Deserve ko ba ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon? Minsan tinatanong ko ‘yan sa sarili ko habang mag-isa. Kapag tulog na siya at ako ay muling nagigising mula sa isang bangungot, na sa totoo lang, hindi ko na makilala kung alin ang bangungot at alin ang realidad. Siguro nga… deserve ko. Dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa sitwasyong ganito. Hinayaan kong ulit-ulitin niya ang p*******t. Hinayaan kong baliin niya ang boses ko, ang loob ko, ang pagkatao ko, dahil hindi ako kumontra. Pero hindi rin naman ako sumuko agad. Sinubukan ko. Ilang beses akong tumakas. Ilang beses kong sinubukang lumaban. Ilang beses akong humiling sa langit na sana, isang araw, matauhan siya. Na baka may natitira pa siyang puso. Pero sa huli, ako pa rin ang talo. Wala akong kalaban-laban. Wala akong k

