Chapter 2: Tuxedo or Gown?

1548 Words
“Oh okay na ba to?” tanong ko kay Elise. Sabay na kase kaming dalawa na nag ayos sa bahay namin. Nakita ko si Elise na nakasuot ng gown habang inaayos ang kanyang buhok at nag reretouch ng kanyang make – up. “Gaga ka talaga! Diba ang sabi sayo ni Oliver na ikaw daw ang maging partner niya sa gala ngayong gabi?” ani sa akin ni Elise. “Oo Pumayag naman ako para hindi lang ako masuspended pero wala akong sinabi na mag susuot ako ng gown nu! Yaks!” sagot ko sa kanya. Hindi ko naman kase maimagine ang sarili ko na mag-suot ng gown! Saka, simula bata pa lang ako ay tuxedo na ang suot ko kahit sa mga family gatherings. “Babe maganda na ba?” tanong sa akin ni Elise. “Perfect kana babe,” sagot ko sa kanya. Oh baka nagtataka kayo kung bakit babe ang tawagan namin, wala lang yun call sign lng naman yun. “Tara na!” Anyaya sa akin ni Elise. Sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay sa motor, malamang ako ang nagdrive naka-tuxedo. Pagdating namin sa school at nagparada na ako ng motor ay pinag-titinginan kaming dalawa ni Elise. Nagulat ako ng hinawakan ni Elise ang braso ko na para bang gusto niyang iparating sa mga nakatingin sa amin na mag – on kaming dalawa. “Tara babe,” sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung anong trip niya pero sinabayan ko na lang siya. “Sige babe,” tanging sagot ko na lang. Habang naglalakad na kami sa hallway papunta sa auditorium ay nakita ko si Monica na nakatayo sa gilid at umiiyak. Putang ina, hindi ko matiis na hindi siya kausapin pero kasama ko ang best friend ko na si Elise. Baka nga ang iniiyakan niya ay yung nangyare sa amin sa loob ng banyo. Yawa, weakness ko talaga ang makakita ng babaeng umiiyak, lalo na pag ako ang dahilan. Wala akong magawa kundi lampasan na lang muna siya. Nang makapasok na kami sa auditorium ay pinaupo ko muna si Elise at sinabi na pupunta muna ako ng cr. Pumayag naman siya. “Bibilisan ko lang ah, huwag kang aalis dyan,” sabi ko kay Elise. Ngumiti lang siya sa akin. Imbis na sa cr ang punta ko ay agad akong bumalik sa hallway para kitain si Monica. Nakita ko pa rin na nasa hagdanan siya at umiiyak pa rin. Nilapitan ko siya at kinuha ang panyo sa bulsa ko. “Tahan na, tumayo kana diyan,” sabi ko sa kanya at sabay abot sa panyo. “Bakit mo nagawa sa akin ito?” tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako. Ang ano? Ang alin ba ang nagawa ko? Pero ang alam ko lang ay yung nag-inuman kami ng barkada ko at isa siya sa kasama ko nung gabing nun. Hindi ko sinasadya na halikan siya. Nadala lang ako sa kanyang kagandahan, pero alam kong nagging bastos ako nun dapat hindi ko yun ginawa. Hindi ko naman inaasahan na mahuhulog siya sa akin. “Monica, I’m so sorry. Hindi ko dapat ginawa yun,” sabi ko sa kanya. “Nung gabing yun akala ko gusto mo ako. Ganyan ba talaga kayong mga tomboy? Nang-iiwan lang kayo?” tanong niya sa akin. “Monica, mali ang pagkakaintindi mo, hindi ko sadya yun, lasing lang ako, lasing ka rin,” pagra-rason ko sa kanya. “Pero iniwan mo ako!” sigaw niya sa akin. Umalingawngaw ang boses niya sa buong hallway sapat na na makuha ang atensyon ng mga tao sa loob ng hallway. Putcha mapapahiya ata ako dito. Hanggang sa narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. “Si Monica? Umiiyak sa isang tomboy?” “Ang swerte naman ng tomboy na ito, siya ang gusto ni Monica.” Yan ang mga linya na naririnig ko. Umupo ako sa tabi niya at binulungan siya. “Monica, tumahan kana. Itigil mo na ito, nakakahiya,” sabi ko sa kanya. “Kung gusto mo akong tumigil, halikan mo ako sa harap nila,” hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bakit ganito ang gusto niyang mangyare. Nagulat ako ng biglang dumaan din ang photographer ng school namin. Patay na. “Monica…” hindi pa ako tapos sa aking sasabihin ay nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa harap ng mga schoolmates dito. At biglang nag-flash ang ilaw ng camera. Patay na, nakunan na kami. Siguradong pag-uusapan na ako sa loob ng school campus. Pagkatapos ng halik na iyon ay nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Inakala siguro nila na mag – on kami ni Monica. Sigurado ako niya yun on purpose. “Simula ngayon, akin kana.” Sabi sa akin ni Monica. Bakit ganito? Bakit gusto niyang maging kami? Wait! Hindi ko pa naman siya nililigawan at bakit ko naman siya liligawan? Hindi ko naman siya gusto. Tumahan ng iyak si Monica at tumayo siya, ganun din naman ako. Sabay kaming pumasok sa loob ng auditorium. Hindi ko alam ang ikikilos ko kung mahihiya baa ko o magiging proud dahil nakuha ko si Monica. Correction pala, siya pala ang umangkin sa akin. Hindi pala ako. Inupo ko si Monica sa kabilang table, hindi ko siya itinabi kay Elise. Alam kong mag seselos ang best friend ko. Iniwan ko muna si Monica sa isang table at bumalik ako kay Elise. Nakita ko siyang kausap niya ang isa kong classmate. Umupo ako sa gilid ni Elise. “Babe?” sabi ko kay Elise. “Oh natagalan ka?” tanong niya sa akin. “Ahhh kase… kase ano… na jejebs kase ako, hehe,” nakakahiyang sagot ko. “Seryoso ba yan Analyn? Pero okay kana?” tanong sa akin ni Elise. Hindi ko talaga gustong tawagin niya ako sa aking totoong pangalan. “Pwede bang tawagin mo na lang ako sa palayaw ko?” request ko kay Elise. “Okay Ally,” sagot sa akin ni Elise na may halong tawa. “Ayun, para naman hindi halatang babae. Nakatuxedo tapos Analyn?” sabi ko sa kanya. Naputol ang usapan namin dalawa ni Elise ng sumingit ang isa kong classmate at iniba ang topic. “Kayo pal ani Monica?” tanong niya sa akin. Napatingin sa akin si Elise. “Pwede ba na huwag muna natin pag – usapan yan?” sabi ko sa kanya. “Ano ka ba Ally, ang gwapo mong tomboy! Si Monica na inaasam ng mga kalalakihan dito ikaw ang gusto?” dagdag niya pa sa akin. “Enough!” bigla kong nasagot. Mukhang nabigla ang classmate ko na isa sa inasal ko. “Oh sige hindi nakita pipilitin. Aalis muna ako at ang date ko dumating na. See you around guys,” paalam niya sa amin. Tiningnan ako ni Elise na para bang nagtataka. Ewan ko ba kung magpapaliwanag ba ako sa kanya o ano ba? Siguro mamaya na lang. “Mamaya na tayo mag-usap sa bahay,” sabi ko sa kanya. Natawa lang siya sa akin. “Hindi naman ako basta basta naniniwala sa mga sabi sabi, mas maniniwala ako sayo,” sabi sa akin ni Elise. Salamat naman at mayroon akong isang kaibigan na maniniwala sa akin sa kabila ng mga rumors dito sa school campus. Mamaya konti pa ay biglang may kumalabit sa akin sa mula sa likuran. “Analyn bakit ganyan ang suot mo?” tanong sa akin ni Oliver. Si Oliver pala to. Andito na naman ang gugulo ng gabi ko. “Oh bakit? Pumayag naman ako na maging partner mo sa gala ah, bat nag rereklamo ka sa suot ko?” palag ko sa kanya. “Naka-tuxedo ako, naka-tuxedo ka. Baka pwede naman mag – adjust ka at mag gown?” request sa akin ni Oliver. “Ang usapan. Partner lang, hindi mag – gown.” Sabi ko sa kanya “Paano kita mapapakilala sa mga kasamahan kong officers?” tanong ni Oliver sa akin. “Huh? At bakit naman?” Sagot ko. Wala naman sa usapan na ipakilala ako. “Basta, magpalit ka ng gown o ipapasunpinde kita,” sabi niya sa akin sabay kindat at umalis. Putek talaga tong lalake na ito. Paano na yan? San ako hahanap ng gown? Teka teka bat ako mamomoblema? Una sa lahat hindi ako nag-ga-gown. Yawa ka talaga Oliver! Papatayin talaga kita after ng event na ito. “Oh ano na?” tanong sa akin ni Elise. “Bwiset siya!” Inis na sagot ko lang kay Elise. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng cr, ini-lock niya ang pinto. Dahan – dahan ang hubad si Elise sa harap ko. “Elise, tang-ina anong ginagawa mo,” tanong ko sa kanya. “Ituloy na natin to Ally habang may oras pa, halika na,” sagot niya sa akin. “Pero hindi pwede, yawa ka! Mag-kaibigan tayo!” sabi ko sa kanya. “Kaya nga ginagawa ko ito sayo kase friends with benefits nga diba?” sagot niya sa akin. Pusang alaws! “Maghubad kana!” utos sa akin ni Elise. Hinawakan niya ako sa balikat at hinubad ang coat ko. Tinitigan ko lang siya. Tapos nag tugma ang mga mata namin dalawa. Pinitik niya ang noo ko. “Bobo mag palit tayo ng suot. Mag-gown ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD