Pag-upo namin ni Ally sa classroom, nagsimula na agad ang lecture ni Prof. Santiago, ang isa sa mga pinakamahigpit pero magaling na prof sa Psychology. Pagdating niya, diretso agad siya sa lesson tungkol sa stress management. Puno ang board ng kung anu-anong psychological terms at strategies, pero busy lang kami ni Ally sa pagtitiklop ng mga notes habang magkatabi sa likod ng classroom. Tuloy ang kwentuhan namin sa maliit na sulatan, puro doodles at inside jokes na hindi nakakatulong sa lesson pero pamatay-stress namin pareho.
Habang abala si Prof. Santiago sa pagsasalita tungkol sa coping mechanisms, biglang napako ang tingin niya kay Ally. Napahinto ang buong klase; mukhang may naisip na naman siyang pakulo. “Miss Marquez,” tawag niya kay Ally, sabay ngiti na parang may alam na hindi namin alam.
Nagulat si Ally, sabay tayo agad na parang sundalo. “Yes, Sir?” Medyo kinakabahan na siya, at sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko alam kung matatawa ba ako o makikisimpatiya sa kanya.
“Since we’re talking about stress, let’s dive into something related. I have a question for you,” sabi ni Prof habang nakangiti. “Ano ang pananaw mo sa love? Does it add to your stress, or is it a way to cope with it?”
Nagtinginan lahat sa amin, at ako, biglang kinabahan para kay Ally. Baka kasi hindi siya ready sa biglang tanong na ganito. Pero ibang klaseng confidence ang lumabas kay Ally. Ngumiti siya, nagbuntong-hininga, at sumagot na parang hindi siya nai-intimidate.
“Sir, love is... complicated,” panimula niya, na parang nagsisimula ng kwento. “It’s messy, unpredictable, and sometimes, it even makes you feel things you wish you didn’t have to feel. Pero alam niyo, Sir, kahit minsan nakakastress, it’s the kind of stress I would choose every single day. Because love is not just about grand gestures or perfect moments, it’s about the small, imperfect things that make you feel alive.”
Tahimik ang buong classroom, lahat nakikinig, pati si Prof, napapailing sa sinasabi ni Ally. Pero ang pinaka tumama sa akin ay nung bigla siyang tumingin sa direksyon ko habang nagsasalita pa rin. Hindi ko alam kung narinig ba iyon ng iba o parang ako lang ang kinakausap niya.
“Love is when you look at someone and see your best friend, your partner in crime, and your home all at once. Hindi siya dapat ini-stress kasi love, if it’s real, helps you cope with the world. It gives you strength and courage kahit maraming humusga. At kapag kasama mo yung taong mahal mo, kahit anong hirap, nakakaya.”
Napalunok ako, at pakiramdam ko, ako na ang hinahamon ng sariling emosyon. Grabe, parang ang saya at sakit ng sinabi niya sabay-sabay, pero lahat ng iyon, totoo.
Tumango si Prof, impressed sa sagot ni Ally, at sabay sabi, “Well said. You’ve captured the essence of how love, despite its complexities, can actually help us manage our stress.”
Pag-upo ni Ally, tinignan niya ako at ngumiti. Hinawakan niya ulit ang kamay ko sa ilalim ng desk.
Pag-ring ng bell para sa recess, agad kaming pumunta ni Ally sa cafeteria, sabik na kumain at makapagpahinga kahit saglit lang. Pero hindi ko inaasahan ang eksenang sasalubong sa amin doon. Pagdating namin sa pinto, agad kong napansin si Monica nakatayo at nakapamewang, halatang kanina pa nag-aantay. Ramdam ko na agad ang tensyon sa paligid. Nang makita niya si Ally, bigla itong kumaripas ng takbo papunta sa amin.
Bago pa man kami makalapit sa isang mesa, bigla na lang siyang sumugod at yumakap kay Ally na parang matagal niya itong hindi nakita. Nanlaki ang mata ko, at naramdaman ko ang pagkabigla ni Ally, na hindi man lang gumalaw o nagpakita ng kahit anong reaksyon. Dahan-dahan, inalis niya ang mga braso ni Monica na nakapalupot sa kanya.
“Monica, ano ba? Tama na,” madiing sabi ni Ally, halatang iritadong-iritado. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Monica, at sa tono ng boses niya, alam kong gusto niyang iparating na hindi tama ang iniisip ni Monica.
"Bakit, Ally? Diba sinabi mo sa akin noong socialization na tayo na?" sabi ni Monica, pilit na nag-aargumento. Kitang-kita sa mukha niya na naniniwala siyang may kung anong espesyal sa kanila.
Napapailing si Ally at kita ko ang pagkailang niya sa sitwasyon. "Monica, crush lang kita dati. Pero hindi kita sinagot. Wala akong sinabi na tayo na, ikaw lang ang nag-assume. Hindi mo pwedeng gawing totoo ang bagay na hindi naman nangyari."
Nakahawak pa rin ako sa kamay ni Ally, at nararamdaman ko ang tension sa pagitan namin at ni Monica. Pinagmasdan kami ni Monica, at doon niya napansin na magkahawak kamay kami ni Ally. Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon niyanmula sa pagiging self-assured ay napalitan ng galit at pagkabigo.
“So, si Elise pala ang girlfriend mo? Siya ang pumalit sa akin, Ally?” tanong ni Monica, na para bang ako pa ang nakialam sa kanila.
Hindi na ako nagpaawat. Hindi ko kayang manatiling tahimik, lalo na’t alam kong mali ang sinasabi ni Monica. "Alam mo, Monica, gusto ko lang klaruhin na ako ang tunay na girlfriend ni Ally. Hindi ko siya inagaw dahil wala naman talagang kayo. Hindi naman pumayag si Ally sa ginawa mo nung socialization, at hindi mo pwedeng ipilit na may relasyon kayo."
Nakita kong namutla si Monica, pero hindi siya nagpapatalo. “Ang kapal mo rin, Elise. Hindi pa nga matagal ‘yang relasyon niyo, baka niloloko ka lang ni Ally. Hindi ko bibitawan si Ally, tandaan mo ‘yan.”
Hinapit ko pa ng mas mahigpit ang kamay ni Ally, at kitang-kita ko rin na ayaw na ni Ally sa sitwasyong ito. "Monica, please, itigil mo na ‘to," sabi ni Ally, matapang na nakatingin kay Monica. "Hindi ka man lang nagtanong kung ano ba talaga ang gusto ko. At ang gusto ko, si Elise. Siya ang mahal ko, hindi ikaw. Wala akong sinagot na iba, at never ko gagawing laro ang mga nararamdaman ko."
Hindi na sumagot si Monica, pero kita ko ang pagpipigil niya sa sariling galit. Napapikit siya, at bago pa siya magsalita ulit, biglang naglakad na lang kami ni Ally palayo. Habang naglalakad kami, ramdam ko ang bigat ng sitwasyon, pero sa huli, mas pinili naming protektahan ang totoo. Kahit anong intriga ang gawin ni Monica, alam kong kami pa rin ni Ally ang magsasama sa dulo. Ang mahalaga, totoo kami sa isa’t isa, at walang ibang makakapagbago noon.
Pagkatapos ng klase, pumunta kami ni Ally sa bagong apartment namin. Bagamat maliit at simple, ayos lang naman sa pag-aasikaso ng mga gamit. Parang simula ng bagong kabanata para sa amin, isang espasyo na maaari naming tawaging sa amin, kung saan hindi kami mag-aalala sa mga magulang na magbabantay o mag-iistorbo.
Nagtrabaho kami nang magkasama, iniisa-isa ang mga karton, pag-aayos ng mga furniture, at paglagay ng mga dekorasyon. Nakakatuwa ang bawat sandali, pero hindi ko maalis ang pakiramdam na may kulang pa rin. Hindi ko rin alam kung bakit, pero habang tinatapos namin ang pag-aayusan, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko, parang may laman na hindi ko maipaliwanag.
Nakita ni Ally ang nangyari, agad siyang lumapit sa akin, wala ni isang salita, at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong ang kanyang balikat sa akin. Ang kanyang presensya, ang init ng katawan niya, at ang mahigpit na yakap niya ay parang nagbigay ng comfort na matagal ko nang hinahanap.
“Bakit, Elise?” tanong niya, ang boses niya ay puno ng pag-aalala. “Ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak?”
Hindi ko agad nasabi ang dahilan. Ang tanging alam ko ay sobrang dami ng nararamdaman ko pagod, takot, at pag-aalala. Napangiti ako sa pamamagitan ng pag-iyak, at sinubukan kong sagutin siya habang ang mga luha ko ay patuloy na bumubuhos.
“Ally, hindi ko alam kung bakit. Ang dami kong iniisip kung kaya ba natin ang lahat ng ito, kung tama ba ang desisyon natin... Parang hindi ko na kaya,” sabi ko habang hinahaplos ko ang mukha ko.
Dinala niya ako sa kanyang mga bisig, hinaplos ang buhok ko, at ang pagbibigay niya sa akin ng tahimik na suporta ay nagbigay ng lakas sa akin. “Elise, hindi mo kailangang mag-alala. Nandito ako para sa iyo. Hindi mo kailangan mag-isa sa mga takot mo. Tayong dalawa, magkakasama tayo sa lahat ng ito.”