit natutulog, sumasabay sa kaligayahang meron ako ngayon.
“Tignan mo ‘tong taong ‘to, kahit konting spill wala? Ganun-ganun na lang ‘yun? Paano pa’t naturingan kitang bespren, hmm?…”
Hindi pa rin ako sumagot. Pinagmasdan ko lamang si Brie habang nakangiti.
“Hoy bes! Damot mo! Baka naman pwede mo maishare sa akin?” untag muli sa akin ni Shirley. Tumabi pa ito sa akin at marahan akong pinagsisiko.
Humarap na ako kay Shirley, nagpunas ako ng mga mata nang maluha na naman ako.
Hinawakan ni Shirley ang aking dalawang balikat at bahagyang inilayo. “Naloka na ata ‘tong beshy ko. Tatawa tapos iiyak mayamaya. Anong ginawa sa’yo ni Sir at nagkakaganiyan ka?”
Matamis akong ngumiti kay Shirley. “Girl, makakapag-aral na ako ulit!!!”
“Ha? Mag-aaral ka ulit?”
Natawa na ako nang tuluyan sa pagkagulat ni Shirley. “Oo nga! Mag-aaral ulit!”
Kumunot ang noo nito. “Yung pangdoktor ba? Paano? May nagbigay sa’yo ng pera? Binigyan ka ni Sir ng pera?! Ambilis naman maging sugar daddy ni Papi Lenus.”
Tinampal ko ang kamay nito. “Gaga, hindi! May kilala si Lenus na pwede magsponsor sa pag-aaral ko. Dun kami galing.”
“Ahh… Di nga? My gosh! Magkakaroon na ako ng bestfriend na doktor! Ang saya-saya nga!” Niyakap ako nito, patalon talon pa nang upo sa kama.
“Ssshhh! Ang gulo mo! Baka magising si Brie,” bulong ko.
“Sorry na. Sobrang nakakatuwa naman kasi ng balita mo! Naexcite ako ih! Kwento pa!” udyok nito habang hinahatak ang damit ko.
Hinawakan ko na ang dalawang balikat nito at tinitigan itong maigi sa mata. “Shirley, mahaba ang kwento kaya maya na lang. Kapag hindi ka pa kumilos, siguradong magugutom si Lenus. Ikaw naman ang mamamaga ang mata ‘pag sinisante ka. Gusto mo ba ‘yun?” hamon ko rito.
Binitiwan na nito ang damit ko at pinagpagan pa. “Hindi, syempre! Maryosep! Saan pa ako hahanap ng trabaho na magaan na, dami pa benefits. Walang ganun, bes!”
Muli akong napahagikgik sa sinabi ni Shirley. “Tara at makapagprepare na ng dinner. Siguradong gutom na rin si Lenus.”
“Yup!”
Lumingkis na ito sa aking braso. Magaan ang mga paang tinunton namin ang kusina. Magkasama kaming naghanda ng pagkain na tapos naman nang iluto.
“Psst…” tawag ni Shirley sa akin nang mailagay na namin lahat sa table.
“Bakit?”
“Ikaw na tumawag kay Sir,” udyok nito sa akin na may pataas-taas pa ng kilay.
Inismiran ko ito. “Ikaw kaya ang inutusan. Ikaw dapat ang gagawa.”
Umupo na ito sa table at ipinatong ang paa sa isang upuan. Minasahe nito. “Nangangalay na ang mga paa ko sa akyat-baba kanina pa. Sige na, ikaw na,” pamimilit nito.
Pabiro ko itong inismiran. “Kung di lang kita bespren, nunca mo akong mapapunta dun sa taas. E, saan ba ang kwarto niya roon? Baka naman maligaw ako sa dami nang kailangan kong katukin.”
“Haha! Lima lahat ang kwarto sa second at third floor. Sa third floor siya, ‘yung pinakamalaking room.”
Mabilis ko namang nahanap ang kwarto ngunit walang sumasagot sa ilang beses kong pangangatok. Kumatok ako sa huling pagkakataon.
“Lenus, p-pasok na ako ah,” sigaw ko nang may kalakasan.
Naabutan ko itong nakahiga sa kama. Nakatulog na ata nang hindi nagpapalit ng damit. Ang isang paa ay nakalaylay pa sa gilid ng kama. Tumalikod na ako para umalis nang marinig ko itong umuungol na animo’y nahihirapan.
“Lenus?” bigkas ko sa pangalan nito nang makalapit ako. “Lenus, nananaginip ka ata,” wika ko habang marahan itong niyuyugyog. “Len…”
Hindi ko na natapos ang pagtawag sa pangalan niya nang hinatak ako nito para yapusin.
“L-Lenus… b-bitiwan mo…”
“K-kuya, please… A-ash….”
Ash…. Yun ang binanggit na name ni Stellan kanina.
“Awww..”
Naramdaman ko pa ang paghigpit ng yakap nito. Inilayo ako pansamantala at tinitigan sa aking mga mata. Rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito ngunit hindi naman ako tuluyang binitiwan. Niyakap ulit ako nito. “Please stay, Patrice. S-saglit lang… please…”
Para itong bata na mahigpit na yumapos sa akin, na para akong mawawala at iiwanan siya kung pakawalan niya ako.
Hinaplos ko ang kaniyang buhok maging ang kaniyang likuran. Naramdaman ko ang dahan-dahang paggaan ng kaniyang pagyakap sa akin hanggang sa tuluyan na siyang kumawala.
“Ano bang nangyayari sa’yo, Lenus?”
Bakas ang pag-aalala at lungkot sa mukha nito kahit na nakapikit ito.
Inalalayan ko ang kaniyang ulo hanggang makahiga siya. Butil-butil pa rin ang pawis niya at parang namumula na ang kaniyang mukha. Hinaplos ko iyon.
“Dios mio! Nilalagnat ka, Lenus!”
“S-sorry… You may leave now. Ipapahinga ko lang ‘to,” taboy nito sa akin.
“Lenus naman e…”
Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ang dalawang butones ng kaniyang polo upang mabawasan ang init ng kaniyang katawan. Pumunta na rin ako sa banyo at kinuha ang kaniyang bimpo. Agad kong pinunasan ang kaniyang mukha.
Bumaba rin ako sa may kusina upang kumuha ng gamot at baso ng tubig. Sinabihan ko na lamang si Shirley na mauna nang kumain at aasikasuhin ko lamang si Lenus na nilalagnat.
Pagbalik ko sa kwarto ay hindi ko na muna ginising si Lenu dahil muka siyang pagod na pagod. Nakapagpalit na rin siya ng damit.
Muli kong inabot ang bimpo at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa kaniyang katawan.
Mayamaya ay dumilat ito. Agad kong binawi ang aking mga daliri na nasa kaniyang dibdib pa.
“Lenus? S-sorry… Pinunasan na kita..” napapangiwi kong sabi. Ngayon ko lang naramdaman ang hiya sa hindi ko pagkuha ng permiso sa paghaplos sa kaniyang dibdib.
Hindi ito sumagot at tinitigan lamang ako. Malungkot ang mga mata nito.
“Nagugutom ka ba? Gusto mo na bang kumain? O may masakit ba sa’yo?” sunod-sunod kong tanong dala nang pag-aalala.
“Patrice?” halos pabulong na tawag sa akin ni Lenus. Itinaas nito ang isang kamay at pinasadahan ng mga daliri ang kaliwang bahagi ng aking mukha.
“Lenus…”
Nahinto ang aking sasabihin nang pinasadahan nito ng mga daliri ang aking noo pababa sa aking mga mata. Ilang minuto rin akong nakapikit nang maramdaman ko ang pagbangon nito. Hinatak ako nito at mahigpit na niyakap.
“Lenus? May problema ka ba? You can tell me.”
Hindi pa rin ito sumasagot. Mas hinigpitan lamang nito ang yakap sa akin at isinubsob ang mukha niya sa aking buhok.
Dahan-dahan kong inangat ang aking mga kamay at hinaplos ang buhok niya.
Matagal kami sa ganoong posisyon nang siya na ang kusang bumitiw.
Inabot ko ang gamot at ipinainom sa kaniya.
Sinubuan ko rin siya nang mainit na sabaw at kanin na pinilit naman niyang lunukin. Tumanggi na ito sa ikaanim na subo.
Ibinaba ko ang tray ng pagkain sa side table at tinulungan siyang humiga. Kinumutan ko siya hanggang sa may tiyan.
Nginitian ko siya. “Get well, Lenus. Text me if you need anything.”
Akma na akong tatayo nang pigilan nito ang aking braso. “Patrice…”
“Hmm… May kailangan ka pa?”
Napakagat-labi ito at napalunok. “C-Can you stay for a while?”
Pilit akong ngumiti. Naalala ko na nasa baba si Shirley. Siguradong tutuksuhin na naman ako nun kapag nagtagal ako sa loob ng kwarto ni Lenus.
“Please? Patrice?” may pagsusumamo sa boses nito. “I-I just don’t want to be alone now. I miss…” Lumunok ito, halatang pinipilit na ‘wag maging emosyonal.
“Please…”
Tumango ako at umupo sa gilid ng kama.
Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lenus. Kinuha nito ang isa kong kamay at ipinailalim sa pisngi nito pagkatapos tumagilid ng higa.
Wala akong nagawa kundi titigan siyang matulog.
I have no idea why, but suddenly, I wished that I would always be there for him. I suddenly realized how lonely it must have been to be left alone without parents or siblings. I silently prayed for him to be truly happy, for him to find a new family. My heart aches for him… aches with him…