Kakaibang araw. Pagbalik ko sa campus matapos gumaling sa lagnat, napansin ko agad ang presensya ni Steven. Hindi ko maipaliwanag, pero tila mas madalas ko na siyang nakikita sa iba’t ibang sulok ng paaralan—sa hallway, sa cafeteria, at minsan pa sa may gate. Noon, hindi naman siya madalas gumala o magpakita sa mga ganitong lugar, kaya napaisip ako, coincidence lang ba ito? Habang naglalakad ako papunta sa klase, bigla siyang lumapit sa akin. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako. Tumigil siya sa harapan ko, at may seryosong tingin sa kanyang mukha. "Elise," simula niya, "gusto ko sanang humingi ng tawad." Halata ang bigat ng kanyang tono. Napakunot ang noo ko, medyo nagulat sa sinabi niya. "Bakit ka naman hihingi ng tawad?" "Alam ko na nagkasakit ka," sagot niya, medyo nag-aalanga

