Pagkatapos naming magkita ni Ally kaninang umaga, sinabi niyang uuwi muna siya sa kanila. Namimiss na raw siya ng mama niya, at hindi ko naman siya masisisi. Ilang araw na rin kaming hindi umaalis sa apartment, puro bonding, kulitan, at minsan ay tahimik lang, parang sapat na ang presensya ng isa't isa. Pero ngayong wala si Ally, pakiramdam ko may kulang. Nakasanayan ko na siyang nandyan palagi, lagi niyang pinapalakas ang loob ko. Habang papalapit ako sa pungtod ni mama, dala ko ang mga paboritong bulaklak niya—mga puting rosas na palagi niyang kinagigiliwan noong bata pa ako. Nakangiti ako pero ramdam ko na bumibigat ang dibdib ko. Isang taon na simula nang mawala siya, pero parang kahapon lang. Iba ang pakiramdam kapag wala na ang isang tao na naging haligi mo. Pagdating ko sa harap n

