“Run away with me, Seraphine,” he repeated, his voice low but firm, like a promise and a plea all at once. Hindi ako makapagsalita. Sa dami ng iniisip ko, parang nabibingi ako sa t***k ng puso kong parang gustong kumawala sa dibdib ko. Alam kong maraming koneksyon si Luther, pero hindi rin matatawaran ang hawak ni Miller. At sa gitna ng dalawang kapangyarihang iyon, ako lang ang walang kapangyarihan. Ako lang ang wala, walang pangalan, walang laban, walang kakampi. Tangina, ni hindi ko nga alam kung sino ba talaga ang pwede kong kapitan sa buhay na ‘to. Nakatingin ako sa kanya, sa mga matang tila nag-aanyaya ng kalayaan, pero may mga aninong hindi ko mawari. Hindi ko siya lubos na kilala. We’ve spoken briefly before, shared glances, maybe a few polite words, but that’s it. And yet, here

