bc

My Lesbian Lover

book_age18+
43
FOLLOW
1K
READ
HE
badboy
gangster
sweet
kicking
campus
secrets
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Si Anayn, o Ally, ay ang tomboy na tampok sa campus gwapo, matalino, at laging nasa gitna ng atensyon. Matapos ang isang matagal na pagkakaibigan, si Elise ay naging higit pa sa kaibigan; naging magkasintahan sila at sinimulang buuin ang kanilang pangarap na mundo.

Ngunit ang kanilang masayang relasyon ay naupos ng biglaan nang dumating si Steven, isang bagong estudyante na agad na nahulog kay Elise at sinimulang ligawan siya.

Ang dating tahimik na mundo nila Ally at Elise ay nagiging magulo at puno ng tensyon. Sa gitna ng mga pagsubok, ang kwentong ito ay sumasalamin sa tunay na halaga ng pag-ibig at pagkakaibigan. Sa huli, mas mananaig ba ang pag-ibig ni Elise kay Ally, o mas pipiliin niya si Steven?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Para Kanino Ka Bumabangon?
Chapter 1: Para Kanino Ka Bumabangon? “Analyn! Anong oras na!” Sigaw nga aking Mama Marietta. Imbis na bumangon ako sa aking kinahihigaan ay mas nag talukbong pa ako ng kumot. Hanggang sa nag ring na rin ang alarm sa aking cellphone. “Haays! sabi ko na nga ba. Pag-sisisihan ko talaga ang pag - sama sa rotc,” sabi ko. Alas kwatro ng umaga ay ang ingay-ingay na ang aking mama. “Opo! tatayo na po,” sagot ko. Pero humiga muna ako ulit. “5 minutes,” bulong ko sa sarili ko. Maya’t-maya ay pumasok si mama sa aking lisid at tinapunan ako ng tabo. “Aray!” sigaw ko. “Sige matulog kapa mahuhuli kana sa klase mo!” sigaw sa akin ni mama na inis na inis na. “Yan ang sinasabi ko, nagpapagising ka ng early pero hindi ka naman babangon,” dagdag pa sa akin ni mama. Hindi na ako pumalag at dale-dale na akong bumangon at naligo. “Yawa!” napasigaw na ako sa banyo dahil sa sobrang lamig. “Anong sabi mo?” sabi ni mama. “Huh? Wala po ma,” sagot ko. “Bilisan mo diyan at kumain kana.” Nasa harap na ako ng hapag-kainan at inihain sa akin ni mama ay isang fried egg at sinangag. “Mama may kape po ba?” “Huwag ka ng mag - hanap ng wala.” Agad na akong kumain, 4:45 am na ng umaga at nag-paalam na akong umalis. Walking distance lang ang bahay namin sa school. 5:00 am ang formation. Pero wala pa rin akong pakealam kung malelate man ako. “Form!” sigaw ng commander namin sa ROTC. Nakita niya akong naglalakad pa rin. “Ikaw ang tagal - tagal mong mag -lakad!” sigaw niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. “Ah matigas ka ah. Push - up position move! Lahat! bukod na lamang sa iyo,” utos ng commander. Naririnig ko na naman mga reklamador kong classmates. “Ano? Masarap bang makita ang mga classmates mong nag-hihirap para sa iyo?” tanong niya sa akin. “Hindi mo na kailangang gawin yan tol, andito na ako.” sagot ko lang sa kanya. “Ang bago-bago mo pa lang ganyan na agad ang inasal mo sa akin? Down!” utos niya. Sabay - sabay nag down ang mga classmates ko. “Pasikat ka talagang tomboy ka!” sigaw sa akin ng isa kong kasamahan. “Alam mo? Hindi! ayaw ko na mag rotc, idadrop ko ang subject na ito,” sabi ko sa kanila. Aalis na sana ako palayo ng hinawakan ng commander ang kamay ko. “Bastos ka!” sigaw niya sa akin. Hindi ako nakapag-pigil ay bigla ko siyang sinuntok. Napa-atras siya at dumugo ang kanyang labi. “Huwag mo akong hahawakan,” sabi ko sa kanya. Bago ako tuluyang tumalikod sa kanya ay nag dirty - finger muna ako sa kanya. “Magbabayad ka sa akin!” sigaw niya. Pero hindi ko na yun pinansin at umalis na ako. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ang aking kaibigan na si Elise. “Oh bakit? Ang aga-aga Analyn,” sabi niya sa akin sa cellphone. “Sunduin mo naman ako dito sa campus, gusto ko pa matulog. Mamaya pa ang klase ko ala una,” sabi ko sa kanya. “Huh? diba may rotc ka ngayon?” tanong niya sa akin. “Wala na nag-quit na ako,” sagot ko sa kanya. “Ganun ba? Oh sige antayin mo ako saglit.” Ibinaba na namin ang call at mga 10 minutes lang naman ay dumating na si Elise na nakamotor. Binigay niya sa akin ang isang helmet. “Ako na magda-drive,” sabi ko kay Elise. Napatingin lang sa akin si Elise at wala na rin siyang magawa kundi ibigay sa akin ang manubela. “Kumapit ka.” Pagkatapos ay pinaharurot ko na ang motor. “Yawa ka Analyn! Kala mo naman ang motor natin ay bigbike!” sigaw sa akin ni Elise. “Basta kumapit ka na lang!” sigaw ko sa kanya. “Okay!” Mas humigpit pa ang yakap sa akin ni Elise. Imbis na dumiretcho kami sa bahay ni Elise ay mas pinili kong pumunta sa isang lodging house para makapag-pahinga. “Bakit tayo andito?” tanong sa akin ni Elise. “Huwag ka na lang mag taka, alam mo naman na mas gusto ko dito para walang nakatingin,” sagot ko. Nagulat ako ng tumingin sa akin ni Elise at parang napaatras. “Oh bakit ka? Huwag kang tumayo-tayo lang diyan, tabihan mo na ako. Walang malisya,” sabi ko sa kanya. Hindi na rin ang maang-maangan pa si Elise at tumabi na rin siya sa akin dahil mukhang kulan pa rin siya sa tulog. Inaantok na rin ako pero bago pa man ako tuluyan na makatulog ay naramdaman ko ang yakap na mahigpit sa akin ni Elise. Hinayaan ko na lang siya, wala naman talagang malisya dahil magkaibigan naman kaming dalawa, magkababata. Mas nagulat ako ng hinawakan niya ang aking kamay at inilagay niya sa baywang niya na parang niyakap ko siya pabalik. Bandang alas nuebe na ng umaga ng kami ay magising. “Tara na, mag-out na tayo, hinahanap ako ni mama sa bahay,” sabi sa akin ni Elise. “Mauna ka ng umuwi,” sagot ko sa kanya. Hindi pumayag si Elise hinawakan niya ang kamay ko at kinaladkad niya ako palabas ng lodge. Nang makarating na kami sa bahay ay sabay na kami kumain at pumunta na kami ng school. Magkaklase kami ni Elise ang pinagkaiba lang ay wala siyang rotc. Umupo na kami sa pinaka-likod ng silid-aralan. Nang pumasok na rin ang professor. “Analyn Marquez,” bungad ng professor namin. “Yes sir?” sabay tumayo ako at lumapit kay sir kase baka ay iutos na naman sa akin. “Tumingin ka sa likuran mo,” utos sa akin ni sir. Tumalikod ako at nakita ko ang commander namin sa ROTC. Andito na naman siya? Anong ginagawa niya dito? Oh baka naman nagsumbong siya sa professor namin para makaganti. Hindi nga talaga siya lalake. “Mag – sorry ka o isuspended kita ng isang lingo dahil sa ginawa mo sa kanya?” “Sir? Hindi ko naman po kasalanan?” “Huwag ka ng sumagot o mag rason, mag sorry ka na lang.” Hindi na lang ako nakipag talo sa kanya at hinarap ko siya. “Sorry, sana maging masaya ka ng marinig mo na akong humingi ng tawad sayo,” sabi ko sa kanya. “Anong pangalan mo?” tanong niya sa akin. “Bakit kailangan mo pang malaman?” pabalik na tanong ko sa kanya. “Sasagutin moa ko or mag dedemand ako na isuspindi ka?” mas pabalik na tanong niya sa akin. Itong lalake na ito ay pinapakulo ang dugo ko. “Analyn… Analyn Marquez,” sagot ko sa kanya. “Analyn Marquez, sige pinapatawad na kita sa isang kondisyon,” sabi niya sa akin. Huh? May kondisyon pa siyang nalalaman. “Shoot!” sabi ko sa kanya ng matapos na. “Ikaw ang gusto ko ka-partner sa socialization night,” sagot sa akin ng walang hiyang lalakeng ito. “No way!” tanggi ko sa kanya. “Deal? Or suspended?” Inabot niya ang kamay niya sa akin. Ewan ko ba sa ungas na ito at ako ang gusting partner sa socialization eh may date akong chix sa gabing yun. “Fuc*ing Sh*t,” bulong ko sa sarili ko. “10 seconds para magdesisyon ka,” dagdag pa ng mokong na ito. “Fine!” sigaw ko. “Goods! My name is Oliver Anderson, see you at the gala,” sabi sa akin ni Oliver sabay kindat sa akin. Nang matapos na ang klase ay dumiretcho muna ako ng banyo at inayos ang aking buhok ng may pumasok din kasunod ko pero imbis na lumabas na ako sa loob ng cubicle ay bigla niya akong tinulak papasok at hinalikan ako sa labi. Gigil na gigil ang babaeng iyon sa akin. “Tang ina, ang sarap pa lang halikan,” sabi sa akin ng babae. Hindi na ako nagsalita humalik na lang ako pabalik at ipinasok ang kamay ko sa kanyang uniform at hinawakan ang iba’t – ibang parte ng kanyang katawan. “Please ako na lang, ligawan mo na ako, alam ko naman na gustong – gusto mor in ako,” sabi sa akin ng school mate ko na si Monica. “Sorry Monica, pero kung ano lang ang pinag-usapan natin nung gabing nag iinuman tayo ay hanggang dun lang iyon, tama na. Ayoko ng magkaroon ng commitment kahit kanino,” sagot ko kay Monica. Napatigil siya at tinitigan niya ako. Hindi na ako nagulat ng bigla niya akong sinampal at saka umalis. “Yawa ang sakit,” tumingin ako sa salamin, pulang – pula ang pisngi ko, tapos ang labi ko ay may mga lipstick pa. Naghilamos ako at tinitigan ang sarili sa salamin. “Ang gwapo mo talaga. Bakit hindi ka pa nagging lalake?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook