Gustung-gusto ko nang kumawala sa tabi ni Luther pero hindi ko magawa. Hindi ako makahinga, hindi lang dahil sa bigat ng katawan niya, kundi dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. Parang may namumuong bagyo sa loob ng dibdib ko. Dahan-dahan kong sinubukan siyang itulak. Maingat. Mahina. Pero wala pa rin… parang bakal ang katawan niya sa bigat. Kung lalakasan ko, tiyak na magigising siya at ayoko namang isiping sinisipa ko siya palabas ng kama. Paano ba ‘to? Jusko, Seraphine… Huminga ako nang malalim, pilit na kinakabog ang sariling puso. Maingat kong inilapat ang palad ko sa kanyang dibdib. Mainit. Matatag. Humihinga siya nang mabagal, pero tuloy-tuloy. Tumulak ulit ako, walang epekto. Wala na. Kailangan ko na siyang gisingin para makawala ako dito. Masyado na akong hindi mapakal

