Chapter 3: Dyosa o Clown?

1575 Words
“Sikip puta!” Sigaw ko. Hindi na dapat ako mag reklamo dahil alam ko naman na kailangan ko itong suotin. Teka bat may ganito? Bat may ribbon? Nahihilo na ako sa suot ko. Hindi ko kaya ito. Hindi ko kayang mag suot ng damit. “Ayan! Tapos na rin,” sabi sa akin ni Elise. “Ang ganda mo,” dagdag pa sa akin ni Elise. “Yawa! Huwag mo akong titigan ng ganyan,” sabi ko sa kanya. Lumabas na kaming dalawa sa cubicle naka-gown ako at naka-tuxedo naman si Elise. Hindi ko alam na gagawin niya ito. “Tara na pumunta na tayo sa auditorium,” sabi sa akin ni Elise. Imbis na nakalugay ang buhok ni Elise ay itinali niya ito pataas. Ang ganda s***h gwapo ni Elise. Ako na naka-boy-cut na naka-suot ng gown. “Elise saglit, hindi ko kaya to,” sabi sa kanya. “Its now or never!” sagot niya sa akin. Naglakad na kami papunta sa auditorium, at habang papalapit kami, parang lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Para akong sinusuntok sa sikmura sa bawat hakbang. Naka-gown akong parang pang prom, pero nakaka-boy cut na buhok, at nakataas na kilay ang lahat ng makasalubong namin. Sa bawat tingin nila, parang naririnig ko ang bulong nila sa utak ko. “Ano ba 'tong eksena na 'to?" Pagdating namin sa auditorium, bumungad sa akin si Oliver, naka-suot ng tuxedo na parang hiniram lang sa Tito niya na hindi updated sa fashion trends. Lumapit siya sa amin na parang bida sa pelikula. Seryoso ang mukha niya, pero may halong nerbiyos parang siya ang may pasimuno ng prank na ito. "Ally, meet my fellow officers!" sabi ni Oliver na parang proud na proud sa suot ko. Napatitig lang ako sa kanya, halos maluha na sa frustration. "Grabe, pare! Ang lupit naman niyan!" sabi ng isa niyang kasama, sabay sabog ng tawa na parang narinig niyang may nagkwento ng joke. "Pakilala mo na lang ako bilang clown, Oliver," bulong ko sa kanya. Halos mawalan na ako ng pag-asa. "Relax ka lang, Ally! Ang cool nga eh! Ibang level ka na ngayon," sabi ni Oliver, tapos biglang nag-ayos ng buhok na parang heartthrob. Sumabay si Elise sa tawa, "Kita mo na? You're the star of the show!" sabay kurot sa braso ko. Nagtuloy-tuloy ang pagpapakilala ni Oliver sa mga kasama niya. Halos lahat hindi ko kilala mukha silang mga nagbihis ng pormal pero mukhang gusto nang umuwi para maglaro ng ML o mag-binge-watch sa Netflix. "This is Ally, my partner for tonight," proud na sabi ni Oliver. Hindi ko alam kung anong eksaktong expression ang ginawa ko, pero ramdam kong mukha na akong meme. Tawa na lang nang tawa ang mga kasama ni Oliver, at wala akong magawa kundi ang mag-kunyari na natutuwa ako sa atensyon. Inis na inis ako pero wala na akong lusot. Maya-maya pa, biglang may lumapit na isa sa kanila at nagtanong, "Bakit ganyan suot mo, Ally?" Napangiti ako ng pilit at sabi, "Well, 'fashion is an expression of the soul'—sinong nagsabi niyan? Ewan ko! Basta, ganito na 'to!" Biglang humirit si Elise, "Sino bang nagsabi na gown lang ang pambabae at tuxedo lang ang panglalaki? We're breaking the norms, guys!" sabay taas-kilay na parang may pa-sarcastic empowerment speech. Nagtawanan ulit lahat, at napatingin ako kay Elise. Sinakyan na lang namin ang sitwasyon, at maya-maya pa, kinuha ni Oliver ang kamay ko at hinila ako papunta sa dance floor. "Ano 'to, Oliver? Graduation?" tanong ko sa kanya habang pinipilit kong hindi matapilok sa heels. "t****k dance challenge!" biglang sagot niya, sabay bitiw ng mga dance moves na parang nakikipagsabayan sa mga kabataan. Walang pake si Oliver sa suot namin, at ang ending, sumayaw kaming lahat na parang mga lasing na walang bukas. Ang awkward na night na dapat ikahihiya ko, naging night na sobrang nakakatawa dahil sa katarantaduhan ng kaibigan ko na si Elise na hinayaan kong pagsuotin ako ng gown, sa suot ko na parang costume sa masamang telenovela, at sa isang gabing naging kwentong tatawanan na lang namin balang araw. Ay mali pala. Hindi katatawanan. Kundi kahihiyan ko simula ngayon at sa susunod pang araw. Nasa banyo na kami ni Elise, nagtatawanan at nagmamadali magpalit ng damit. Parang pelikula ang lahat yung tipong mga bida na biglang nagkatampuhan pero nauwi sa kabalbalan. Habang hinuhubad ko yung gown, naririnig ko pa yung zipper na parang ayaw makisama sa pagmamadali ko. “Tomboy ka pala, Ally,” sabi ni Elise habang inaayos yung tuxedo na kanina pa niya gustong hubarin. “Oo, ginawa ko lang ‘tong gown para hindi ako masuspinde sa klase. Trip lang 'to ni Oliver, para daw maiba. Akala niya makakalusot siya.” Umirap ako at biglang hinagis yung gown sa sahig. “Makakaganti din ako kay Oliver. Yung tipong prank sa kanya na hindi niya makakalimutan.” “Baka naman ginawa niya ‘to kasi crush ka niya?” Hirit ni Elise habang nag-aayos ng ribbon sa tuxedo. “Crush ng lolo niya!” sabi ko sabay tawa. “Kung may gusto yun, gusto niya lang may mapagtawanan. Ewan ko ba, hindi naman ako artista para gawin niyang puppet.” Biglang pumasok sa isip ko si Monica. Baka hinahanap na ako sa mesa, naghihintay na naman, at malamang drama na naman mamaya. Teka, umiyak kaya ulit ‘yun? Nako, panigurado na naman may emo moment sa event na ‘to! Pagkatapos namin magpalit, nag-mirror check kami ni Elise. Balik na ako sa comfort zone ko pants, shirt, at sapatos na mukhang pang-rebelde. Si Elise naman, bumagay sa kanya yung gown na parang siya na yung future Miss Universe. Kaso, tawa pa rin kami nang tawa. “Grabe, Ally, mukha kang boy-next-door na nawawala sa mapa ng rom-com!” sabi ni Elise sabay hagikgik. “Wala na ‘kong paki. Basta at least hindi na ako mukhang napadpad sa ibang dimension.” Lumabas kami ng banyo na parang walang nangyari. Pero pagdating namin sa loob ng auditorium, kita ko na agad si Monica nakatitig sa akin na parang hinihigop lahat ng drama sa mundo. Lumapit ako sa kanya, nag-iisip kung paano ko siya hihiritan nang hindi ako madadamay sa emosyonal niyang eksena. “Ally, akala ko iniwan mo na ako,” sabi ni Monica na parang bida sa teleserye. Ito na naman ba tayo? Ay nako, ganito ba talaga ang ugali ni Monica? Dapat hindi na talaga ako nakipag – inuman sa kanya nun pa man. Saka hindi ako susunod sa gusto niya na maging kanya ako. Walang nag mamay-ari sa akin na kahit na sino. Biglang nag-pop sa utak ko ang plano kong ganti kay Oliver. Naisip ko, ipaprank ko siya ng bongga! Pagkatapos ng sayawan at tawanan sa auditorium, napagdesisyunan kong ituloy na ang plano kong ganti kay Oliver. Nakita ko siya sa isang sulok, mukhang pagod na sa kakasayaw at kaka-trip. Lumapit ako sa kanya, hawak ang cellphone at may masamang balak na naglalaro sa utak ko. “Oy, Oliver,” sabi ko na may mala-misteryosong ngiti. “Ano, after-party tayo? Kita tayo sa lodging house malapit dito. Sagot ko na lahat.” Naglaki ang mata ni Oliver, halatang game na game sa idea. “Seryoso ka ba, Ally? Sure, tara!” Ang bilis niyang pumayag, halatang wala siyang ideya sa paparating na ganti. “Mga 10:30 tayo magkita doon, ah. Mauna ka na para ready na lahat,” sabi ko sabay kindat. Si Elise at Monica na nasa malapit, pinipigil ang tawa sa naririnig. Siyempre, ako, kunwaring busy pa sa ibang bagay. Pagdating ng 10:30, nag-chat si Oliver, “Nandito na ako sa lodging house, Ally. San ka na?” Nag-reply ako ng “On the way na!” kahit nasa auditorium pa lang ako, umiinom ng juice at nakikipag-chikahan kay Elise at Monica. Sabay kaming nagtatawanan dahil sa kalokohang nangyayari. Makalipas ang ilang minuto, may dumating na text si Oliver. “Ally, andami mo namang pinadeliver na pagkain! May mga pizza, chicken wings, nachos, at may pa-pasta pa! Sinong kakain nito?” Nagngitian kami ni Elise at Monica. “Kainin mo lahat, Oliver!” sagot ko sa text, sabay pasok sa call. “Enjoyin mo lang. Mukhang gutom ka naman, eh!” “Ano?! Ally, andami nito! Sinong magbabayad nito?!” Halata ang gulat at panic sa boses ni Oliver. “Eh di ikaw!” sagot ko sabay hagalpak ng tawa. “Treat ko na ‘yan para sa’yo. Pa-birthday gift ko na rin kahit di mo birthday!” Si Oliver, wala nang nagawa kundi ang bayaran lahat ng inorder ko. Naririnig ko sa phone yung pag-uusap niya sa receptionist, at ramdam na ramdam ko yung kalat ng sitwasyon. Tawang-tawa kami nina Elise at Monica habang ini-imagine ang mukha ni Oliver na punong-puno ng pagkain sa harap niya. “Ally, seryoso ba ‘to? Paano ko kakainin lahat ng ‘to?” tanong ni Oliver, halos mangiyak-ngiyak na. “Enjoyin mo na lang, Oliver. Di naman lagi kang may pa-feast, ‘di ba?” sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko sa kakatawa. “Basta next time, isipin mo muna kung sino ang pinaprank mo. Mukhang ikaw tuloy ang naprank!” Ang ending, si Oliver, nagmukhang VIP sa lodging house habang nilalantakan yung pagkain na hindi niya kayang ubusin. Kami naman ni Elise at Monica, balik sa gala, tawa ng tawa, habang iniisip na sa dami ng kinain ni Oliver, baka di na siya magpakita sa amin kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD