Pinagaan ni Luther ang damdamin ko. He assured me that everything would be fine and under his control. Malaki naman ang tiwala ko sa kanya, ebidensya na ang pagligtas niya sa akin. Pero kahit gano’n, hindi pa rin mapakali ang dibdib ko lalo na’t nasa paligid lang si Miller at hindi nahahanap ng ebidensya ang mga ginawa niya. Kinahapunan hindi pa rin ako mapakali dahil mataas pa rin ang lagnat niya, para bang hindi epektibo ang pinapainom kong gamot sa kanya. Buong araw ko siyang kinulit na tawagan na niya iyong kaibigan niyang doctor para matignan siya. Tango lamang siya nang tango pero hindi din naman ginagawa. “Luther, magtitipa ka lang tapos tatawagan mo siya. Please, tawagan mo na. Hindi bumababa ang lagnat mo, at dumudugo na ulit ang sugat mo.” I tried to persuade him again, this

