Hindi pa rin talaga matahimik si Maxton habang kumakain kami nga hapunan. Nandito kami sa dining table, tatlo kami ang kumain. Pinilit kong h’wag na sanang tumayo si Luther baka bumuka pa ang sugat niya pero napakatigas ng ulo, gusto niya pang maglakad mula sa itaas papunta rito sa dining area. “I could feel your dagger eyes, Luther. Hindi mo ba ako na miss? We’ve known each other since we were kids and you took so long to ask for my help. Ngayong nagkita na tayo ganyan ang ibubungad mo sa akin?” aniya habang nakatingin sa plato niya "You’re annoying, Maxton.” "I’ll sleep here tonight, I’ll be gone tomorrow, you won’t hug me just a little bit?” May pang-asar sa boses niya. Tumaas ang gitnang kamay ni Luther sa hangin. Inis na inis na siya sa mga biro ni Maxton, baka kung wala siyang

