Trigger Warning: Emotional and Physical Abuse!!! Isang malakas na kalabog sa pintuan ang gumising sa akin kinabukasan. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, habol ang hininga at hindi alam kung anong oras na. Sa kaba, agad kong tinakbo ang pinto at binuksan iyon— Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin. Lumagapak ang palad niya sa kaliwang pisngi ko, dahilan upang mawalan ako ng balanse at matumba. Tumama ang gilid ng katawan ko sa sahig, at halos mawalan ako ng ulirat sa hilo. Biglang nanlamig ang buong katawan ko, ngunit nag-aapoy pa rin ang balat ko sa hapdi ng kanyang sampal. Napaiyak ako sa gulat, sakit, at takot. “Isinama kita rito hindi para lumandi, Seraphine!” sigaw ni Miller, nanlilisik ang mga mata. “You are a w***e! A real f*cking w***e! Ano na lang ang iisipin ng mg

